Chapter 15

2.9K 121 7
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at hindi ako lumabas. Tanging mga tinapay lang sa ref ang kinakain ko at pinapalamanan ng mga gulay. Kung minsan ay hindi pa ako kumakain. Yeah, call this OA but what could I do? Imagine, you've caught the love of your life in the bed, kissing another girl that you hate the most. What would you do? Malamang mawawalan ka ng gana.

I turned my phone off because I don't want anyone to contact me. I just want to be alone right now.

"Ouch!" sigaw ko nang maramdaman ang mainit na tubig sa kamay ko. Napailing ako. Naglalagay kasi ako ng mainit na tubig sa tasa at dahil natulala ako ay hindi ko namalayan na puno na pala.

Binitawan ko ang tasa at napabuntong-hininga. Bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang linggo na akong ganito. Masyadong malayo ang pag-iisip ko.

Hindi ko dapat siya hinayaang halikan ako o mapalapit sa akin. Ganoon talaga ang mga lalaki, kapag nakuha na nila ang gusto nila, magiging gago na ulit sila. Yeah, boys are boys. Nahalikan na ako ni Pris kaya bumalik na siya kay Roxanne. What a fucking cheater.

Naligo ako at inayos ang sarili. Simpleng gray oversized long sleeve lang ang suot ko at blue jeans. Cellphone lang ang dinala ko. Maybe this is the right time to sell my things. Kailangan ko na kumilos para sa sarili ko.

Nagpapasalamat naman ako dahil hindi ko nakita si Pris kaya mabilis akong nakasakay sa elevator. Pagbaba ko ay naglakad-lakad ako. Ilang araw na akong hindi pumapasok, hindi ko na talaga alam kung makakagraduate pa ako.

"Malas!"

"Omg!" sigaw ko at napahawak pa sa puso ko dahil sa gulat na pagsigaw ng matanda sa gilid ko.

"Lola naman, you scared me!" naiinis na sabi ko. Napaatras ako nang inamoy niya ako. What the hell?

"Malas..." pag-uulit niya dahilan kung bakit nagtaasan ang balahibo sa katawan ko.

"M-malas? Sinong malas?" I asked out of curiosity.

Ngumisi siya at pumalad kaya kumunot ang noo ko. "Pera. Wala ng libre ngayon."

Unti-unting lumukot ang mukha ko. Malas, huh? Malas, my foot! Hihingian lang pala ako ng pera.

"Ikaw ang malas, walang pera ang hinihingian mo," sabi ko at tinalikuran na siya pero napahinto rin ako dahil sa sinabi niya.

"Mawawasak ng sobra ang puso mo. Sisisihin mo ang sarili mo sa mga mangyayari. Marami kang luhang ibubuhos at madudurog ang buong pagkatao mo. Ikaw... ikaw mismo ang magpapahamak sa mga taong nakapaligid sa'yo at sa mismong... sarili mo." Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa boses at sinabi ng matanda.

Mabilis akong lumingon ngunit napakunot ang noo ko nang makitang wala na ang matanda. Saan na siya nagpunta?

"Hez!"

"Shit!" sigaw ko dahil sa gulat. Nandito pala si Saint at Timo. Pagkatapos yata ng araw na 'to ay patay na ako dahil sa heart attack.

"Ginulat niyo ako," inis na sambit ko. Kumunot ang noo nila.

"Ikaw nga ang nakakagulat, e. Nagsasalita ka mag-isa," natatawang sabi ni Saint kaya napakunot ang noo ko.

"What do you mean, Saint?"

"Kanina pa kami nandito sa tabi mo. Mula paglabas mo ng elevator nakasunod na kami. Sino bang malas?" Kumunot ang noo ni Timo.

Kinilabutan ako.

Natulala ako. Anong nangyari? H-hindi ba nila nakita ang matandang kausap ko? O baka pinagtitripan lang nila ako?

"Stop fooling me!" sigaw ko at hinampas silang dalawa kaya mas lalong kumunot ang noo nila.

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon