Chapter 28

2.4K 86 13
                                    

"T-totoo ba?"

Pris immediately came to me and he was about to hold my hand but I pushed him away. "Totoo ba?!" Lumakas ang boses ko. Pareho lang silang natahimik.

"You knew about this all along, didn't you? But you didn't fucking tell me? What are friends for, Timothy?" galit na tanong ko kaya umangat ang tingin niya sa akin.

"I-I'm sorry, He-"

"DAMN! I thought we were friends? Alam mo kung sinong nagtatangka sa buhay ko but you kept your mouth shut? How could you?" natatawang tanong ko habang bumabagsak ang mga luha ko. "Tang ina."

"Hez, let me exp-"

Mabilis kong sinampal si Pris. "Why didn't you tell me? Dahil ito talaga ang gusto mo? Ang kunin ang loob ko at pabagsakin ang pamilya ko? Am I right?! Hinabol mo ako para kunin ang tiwala ko!"

Bawat lapit niya ay paulit-ulit ko siyang tinutulak. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'to.

"Aminin mo nga, Pris! Hinabol mo ba ako para kunin ang loob ko?!" Kumuyom ang kamao ko.

"Hez, I love you! Masasaktan ka lang kapag sinabi ko sa'yo dahil kaya ko 'tong pigilan!" paliwanag niya pero umiling lang ako.

"You should've told me! Walang hiya, Pris. Ibang klase ka magmahal," mahinang sabi ko. Naubos na yata ang lakas ko. Nanghihina ako, nasasaktan.

"O-oo. Lumipat ako sa condo na tinutuluyan mo dahil nabalitaan kong doon ka nakatira at pinlano namin na itabi sa unit mo. That was my parents order and I had to obey it! But when I saw you? I gave up! Baby, I love you..." Hinawakan niya ang nakakuyom kong kamao.

"Patawarin mo kami, Hez..."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang mga kaibigan ko. Lumayo ako kay Pris. Kumunot ang noo ko at unti-unti ring tumawa ng malakas na parang baliw pero tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha. "Of course, alam niyo rin 'to," natatawang sabi ko.

"Sor-"

"I thought I could trust you!" malakas na sigaw ko sa kanilang lahat kahit paos na paos na ang boses ko. Pakiramdam ko pagkatapos ng lahat ng 'to, hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Hez, magpapaliwanag kami." Lumapit sa akin si Aina pero tinulak ko lang siya palayo sa akin.

Hinarap ko si Trina na napayuko. "You didn't go to New York, right? Hindi kayo umalis ng Pilipinas?" seryosong tanong ko sa kanilang tatlo. Napabuntong-hininga si Sorrel habang napayuko naman si Xanthus.

"I'm sorry, Hez..." mahinang sabi ni Trina.

"Oh! So I was right!" Mamamatay na yata ako. Pinagkaisahan nila akong lahat. Hindi ko maramdaman na may kakampi ako. Parang unti-unting nawawasak ang buong pagkatao ko.

"Hez..." I felt Pris' hand held my hand. Hindi agad ako nakagalaw dahil parang nanigas na ang buong katawan ko.

"Bakit? Bakit gusto niyo kaming pabagsakin?" sa wakas ay naitanong ko rin.

Hindi siya nakasagot kaya tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko. Timo was right. Hindi kami pwede ni Pris dahil galit ang pamilya niya sa amin. At galit na galit din ako sa pamilya niya. Hindi ko siya kayang makasama.

"His brother planned this, Hez. Inutos ng kapatid niya na sundan ka at takutin ka dahil unti-unti nilang kukunin ang lahat ng sa inyo. Ang magulang niya ang nagpapapatay sa buong angkan niyo," paliwanag ni Timo. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang maging bingi. Sana kasinungalingan na lang ang lahat ng 'to. Pagod na pagod na kasi talaga ako.

Slade. So it was you?

"His brother is a... mafia boss, Hez."

Nalaglag ang panga ko. M-mafia? Ibig sabihin ba pumapatay ang kapatid niya? Pumapatay si Slade? At hindi malabong maubos ang pamilya ko?

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Where stories live. Discover now