Chapter 19

443 27 16
                                    

Konti lang 'to, just a glimpse of Nicola's thoughts. Pa-birthday ko 'to kay Rhia na hate si Nicola, nyahaha! Happy birthday!


Nicola's POV

"Thank you." I smiled to the chauffeur and climbed out of the car. Kinawayan ko ang papalayong kotse na naghatid sa akin sa hospital kanina at ngayon sa bahay namin. Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko si ate Laila na nakadungaw sa bintana ng kwarto namin, derechong nakatingin sa akin. She's not smiling...

I'm biting my lip in guilt. Alam ko na mali na hindi magpaalam sa kanya lalo pa at inabot na 'ko ng ganitong oras ng gabi. I am sure father was worried also. Pero kaya lang naman hindi ako nagpaalam ay alam kong pipigilan niya 'ko. Napapansin ko na ayaw ni ate na nakikipagkita ako kay Lijan. She's not telling it to me directly but I just feel it.

Pumasok ako sa bahay at nakapatay na ang ilaw sa sala. I didn't bother switching the lights on and continue approaching our bedroom door. Tulog na siguro si Aling Myla at Papa kaya bukas na lang ako magso-sorry. Dahan- dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin at nakita na naka-cross arms si ate sa tabi ng kama niya.

I gave her a little smile and sat on my bed. "I'm sorry ate." That is for not informing her my whereabouts and making her worried but I'm not sorry for seeing Lijan.

I just saw her exhaled then she eyed me seriously. "Kalimutan mo na si Lijan, Nicola. Magulo ang buhay niya, baka maapektuhan ang pag-aaral mo o kaya mapahamak ka. Pamilya sila ng politiko at tinago ang pagkatao niya sa lahat kaya sigurado gagamitin iyon ng mga kalaban ni Gob. hihintayin mo pa bang mapahamak din tayo?"

"I'm sorry..." I feel a tear shed my eyes. Pero pinigilan kong umiyak. Naiintindihan ko ang pag-aalala niya pero hindi ko magagawang kalimutan si Lijan kaya ako nagso-sorry.

Oh, this is frustating!

Nagi-guilty ako sa ginagawa ko sa ate ko. Humihingi ako ng tawad sa ibang bagay na hindi ko masabi. Alam kong may katwiran siya pero paano niya nasabing ang paglimot sa pagkakaibigan namin ni Lijan ang magliligtas sa akin mula sa mga bagay na hindi pa nangyayari. I am being unfair to my sister but she is also being unfair to me and Lijan.

"Matulog ka na." At nahiga na siya sa kama niya..

Nang tumalikod sa direksyon ko si ate ay saka ko hinayaang tumulo ang luha ko.

Sometimes, I want to hate her but I know it's wrong, she's my sister and she accepted me and loved me. Sana matagal ko ng nalaman na magkapatid kami, sana sabay kaming lumaki, sana nag-away na kami dati sa maraming bagay, sana kaya kong mangatwiran sa kanya ngayon. I hope I can be her bestfriend and not just her little sister. Sana hindi lang mga pangaral ang sinasabi niya kundi ang nararamdaman niya at ganoon din ako sa kanya. And I hope she stops treating me like a fragile doll. Na mababasag o mananakaw kapag iniwanan. I know it's not her fault. 

But I just hope she recognize me as a normal person with feelings even though she thinks that I was brought up in a world different from her.

Ang Pag-ibig ng BarumbadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon