Chapter 30

2.5K 82 5
                                    

"Wuhoo!"

I shouted while hanging my hands on the air. The sound of music was too loud and I just can't help but shout. My circle big earrings were dancing as I moved. I drank the white wine that I was holding and shouted again.

"This is freedom!" nakangiting sabi ko. Nakikisabay ako sa mga tao habang sumasayaw. Nasa club ako at mas napapangiti kapag tumatapat sa akin ang iba't-ibang kulay ng ilaw.

"Calm down, Hez! You're too wild!" natatawang sabi ni Frida at uminom ng alak.

"Come on! Let's dance!" I gave my wine to the waiter and held Frida's hands. Tumalon-talon ako kaya wala siyang nagawa kundi sabayan ako.

"She's drunk!" Nakita ko si Timo kaya hinatak ko rin siya at sumayaw. "Come on, guys!" Hinatak ko ang mga kaibigan ko.

I was too drunk and I couldn't control myself anymore. Iba't-ibang alak na ang sumayad sa lalamunan ko dahil kanina pa kami rito.

"Hez, you are so wild," napapailing na sabi ni Trina.

"Shut up, okay? Let's just dance!" Tinaas ko ang dalawang kamay ko at umikot para humanap ng lalaking isasayaw. Tumalikod ako sa lalaki at hinawakan ang dalawang kamay niya pataas. I danced in front of him kahit nakatalikod ako. I felt his hands on my waist but I didn't give a damn. Hinayaan ko lang siya.

"You are fucking sexy..." the man whispered so I just smiled.

"Hez, tama na 'yan." Hinatak ako ni Timo palayo kaya tumawa ako at tumango. Sumayaw ako sa gitna nila.

"She's dangerous." Narinig kong sabi ni Xanthus kaya hinatak ko siya sa gitna para makasayaw. Napailing siya sa ginawa ko.

"Iuwi na kaya-"

"Don't you dare, Saint!" pagbabanta ko kaya napabuntong-hininga siya. Binitawan ko si Xanthus at sumayaw.

"This isn't the first time na ginawa niya 'to. Palagi siyang ganito." Narinig kong sabi ni Sorrel. Magkakalapit lang kami kaya naririnig ko sila.

Hinatak ako ni Timo paupo kaya umupo kaming lahat sa sofa. Kumuha ako ng alak at mabilis na ininom 'yon.

Kumalma naman ang mga kaibigan ko dahil nakaupo na ako. Nagkukwentuhan na sila kaya nakikinig lang ako kahit sumasakit na ang ulo ko.

Malakas akong tumawa kaya nagtinginan sa akin ang mga kaibigan ko. "Hez, walang nakakatawa. Why laughing?" nagtatakang tanong ni Aina.

Lumakas ang tawa ko. "Hez, you're scaring me," napapailing na sabi ni Trina.

Malakas pa akong tumawa. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa unti-unting napalitan ng hikbi. Napayuko ako at mahinang humikbi. "I... I miss him."

Naramdaman ko ang pagyakap ni Aina at Frida dahil katabi ko sila. Hindi ko na kayang humagulgol at tanging hikbi na lang ang nagagawa ko and I think, this is the worst kind of pain.

Dalawang buwan na ang nakalipas. Na-comatose ako ng isang buwan dahil sa pagkakabaril sa akin. Nang magising ako ay mga kaibigan ko lang ang bumungad sa akin. Hinanap ko si Pris pero hindi siya nagpakita. Ni hindi ko man lang napuntahan si Lola at... sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na tuluyan na akong tinalikuran ng pamilya ko.

Hinintay ko si Pris. Akala ko magpapakita siya pero hindi. Isang buwan akong nakaratay at hindi ko alam ang mga nangyari kaya hinayaan ko na lang.

Ang sakit... ang sakit sakit.

"U-umuwi na tayo, Frida." Tumayo ako at tinalikuran sila. Mas pinili kong manatili kay Frida dahil nasanay na ako sa kanya.

Nakatulala lang ako habang nagmamaneho si Frida. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa taong malabo nang bumalik sa akin.

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon