Chapter 18

2.8K 106 1
                                    

"Hez!"

Nahihirapan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa boses ni Frida. Nakabalot sa kumot ang katawan ko at dalawang araw na akong ganito.

"B-bakit?" namamaos na tanong ko at umubo.

"What happened to you? You're burning!" natatarantang sigaw niya habang hinihipo ang noo ko.

"OA, I just need some rest," paos na sabi ko at muling umubo. Mariin siyang napapikit.

"Dadalhin kita sa ospital. Come on, kaya mo bang maglakad?" mabilis na sabi niya kaya kahit may sakit ay nagawa ko pa rin siyang ismiran.

"I'm not dying. Could you buy me medicine? And..." natigil ako sa pagsasalita dahil humapdi ang tiyan ko. Ilang araw na pala akong walang maayos na kain. "Could you cook porridge for me?" I added.

"Are you sure you? I can drive you-"

"Please, Frida," nakapikit kong sabi dahil nahihilo na ako sa ingay niya.

"O-okay," the last word she said before getting out of my sight.

Dumilat ako at huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko ang pawis ko. I'm fucking sweating and my headache is killing me. I let out a deep sigh. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako. Ilang linggo na akong hindi kumakain ng maayos.

Hindi ko na nabubuksan ang cellphone o laptop ko. Alam kong nag-aalala na ang mga kaibigan ko pero ayoko nang dumagdag pa sa problema nila.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Frida dala ang isang bowl. Maingat akong umupo at nakaramdam talaga ako ng matinding hilo dahil sa pagbangon ko.

"Just eat this porridge. I'll just buy you medicine. Are you sure you're okay?" ulit na naman niya kaya tumango na lang ako. Kahit nag-aalinlangan pa siyang umalis ay umalis na lang siya dahil sinamaan ko na ng tingin.

Mas lalo akong pinagpawisan dahil sa mainit na porridge na kinakain ko. Dalawang araw ng mahapdi ang tiyan ko siguro dahil sa nalilipasan ng gutom at hindi na talaga ako nakakain ng maayos. Madalas kasi puro tinapay o porridge lang ang kinakain ko.

I took the glass of water on the table. Uminom ako. "Oh, gosh. This is so annoying," napapailing na sabi ko habang nakayuko at nakayakap sa mga tuhod ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang pagsakit ng tiyan ko.

Pinilit kong tumayo. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at halos mandiri ako sa sarili ko. Mula nang nabasa ako ng ulan ay nagpalit ako at hindi na naligo hanggang ngayon. Magulo ang buhok ko at sobrang putla ko. "Why so pangit?" panlalait ko sa sarili ko.

I took my purse and looked for my lipstick. Kahit nanginginig ang kamay dahil sa lamig ay pinilit kong ipantay ang lipstick ko. Naglagay ako ng kaunting blush on dahil sobrang putla ko talaga at hindi ko masikmura ang itsura ko. Bitches are beautiful, I'm not a bitch if I'm ugly.

I curled my eyeslashes. Pagkatapos ay naglagay ako ng eye liner. "Yes, pretty," paos kong sabi kahit hindi pantay ang ginawa kong make up.

Bumalik ako sa sofa at humiga. Binalot ko sa kumot ang katawan ko dahil lamig na lamig talaga ako. Para akong kandilang nauupos letse.

Pagdating ni Frida ay agad akong uminom ng gamot. Nakatulog agad ako dahil sa sobrang panlalambot. Paggising ko ay gabi na. Napakunot ang noo ko nang makitang nakaupo si Frida sa sahig habang nakapatong ang nakatagilid niyang ulo sa mini table. Nakatulog siguro.

I checked my temperature and I still have a fever. Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong umupo. Kumuha ako ng jacket at sinuot 'yon dahil sa sobrang panlalamig.

Marahan kong tinapik si Frida sa balikat.

"Oh! Are you okay?" agad niyang tanong nang magising at hinipo ang noo ko. Napangiwi siya.

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon