Chapter 12

3K 129 32
                                    

Isang linggong pagtetext. Isang linggong pag-uusap. Kahit minsan ay naiirita siya sa kakulitan ko ay pinipigilan niyang magalit. Palagi kaming magkasama at aaminin kong sobrang saya ko. Siguro nga... siguro nga nahulog na ako ng tuluyan. Mas malalim kung ikukumpara sa pagmamahal ko noon kay Harry.

Ewan ko, pero nasanay na ako kay Pris.

Nasanay na akong palagi kaming magkasama. Nasanay na ako sa kanya. Mali man pero... dinepende ko na 'yung sarili ko sa kanya.

Narinig ko ang pag doorbell sa labas kaya napangiti ako. Sigurado akong siya na 'yon.

"Hi, Pr-"

Napanganga ako dahil hindi pala si Pris ang bumungad sa akin. Isang lalaki at hindi ko kilala kung sino.

"Good afternoon, Ms. Braganza," panimula ng lalaki kaya tumango ako.

"What can I do for you?" I asked while fixing my hair.

"Hindi pa po kayo nakakapagbayad sa unit niyo at pinapaalala lang po namin. Maaari kayong mapaalis dahil hindi nauurong ang pagbayad dito dahil isa itong ekslusibong condo."

Napakunot ang noo ko at napakagat-labi. Wala na akong pera. Palagi nga lang akong nasa bahay ni Pris para makikain tapos sisingilin niya ako?

"I will pay you next week," tipid na sabi ko sa haba ng sinabi niya kaya napalunok siya.

"I'm sorry, Ma'am, but you need to go to our office. The owner said, you would pay now." My brow automatically raised. I crossed my arms and gave him my intimidating look.

"Don't you know me?" masungit na tanong ko kaya napayuko siya.

"I-I kn-"

"Exactly! Why were you asking that shit to me? I am Braganza. Isampal ko pa sa'yo ang pera ko, gusto mo ba 'yon? Kung ayaw mo, lumayas ka sa harapan ko, ngayon din." Napalunok siya at mabilis akong tinalikuran.

Padabog kong sinarado ang pinto.

"Leche naman! Hindi ba ako bibigyan ng pera ng magulang ko? O ni Zim? What the hell." Napapailing na sabi ko.

My phone rang and I turned my look on the screen. I rolled my eyes when I saw the name of the caller. I turned my phone off.

I still hate you, Timothy.

Hangga't may sikreto siya sa akin ay hindi ko siya kakausapin. Ayoko talaga sa lahat 'yung mga nagsisikreto sa akin, e. Diyan nagsisimula ang pagsisinungaling at panloloko.

Napatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. I wasted my money because I thought they would send me some money but damn, I was wrong.

Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis. Ano nang gagawin ko? Ayoko namang umuwi sa bahay at kausapin si Zim para hingian ng pera dahil nga mataas ang pride ko.

"What are you doing?"

Nalaglag ako sa kama dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni Pris. "Nakakainis ka! Ginulat mo ako!" sigaw ko habang bumabangon. Napangiwi ako sa sakit ng likod ko.

His arms crossed and his forehead creased. I already knew that he was waiting for my word but I just laid on my bed and looked at the ceiling. I have no words to say. Namomoroblema ako sa pera ko - kahit wala akong pera. Basta namomroblema lang ako. Ayokong ibaba ang pride ko at kausapin ang pamilya ko.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Don't you dare lay your hands on me, Del Fuego." I'm not comfortable because we're in the same bed.

"Asa," sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What are you doing here?" I asked and sat down on my bed properly.

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon