Chapter 31

30K 1.7K 1.3K
                                    


Chapter 31

Periodical

"I-I'm sorry, Sir..." Nova apologized.

Pag-upo ko ay biglang may nagdabog sa tabi ko. "Gusto mo bang abangan natin 'yang Nova na 'yan pagtapos ng klase?!" gigil na sabi ni Emi. Natawa ako sa kanya dahil para siyang Grade 7 na naghahanap ng away.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang problema niya sa'kin," sabi ko sa kaibigan.

Nova hates me and my existence here in this school. Wala akong ideya kung bakit dahil kahit kailan ay wala naman kaming napag-awayan. We don't even talk to each other!

Some said that people hate you for one of three reasons. They either see you as a threat, they hate themselves, or they want to be you.

Am I a threat to her? And I don't even think that she wants to be me! She's pretty and she's popular here... Ano ba ang ikinakagalit niya?

Emi crossed her arms. "Ano ka ba? May gusto kasi 'yan kay Arthur!"

Napailing na lamang ako roon. I still can't believe she's making Lancer's visit an issue! Ang bata pa ni Lancer para maging sugar daddy, ano!

"Pero ha, ipinagtanggol ka ni Sir Luke! Kilig much!" bulong ni Emi at pinandilatan ko lang siya ng mata.

"He'll do that to anyone... He's a Professor," mahinang sabi ko kahit may parte rin sa akin na kinilig doon. Parang gusto ko tuloy ulit makipag-away kay Nova!

"Ms. Chen," palabas na ako sa classroom nang tawagin ako ni Sir Luke. Hay nako, Sir pa more!

"Yes, Sir?" I asked as my forehead creases.

"Pwede ko na bang singilin 'yong utang mo?" Tanong niya at unti-unting umuwang ang bibig ko.

Shit! Oo nga pala! 'Yong 100 pesos kong utang! Hay naku, wala ito sa budget ko at isa pa, hindi pa sahod! Kainis na prison booth 'yan! Lugi ako!

Bubunot na sana ako ng pera sa wallet nang pigilan ako ni Big Mac ay este Prof. De Guzman.

"No need," aniya. "Just help me check some papers." Nanlaki ang mga mata ko. Is he really asking me that? Now?!

"Ah... Umm, okay po. Sige," sabi ko. Mukhang umaayon ito sa plano ko!

"Let's meet after class?" He asked me.

I nodded. "Sa library na lang, Sir. Periodical Section... Thank you!" sabi ko tapos ay tumakbo na.

Nagmadali na ako para hindi na siya makapagreklamo sa meeting place. He's asking for me now, huh? No'ng nakaraan lang, kahit sa recitation hindi ako matawag! Ngayon, magpapatulong pa mag-check!

Uwian na ngayon at nagpaalam na rin ako kay Emi na may gagawin pa ako, pero hindi ko na sinabi kung ano iyon.

"Art," tawag niya nang makita itong lumalakad papalapit sa'min. "Mauna na tayo, may gagawin pa raw si Gwy."

"'Di ka pa uuwi?" Baling sa akin ni Art.

"May gagawin pa kasi ako–" Naputol ang aking sasabihin nang biglang lumitaw si Sir Luke.

"Ms. Chen, I'll see you at the lib," anito at lumakad na ulit palayo.

Nanlaki ang mata ni Emi at kumunot naman ang noo ni Art.

"I'll explain later!" sabi ko sa dalawa tapos ay tumakas na para sumunod kay Luke. Ay, Sir pala.

Do you know me, Mac? Just say that you do. It makes me crazy!

Nakita ko siya sa Periodical Section. How can that person be different? He's the exact same Mac I knew before.

Malalim akong huminga tapos ay umupo sa harap niya. Napatitig na lamang ako rito. It's him. It's really him... Now that I can see him much closer, I know for sure that this is my Mac & Cheese. Hindi ito doppelganger!

"Ms. Chen?" Nagising ang ulirat ko nang tawagin niya ako.

"Y-Yes, Sir?" I asked.

"Ito na 'yung checheckan... And here's the answer key," he said and then handed me the papers.

Habang nag-checheck ako ay inaalala ko iyong mga pick up lines niya noon tuwing nasa library kami. Gusto ko lang naman na i-trigger siya!

"Sir Luke..." I called.

Agad naman siyang nag-angat ng tingin. "Yes, Ms. Chen?"

Napalunok ako nang tignan niya ako pero wala nang atrasan 'to! Nilabanan ko ang aking kaba.

"I-If I could rearrange the periodic table, I'd put Uranium and Iodine together..." banat ko sa kanya.

It's the exact same pick up line he told me a year ago!

Napatitig lang siya sa akin tapos maya-maya lang ay tumayo na. "M-May kailangan pala akong kausapin," aniya tapos ay kinuha ang phone at lumayo.

What was that? Argh! So, pick up line didn't work! Ano na ang sunod kong gagawin? I can't think of any plan right now. I hate this!

Ilang saglit pa ay bumalik na din si Sir Luke. "It's getting late... You should go home. Are you done?"

Tumango naman agad ako. "Yes, Sir... Tapos na lahat."

Sumabay na rin ako sa kanya na lumabas ng library. I felt so defeated... Wala sa mga naging plano ko ang gumana, pero gayunpaman, masaya ako ngayon na kinakausap niya ako kahit paunti-unti lang. It really matters to me.

"Paano ka umuuwi?" He asked.

Napakurap-kurap ako roon. Is he really asking me that? "Umm, madalas, sumasabay kami ni Emily sa kotse ni Arthur... Pag hindi naman, tricycle lang," sagot ko rito.

Nagulat ako nang bigla niyang inagaw ang mga librong hawak ko. "Hatid na kita," aniya at sa buong buhay ko, ngayon lang ako na-excite na sumakay sa tricycle.

Sir Luke doesn't have a car... But Mac does, for sure. Sa Garnet Academy nga lang, nagkokotse pa iyan kahit ilang dipa lang ang kailangan lakarin!

Pakiramdam ko nga ay namumula ang mukha ko ngayon. 'Hatid na kita', tatlong salita lang at parang nabuhay ang katawang lupa ko!

"S-sige po, kung hindi ako nakakaabala..." saad ko. Syempre, polite pa rin dapat kahit nasasabik na!

Iniisip ko pa lang na magsisiksikan kami sa loob ng tricycle ay parang sasabog ang puso ko!

Umiling lang siya. "Wala naman na rin akong gagawin," anito.

Tahimik lang kaming naglalakad na dalawa. Pagdating namin sa tricykelan ay masaya akong sumakay sa loob. Pangiti-ngiti pa ako, pero nang makita kong sumakay si Prof. De Guzman sa likod ng tricycle ay parang bumagsak ang pangarap ko.

Nakakainis! Umasa ako! Oo nga naman... Bakit nga naman siya tatabi sa akin? Hay, Auerlia Gwyneth! Umayos ka nga!

"Dito na lang po," pagpara ko sa driver.

Bumaba na ako at ganoon din si Sir Luke. "Dalawa na po," aniya sabay abot ng bayad. Sa halagang sampung piso ay kinikilig na ako! Hindi ko na talaga alam!

He's always been a gentleman... Ngayon mo sabihin na hindi si Mac 'yan?

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay. "Dito ka na?" He asked me.

I nodded at him. "Dito na... Thank you sa paghatid, S-Sir."

"Mag-isa ka lang dito? Safe ba?" magkasunod iyong tanong niya. Tumango naman ako ulit dito.

I looked at him, and I saw how worried he was. Why are you so worried Professor Luke De Guzman? Who am I to you?

I immediately felt the heavy water in my eyes. "Am I still your Lithium Iron, Kenzee?" I asked with all my heart.

Bad For YouWhere stories live. Discover now