Wala naman kaming nalalapit na kompetisyon, pero simula nang naging kaklase ko si Lucas no'ng simula ng taon, we made it a habit to always stop by after class for a few hours to practice. Hindi rin required na pumunta rito lalo na kung walang kompetisyon, pero nasanay na kami na gawin iyong tambayan at sumayaw doon araw araw. I'm most welcome to be there every day because I've been an official member since 9th grade.

Flowing through my tiring day-to-day life, dancing, writing, and Axel are probably the only things that keep me sane. From everyone's high expectations to people following and noticing your every move and making issues about everything they only know one side of the story about.

O ako lang naman talaga ang nag-iisip na palagi nilang sinusundan ang galaw ko.

Kaya kapag naiinis na ako sa lahat at wala akong magawa, sumasayaw ako. It's one thing people tell me I'm really good at which made me confident. It strives me to push harder and be better.

Lucas had been a competitor in a dance competition when we were both just elementary students from different schools. Ako ang nanalo noon pero nakausap ko siya sa kompetisyon na 'yon kaya nang magsimula ang pasukan, nagulat nalang kaming dalawa na magkaklase  kami.

That's where I became close with him, and soon Lalaine became close with him too kaya palagi na kaming magkakasama.

"Kain muna tayo!" Inakbayan ako ni Lucas at tinuro ang mga street foods sa labas ng school.

I stared at the foods and remembered the times when my brother, Axel, and I were still eating there after school on seventh and eighth grade days. Simula nang mag grade 10 ako ay hindi niya na ako pinapansin, hanggang ngayon na nasa senior high school na kami.

It was a good thing I was accelerated at hindi ako nag grade 4 kasi 'yung school ko nung elementary ay lahat kami nag-skip ng isang taon. If I wasn't accelerated, I wouldn't have met Axel by now. Or maybe I would have at some point, but I'm happy about how we met.

Good thing that he and my brother are still friends kaya minsan may rason ako para pumunta sa classroom nila at makita siya kahit saglit.

"Tataba ako," walang gana kong saad sa kaniya.

Inalis nito ang hawak sa 'kin at ngumuso sa harap ko. Inirapan ko naman siya, akala mo naman cute! Nagdabog ito sa harap ko na parang bata.

"Gago, pinapahiya mo 'ko!" Tinakpan ko ang mata ko at hindi siya tiningnan. Nakakahiya naman 'to kasama! Konti nalang ay haharap na ako sa mga tao na nandito at sasabihing hindi ko siya kasama!

"Kain na kasi tayo!" Tinuro niya pa ang mga pagkain habang nagpapa-cute at nagpu-puppy eyes pa sa akin.

Napabuntong hininga ako at binatukan siya bago hinawakan sa balikat at dinala na siya doon. Baka mamaya gumulong gulong na 'to sa sahig para lang makakain ng paborito niyang kwek-kwek!

Binalik ko sa kan'ya ang tingin ko at ngumisi. "Libre mo?"

"Oo na! 'Di ka kakain hangga't 'di libre, e!" Nakangusong sagot niya at kumuha ng dalawang stick ng kwek-kwek bago ibigay sa akin. Masaya ko iyong tinanggap at binigyan pa siya ng flying kiss.

"Yuck," komento nito na ikinatawa ko.

Pagkatapos namin kumain, naglakad na kami papunta sa studio. It's a studio made especially for Black Fire members since malaki na rin ang grupo at marami na ang nasalihan na mga kopetisyon at napanalo. After years of joining competitions, finally nakapagpagawa na ng studio, hindi kagaya noon na naghahanap pa kami ng lugar kung saan pwede mapag-practice-an no'ng kasasali ko lang.

"Hi!" I enthusiastically greeted the members inside. Napatingin ako sa grupo ng mga estudyanteng nakaupo ng maayos sa dulo, siguro may bagong member—unofficial members since it'll take months before you become an official one.

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα