Chapter 12: The Yellow Box

Magsimula sa umpisa
                                    

Muli akong napatigil at asar na tumingin sa kanya. "Totoo naman ang mga sinabi ko ah? At saka hindi ba ikaw din naman hindi ka nagcelebrate ng debut mo?"

"Kasi sunod-sunod ang gastusin natin noon at kailangan kong unahin ang pag-aaral ko. Pero ngayong debut mo, pinag-ipunan ko ito, kaya walang problema sa gastusin," paliwanag niya.

"Kung gano'n, simpleng handaan na lang. Ayaw ko ng bongga, 'yung magsusuot pa ng gown. Gastos lang 'yun. Gamitin mo nalang sa importanteng bagay ang pera, o kaya ibigay mo na lang kay Tito Alvin para magamit niya sa mission nila."

"Hindi rin niya tatanggapin ang pera. Gusto rin niya na maranasan mo ang magandang celebration ng debut."

"Pero ayaw ko nga, 'di ba? Hindi ni'yo ako mapipilit."

Napabuntong-hininga lang siya.

***

Sabado ngayon, at wala na namang pasok dahil holiday. Nagising ako na wala si Ate Christy sa tabi ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Kuya Neico na nakahiga sa couch habang nagcecellphone. Sumilip ako sa may kusina, at wala akong nakita na kahit sino roon.

"Kuya, nasaan si Ate?" tanong ko rito.

Napatingin siya sa akin. "Pumunta ng market," tugon niya.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Kumain ako ng almusal kalaunan. Nang matapos ako, papasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong tawagin ako ni Kuya Neico.

"Faith, pwede ba kitang makausap?" aniya.

Napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakaupo na siya. Seryoso ang mukha niya. Gayunpaman, hindi siya tulad ni Ate Christy na mukhang katakot-takot na sermon ang sasabihin sa akin. Marahil dahil mukhang mabait talaga si Kuya Neico.

"Tungkol saan, Kuya?" tanong ko.

Dinampot niya ang papel na nakapatong sa lamesita, katabi ng laptop niya. "About this," aniya sabay pakita ng papel sa akin. Dahil malayo iyon, hindi ko makita ang nilalaman niyon.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa single sofa malapit sa kanya. Doon niya inabot ang papel sa akin. Puro number ang nakita ko roon.

"Those are the numbers of your classmates whom I caught cheating during the examination," paliwanag niya. "Naaalala mo pa ba ang number mo?" tanong niya.

Umiling ako.

"Your number is 27," sabi niya.

Tiningnan ko naman ang papel, at nakita ko ang number 27 doon. Napaawang ang labi ko dahil doon kahit na alam ko naman na kasama talaga ako sa mga nasulat niya. Ang obvious naman kasi ng pangongopya ko kay Kylo. Hindi naman ako expert sa gano'n. Hindi lang talaga ako nakapagreview that time kaya dumiskarte na ako.

"Your score is 25, kaya kapag na-minus five ka, bagsak ka na. 25 ang pasang-awa."

Napatitig ako sa kanya. "S-so, mababawasan ng five points ang score ko?" nag-aalalang tanong ko.

"Yes," seryosong sabi niya.

Nalungkot naman ako at hindi na nakakibo. Muli akong napatitig sa number ko na nakasulat sa papel.

"Pero hindi ko gagawin 'yon kung pagbibigyan mo ako sa gusto ko," biglang sabi niya, kaya napaangat muli ako ng tingin para tingnan siya.

"Ano 'yon, Kuya?" tanong ko.

"Promise me that you'll never cheat again," aniya.

"Pero hindi naman kasi cheating 'yun eh. Diskarte 'yun," reklamo ko.

Bahagya siya napakunot-noo at tumingin sa akin nang hindi makapaniwala. "Diskarte?" aniya kasabay nang bahagyang pag-angat ng mga kilay niya.

"Oo. Kung hindi ako nangopya, edi zero sana ang score ko ngayon. Puro identification ang exam, tapos absent ako ng ilang linggo. Sa tingin mo ba, Kuya, may papasok sa utak ko no'n?" paliwanag ko.

Bahagya siyang natawa at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kahit anong rason pa 'yan, Faith, violating a rule is cheating. And that's what you did. You violated my rule. I said 'no cheating', 'di ba?"

Napasimangot lang ako at hindi na sumagot.

"Ano? Payag ka ba sa gusto ko?" malumanay na tanong niya.

"Hindi ko masasabi na hindi ako makakapagcheat in the future," sabi ko.

"But at least try your best not to cheat."

"Mahirap mangako. Ayaw ko ng nangangako," sabi ko.

"So, payag ka na i-minus five kita, maging 'yang mga nakasulat diyan?" aniya. Doon ako napaisip nang malalim. Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita. "Pero bukod sa masama ang cheating, may isang dahilan pa kung bakit gusto kong itigil mo na 'yon," seryosong sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko na ituloy niya ang sinasabi niya.

"Mag-i-start na ang campus ministry sa school, at ang Ate Christy mo ang mangunguna roon. Gusto mo bang hindi pakinggan ng mga estudyante ang ate mo kapag nangangaral siya?"

Hindi ako sumagot, but I know what he's pointing out.

"If you want to win your classmates, then be a good example to them."

Gusto ko sanang sagutin siya, pero hindi siya si Ate Christy. Hindi niya maiintindihan ang ugali ko.

"Fine, I'll never cheat again. I promise," sabi ko na lang para matapos na ang usapan namin.

"Sure?" paninigurado niya.

"Yes," tugon ko.

"Alright," aniya at bahagyang ngumiti.

Masyadong mabait talaga 'tong si Kuya Neico, kaya siguro hindi siya sinusunod ng mga kabataan niya.

Binalik ko sa kanya ang papel. Inipit niya naman 'yon sa laptop niya. May kinuha siya sa tabi niya at inabot iyon sa akin. Isang yellow box iyon na may pulang ribbon na nakabuhol.

"Sa 'yo na lang 'to," sabi niya.

"H-ha? Bakit?" gulat na tanong ko. Nagtataka man, gamit ang dalawang kamay ko, tinanggap ko 'yon.

"Para kay Niana talaga dapat 'yan, sa kapatid ko. Pero ang sabi kasi ni Lola wag ko raw padadalhan ng chocolate dahil may tonsillitis siya. Kaya, sayo na lang 'yan."

Hindi ko naman magawang tanggihan dahil sa totoo lang, mahilig talaga ako sa chocolates, kaya may parte sa akin na natuwa ako nang malaman kong chocolates ang laman ng box.

"Ah, thank you," medyo nahihiyang sabi ko. "Pasok na ako sa kwarto, Kuya," paalam ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Tumayo ako at tinungo ang kwarto namin ni Ate Christy. Nang makaupo ako sa kama, nilagay ko ang box sa kandungan ko at nakangiting tinanggal iyon sa pagkakaribbon. Pagkatanggal ko sa takip ng box, bumungad sa akin ang iba't ibang uri ng chocolates. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang piraso ng papel na kapatong sa mga chocolate. Dinampot ko 'yon dahil may nakasulat doon.

I love you.
― Kuya Neico.

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon