Jennie stood up from her seat and walked out of the room. Sinundan ko naman siya ng mag isa. Sinabi ko sa tropa na ako na lang muna ang kakausap kay Jennie. Hindi naman sila umalma coz they know that I am the only one who can talk to her kapag ganitong bad mood or galit siya. Well, that's what they thought. They thought she's mad but I know her better. I know kahit hindi ipakita ni Jen, I know she's hurt.

I walked towards the grandstand and there I found her sitting on the corner habang nakatingin sa kawalan. When Jennie is hurt, she's just silent. She didn't cry kasi ayaw niyang makita ng iba na umiiyak siya. Ayaw niyang isipin nila na mahina siya. Kaya nga she's always wearing her bitch face on kahit na nasasaktan na siya. But that is just her facade. I know her more than that dahil sa tagal na rin naming magkaibigan. Kaya alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Lisa.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Naramdaman ko na lang yung pagpatong ng ulo niya sa balikat ko then I heard her sniffed. She's now crying. I kept silent kasi that's what Jennie wants. Ayaw niya ng madaldal kapag malungkot siya. Gusto niya lang ng balikat na maiiyakan at masasandalan niya sa mga ganitong pagkakataon. I let her cry habang hinahagod ko ng kamay ko ang likod niya. Makalipas ang halos kalahating oras tumigil na rin siya sa pag iyak. She lifted her head up and she looked at me.

"Thanks Chaeng" she said which I just responded with a smile.







"Chaeng sandali naman! Sige na please... kausapin mo na ko sandali lang naman" sabi ni Lisa habang sinusundan ako palabas ng university para imeet sila Jennie.

Naiwan kasi ako sa room dahil kinausap pa ko ng prof namin kaya pinauna ko na sila Jen sa bar. Nag aya kasi ang loka at sabi ko susunod na lang ako. Tas paglabas ko ng room andun pala si Lisa. Hindi ko siya pinansin dahil galit pa rin ako sa pang iinsulto niya sa bestfriend ko pero pilit niya kong kinakausap. Kesyo hinintay niya daw ako kasi kailangan niya daw ng tulong ko. Diba the audacity! Kanina niya pa ko sinusundan kahit na ayoko siyang kausapin. Nagmadali pa nga ako sa paglabas ng university para lang maiwasan ko siya pero di umubra dahil nasundan niya pa rin ako.

"Lisa pwede ba! Hindi ba halatang iniiwasan kita? Bat ba ang kulit mo? Saka wala ka bang ibang kaibigan na pwedeng tumulong sayo at ako tong pineperwisyo mo?" inis na sabi ko sa kanya.

She kept silent for a moment. Mukhang nahihiya siya but I don't care. Pasakay na sana ko ng kotse ko pero napahinto ako ng magsalita ulit siya.

"I have other friends but I don't think they could help me. Ikaw lang talaga ang makakatulong sakin eh" nahihiyang sabi niya habang nakatingin sakin.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"And what made you think na tutulungin kita? After what you did to my bestfriend?" pagtataray ko.

"Yun na nga eh. Ikaw lang makakatulong sakin kasi ikaw yung bestfriend ni Jennie. Kaya I'm sorry if I'm bugging you but I really need your help Chaeng"

I looked at her from head to toe. Ano kayang kailangan niya?

"Talk" utos ko sa kanya.

I think I want to hear what she's going to say.

"I know I been harsh to her---"

"Buti alam mo! You judged her, do you know that?" sabi ko while cutting her off sabay irap ko sa kanya.

"I know. Kaya nga gusto ko sanang magsorry. Gusto ko lang bumawi coz I know I hurt her feelings" nahihiyang sabi niya.

I looked at her in the eyes and asked,

"Sincere ka ba?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Oo naman" mabilis na sagot niya habang tumatango.

Tinitigan ko ulit siya at sinubukang basahin ang mata niya. Well, mukha naman siyang sincere. Then an idea came into my mind. Napangiti naman ako sa naisip ko.

"Well then, sige tutulungan kita" nakangiting sabi ko.

"Talaga? Thank you!" tuwang tuwang sabi niya naman.

"Don't thank me yet dahil hindi ko pa alam kung mapapatawad ka agad ni Jen. Just to give you a heads up, hindi siya ganun kadaling suyuin" seryosong sabi ko.

Natahimik siya ng sandali. I just looked at her, hinihintay kung ano ang magiging reaksyon niya.

"I'll do whatever it is para lang mapatawad niya ko" desididong sagot niya.

"Sure ka?" tanong ko ulit sa kanya.

"Oo Chaeng.  Just tell me what I need to do at gagawin ko" sabi niya direct to my eyes.

I smiled.

"Okay then. Meet me here tomorrow at exactly 7am, okay?"

"Okay. Thanks Chaeng. I appreciate it"

Nginitian ko naman siya bago ako pumasok sa kotse ko at nagpaalam sa kanya para sumunod kina Jennie sa bar.

This is going to be fun!

Bad Chick [COMPLETED]Where stories live. Discover now