Chapter 40

3.3K 85 5
                                    

Huminga ako nang malalim at ngumiti. Kinuha ko ang luggage ko at lumabas ng kwarto.

"Are you ready?"

Ngumiti ako kay Zim. "Yes. Please, take care of my nephew," I said as I looked at my nephew. Ngumiti ako sa kanya at umupo para magpantay kami.

"Hey, big boy. See you again. Don't worry, I'll be back soon. Be a good boy and don't be stubborn, okay?" Ginulo ko ang buhok niya kaya nakangiti siyang tumango.

"Take care, Tita. I will wait for you!" He hugged me kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"You, too, Zack." I kissed his cheek and looked at my brother. Tumayo ako. "We'll see each other again, Kuya. Mag-ingat kayo ni Zack," sabi ko kaya ginulo niya ang buhok ko. Napangiti ako.

"Hez!"

Napalingon ako sa pinto at nag-unahan ang mga kaibigan kong makalapit sa akin. Tumawa ako at napailing nang sabay-sabay nila akong niyakap.

"Dito kayo magpakasal, ha! Hihintayin ko kayo! Bilisan niyo ro'n!" sabi ni Sorrel kaya tumango ako.

"Two weeks lang kami sa Greece, guys. Huwag niyo akong iyakan," natatawang sabi ko pero napanguso lang sila.

"Have a nice trip, Hez," nakangiting sabi ni Aina.

"Mag-iingat kayo rito, ha? Babalik ako 'wag oa." Tumawa ako habang inaayos ang luggage ko.

"Gusto ko sanang sumama dahil gusto kong makapunta sa cruise ship ni Pris pero ayoko namang umepal," nakangusong sabi ni Frida.

"Me too! Saan ba ako makakahanap ng isang Captain Pris Del Fuego?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Trina.

"Nag-iisa lang siya." Ngumisi ako kaya napairap si Trina sa akin.

"Ingat, Hez!" Niyakap ako ni Saint at Xan kaya niyakap ko rin sila pabalik.

"Ehem."

Napahiwalay ako sa mga kaibigan ko at napatingin sa pinto and there, I saw my man standing beside the door while his arms were crossed. He was looking at me with his serious eyes so I smiled and walked towards him.

"Ako dapat ang pupunta sa bahay mo, e," sabi ko nang nakalapit. Mabilis na pumulupot ang kamay niya sa bewang ko at kinuha ang luggage sa akin.

Humarap ako sa mga kaibigan ko at kina Zim. Nakangiti akong kumaway sa kanila. "See you again, guys!"

Kumaway sila at ngumiti kaya tumalikod na kami. Pris opened the door for me kaya pumasok ako sa kotse. Nang nakapasok siya ay mabilis niyang pinagsalikop ang mga kamay namin. Nasa likod kami dahil ang driver niya ang magmamaneho.

"Are you excited?" nakangiting tanong ko.

"Palagi akong excited kahit saan tayo pumunta basta ikaw ang kasama ko," seryosong sabi niya kaya napangiti ako.

Sumandal ako sa balikat niya. Alam kong hindi pa natatapos ang mga problema namin pero alam kong malalagpasan din namin ang mga 'yon. Matibay na kami pareho dahil sa mga pinagdaanan namin at hindi na kami magpapadala sa kahit na ano at hindi na kami masisira.

Nakarating kami sa airport at private plane ang sinasakyan namin ngayon. Nasa gilid ako ng bintana habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya.

"Sleep, baby. I'll wake you up later." He kissed my forehead. Sumandal ulit ako sa kanya at naamoy ko ang pamilyar na bango niya.

I wasn't expecting that I would meet a guy like him. Akala ko lahat ng lalaki ay hindi na magseseryoso pero may natitira pa rin pala talagang kagaya niya. Maswerte ako dahil ako ang babaeng minahal niya.

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora