Chapter 35

2.8K 77 14
                                    

"I know exactly how you feel, hija. We're here for you."

I smiled bitterly. Miss na miss ko na ang mga magulang ko. Hindi ko alam na sa isang iglap ay mawawala sila.

Nasa harap ko ngayon ang mga magulang ni Pris. Isang linggo na ang nakakalipas at nailibing na ang magulang ko. Kahit sobrang stress ay tinanggap ko ang pagiging CEO dahil kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan nila Mommy at Daddy.

Bumalik na rin ako sa bahay at walang araw na hindi ako dinalaw ni Frida mapa sa bahay man o opisina.

"Thank you, Madame-"

"Mommy, hija. Mommy." Ngumiti siya pero may kakaiba sa ngiti niya pero hindi ko na lang pinansin.

"When are you getting married?"

Napaubo ako sa tanong ng Daddy niya kaya narinig ko ang pagtawa ni Slade sa gilid. Bigla akong inakbayan ni Pris kaya medyo kumalma na ako. "Stop pressuring my girlfriend. We'll think about that soon." Hinila na ako palabas ni Pris kaya mas nakahinga na ako ng maluwag.

"Did they stress you out?" tanong niya habang hawak ang magkabilang gilid ng ulo ko.

"Of course not," pagsisinungaling ko. Her Mom's glares were so intimidating.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at iginiya papunta sa kama niya para makaupo. "I'm sorry if I didn't tell you about our marriage."

Natawa ako kaya seryoso niya akong tiningnan. "Are you making fun of me, woman?"

Umiling ako habang natatawa. "Anong pumasok sa isip mo at pinuntahan mo ang parents ko sa New York?" nakangiting tanong ko.

Ginulo niya ang buhok ko kaya mas lalo akong napangiti. "Because I was so desperate to own you, Hez." He held my hands and I couldn't stop myself from smiling.

"Pag-aari mo naman ako," marahang sabi ko at sinandal ang ulo sa dibdib niya kaya inakbayan niya ako.

Hindi siya nagsalita. We stayed silent for a while. Nararamdaman ko lang ang marahang paghagod niya sa likod ko at ang paghalik niya sa ulo ko. I really missed his warmth.

"Pris, why did you choose me? I mean, there's a lot of girls around you," I asked out of curiosity.

"Wala akong pipiliin kahit hindi tayo nagkakilala. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko dahil alam kong gagawa ang Diyos para magtagpo tayo," he seriously said, he reached for my chin para magtagpo ang mga mata namin.

When his eyes met mine, my heart raced fast. Kung may nagbago man sa pagtibok ng puso ko dahil sa kanya, 'yun ay 'yung mas lalong bumilis. "Ikaw lang naman ang pipiliin ko, Hez. Kahit makalimutan mo ako, ikaw pa rin ang pipiliin ko at paulit-ulit kong gagawin 'yon."

Malawak akong napangiti at hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya ng mahigpit. "Hindi ka ba napapagod sa akin?" nakatingalang tanong ko sa kanya.

"I will never get tired of loving you. This is a promise. Mapapagod ako sa iba pero hindi sa 'yo."

Mabilis ko siyang hinalikan kaya napangiti siya. Tumunog ang cellphone niya pero hindi niya binitawan ang pagkakaakbay sa akin. Pinagmasdan ko ang paggalaw niya.

"Alright, Mom. I'll be there," sabi niya at binaba ang cellphone.

"Aalis ka?" tanong ko.

"Yeah... Just wait here, I'll be back later. It won't take long, baby." He reached for my chin and kissed my lips softly and I automatically smiled. I nodded after the kiss. "I'll wait, then."

"I love you." Hinalikan niya ang ulo ko.

"I love you," nakangiting sabi ko bago siya nawala sa paningin ko.

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Where stories live. Discover now