Chapter 12 ♥

716 35 13
                                    

Jim's POV


"Do you want to read the story I made, Jimmy?" nakangiting baling sakin ni Nicola habang hawak sa dalawang kamay ang notebook at nilalapit sakin.


Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa pagliligpit ng gamit ko. Uwian na at mukhang uulan pa.


"Hindi pa to tapos pero gusto ko lang ng comment or suggestion mo." parang nahihiyang sabi niya.


Hindi ko ulit siya pinansin.


Ang paggawa ng kwento ay assignment namin sa isa sa mga subjects. At kahapon lang sinabi ng teacher namin iyon. Wala pa nga akong maisip. Buti pa siya meron na.


Pero kahit tapos na o hindi pa ang kwentong inaabot niya sakin ay wala akong balak basahin iyon. Baka kapag nakipag-usap ako sa kanya ay isipin na nyang nakikipagkaibigan ako sa kanya.


Ni hindi pa nga ako natatahimik dahil sa mga pang-aalaska ng mga kaklase ko dahil sa pagiging escort ko, lalo pa at madalas na lumalapit sakin si Nicola at inaakala ng lahat na kaibigan ko siya. 


"I entitled it 'The Tomato Killer'."


Napakunot-noo ako at nakita niya yon kaya inakala na interesado ako.


"Isa ka sa mga main characters, Jim."


Isa sa character?! Sa isang kwento ng mga kamatis! Wala na ba talagang gagawin ang babaeng ito kundi pagkatuwaan ako? At saang dimension niya kinuha ang title na yon?!


"Isa akong tomato killer sa kwento mo?" takang-tanong ko sa kanya. Nakalimutan kong hindi ko dapat siya kinakausap. Pero pati ba naman sa assignment naming kwento ay hindi niya 'ko tatantanan?


"Uhm... No," parang nahiya siya at inisip siguro na na-disappoint ako dahil nalaman kong hindi ako ang bida. Pero sandali lang ay bumalik ang sigla sa mukha niya at, "But you are the tomato!"


"Tomat---"


Ewan ko sayo!


Mabilis akong tumayo at lumabas sa classroom.


"Jim!" tawag niya sakin.


Isa akong kamatis, pambihira.


Baliw talaga si Nicola. At sure ako walang kwentang kwento ang ginawa niya galing sa baliw niyang utak.


Pero siguro nasasabi ko lang ito dahil sa inis ko sa kanya. Dahil ginawa niya akong kamatis.


Hindi naman talaga kasi baliw si Nicola. Katunayan, siya ang nangunguna sa klase namin dahil matalino talaga siya. Fluent magsalita ng English at lageng mataas ang grade na nakukuha sa mga recitations and exams. Minsan alam na niya agad ang mga concepts sa topic dahil napag-aralan na siguro niya iyon noong nagho-home schooling pa siya, narinig ko iyon na sinabi ng isa sa mga teachers sa hallway.

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon