Chapter 13

2.9K 124 50
                                    

"Stop doing this, I am fragile."

Kung pinaplano niyang pabagsakin ako sa kanya at iiwan rin kapag sawa na siya, pwes baka manalo siya dahil hindi ko siya kayang tiisin.

"I-I'm sorry," agad siyang humiwalay kaya tiningnan ko lang siya. His face was so frustrated pero tinakasan na ako ng salita. I just want to stare at him the whole night. Damn, I'm dangerously falling for him.

"Baby, you're crying." He walked towards me, he was about to wipe my tears away but I immediately pushed him. I was stunned and I didn't know that I was already crying. Tears run down my cheeks again at nagtuloy-tuloy pa.

"Y-you're hurting me..." I said, almost whispering.

"I'm sorry, He-" I didn't let him come closer to me. I was hurt. After saying those bullshits? What did he just say? What did I do to Roxanne? Am I the one who started the fight? For fuck's sake, I was just defending myself from her and Pris was on her side. He didn't even bother to ask if I'm okay, who started the fight and why I did that to Roxanne.

Sa tono ng pananalita niya ay parang ako na agad ang may kasalanan.

"You don't really like me, don't you?" matabang kong tanong at hindi siya nakasagot, I laughed bitterly.

"Kinulit kita..." pag-uumpisa ko. "You're so hard to get kaya nachallenge ako. I told myself that I would make you fall in love with me, it was funny, right? As time passes by, inisip ko na baka ayaw mo talaga because I am just a naive young girl. Ayaw mo sa mga bata, ayaw mo sa 'kin kaya ilang beses mo akong tinalikuran, tinaboy." Mapakla akong tumawa habang tuloy-tuloy na umaagos ang luha ko. Fuck. Bakit ako nagkakaganito.

'Yung tingin niya kanina noong sinaktan ko si Roxanne ay halos magpuyos sa galit. Galit na galit siya sa akin at umabot sa puntong inakala niya na ako lang ang may kasalanan.

"Hez-"

"So, yeah," Tumango-tango ako. "Let's not cross our paths ever again." Mapait akong ngumiti at tinalikuran siya.

Ayoko na. Bakit ba ako naghahabol?

Hindi niya ako sinundan kaya nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Paglabas ko ay gulat na gulat ang mukha ni Saint at Timo. "I want to be alone," mabilis na sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nila at pumasok na sa unit ko.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit. Hindi ko alam kung bakit grabe 'yung iyak ko dahil kay Pris. Hindi ko alam kung bakit sobra akong nasasaktan.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko na mahanap kung nasaan 'yung sakit. Basta masakit lang.

Maybe because I am really in love with that asshole.

Mabilis kong pinalitan ang passcode ko. Ayoko ng kausap. Ayokong may makakita sa akin na ganito... na durog.

Bakit mas grabe 'yung sakit na nararamdaman ko dahil kay Pris? Nagalit lang naman siya sa akin dahil sinaktan ko si Roxanne. Bakit kay Harry hindi ako masyadong nasaktan, e, nakita ko siyang may kasamang babae sa kama? Shit!

Hulog na hulog yata ako.

I didn't know I fell asleep. I just found myself in my bed, with teary eyes, red nose and pale lips. Napailing ako nang makita ang sarili sa salamin. Umaga na at fruit salad lang pala ang kinain ko kahapon pero hindi na ako nakaramdam ng gutom. Fuck. Did I cry the whole night? Omg. That was OA.

I tied my hair up and walked towards the kitchen. I opened my ref so I could eat because I am damn starving. Bumagsak ang balikat ko nang maalala na hindi pala ako marunong magluto.

"Fuck this life!" naiiritang sigaw ko at pabagsak na sinarado ang ref.

Pumasok ako sa cr at naligo. Hindi na ako nakapag babad sa bathtub dahil mag-iisip pa ako kung paano makakakain. I have no money. Should I sell my staff?

Captivated by His Warmth (Del Fuego #1)Where stories live. Discover now