Chapter 17

27.8K 1.7K 1.5K
                                    


Chapter 17

Contacts

Iniwan ko na muna si Mac at Misha sa library dahil tinawagan ako ni Andy. Pinapapunta niya na ako sa sa opisina nang Headmistress.

I'm waiting outside Mrs. Montecillo's office. Sino kaya ang bagong estudyante? Hindi manlang nasabi ni Ands ang pangalan o casa nito.

My eyes widened when I saw Kairon Gonzalez came out of the door. "W-welcome back." I said with a heavy heart.

It must've been so hard for him.

"It's glad to be back." Kairon said.

I smiled at him. "We're glad that you're back."

He tried to smile back at me too. "Your friend is really stubborn." he said and I know he's talking about Paige.

"She is." sabi ko pa.

Hearing Kairon right now, he seems to be taking everything lightly when in fact, we all know how painful it was for him. He was jailed because of Paige, and here he is... Stronger than ever. And still love her more than ever.

This is the reason why I really like him for Paige. He is true. I will forever root for them.

Ngayon ay kasama ko si Andy at Misha sa GA Mall. Sinama ko si Andy para tulungan ako sa make-over ni Misha. Sa totoo lang ay pinilit ko lang siya.

Bibili kami ng contact lens tapos ay mamimili na rin kami ng kung anu-ano pa. Bonding time na rin.

"Feeling ko, bagay sa'yo 'yung natural color lang." suhestiyon ko habang namimili kami kung anong kulay.

"True!" si Andy naman. "Clear lang gano'n."

"Gusto ko 'yung medyo light brown sana. Parang 'yung color ng eyes mo? Ang ganda kasi..." sabi ni Misha sa akin.

My eyes are naturally lighter than the usuall brown eyes. Naalala ko dati tuwing pinagmamalaki 'yun ng Lola ko sa mga kumare niya.

"Light brown pala mata mo, Li?" ani Andy tapos ay tinitigan ako ng malala. "Ay, oo nga 'no! Bongga!"

We ended up getting a light brown contacts for Misha because she insisted.

Pumunta naman kami sa department store para magtingin-tingin. Ngayon na lang ulit ata ako nakapasyal sa GA Mall na may mga kaibigang kasama. It's a nice feeling.

Napagtripan ni Andy na paayusan si Misha. Kaya naman pinaayusan namin siya roon sa make-up counter.

"Ang ganda, teh!" si Andy.

"Parang ibang tao. Ang ganda!" sabi ko naman.

"Thank you..." nahihiyang sabi ni Misha.

We decided to buy some accessories too. Ang tagal ko nang hindi nakapamili ng kung anu-ano kaya nagtingin na rin ako. I got some cute earrings, hair clips, and bandanas.

Bumili rin si Misha and she got almost every single thing that I got. Nagulat ako kaya naman napatingin ako sa kanya.

"I-I don't know what to get, sorry..." aniya.

"It's fine. No big deal." sabi ko naman.

May kaunting oras pa kaya naman naisip ko na gamitin namin iyon sa pag-rereview. We can read and review a little sa coffee shop.

"Is Mac coming?" Misha asked.

Mabilis akong umiling. "Bakit? Are you expecting him to come?"

"Uh... No. i just thought na baka kasama siya." aniya.

Si Andy naman ay nauna na dahil pupuntahan pa raw niya ang debate team.

Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng text galing kay Andy.

From: Andy

She seriously bought everything you bought

And also want the color of her contacts same to your eye color WEIRD

I'm getting a Stephanie vibes sa kanya but creepier I swear

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nang mabasa ang texts ni Andy. We are thinking the same thing! It's really weird pero ayoko naman kasing mang-judge!

Doon sa contact lens, baka nagandahan lang talaga siya sa mga mata ko? Doon sa mga accessories, baka di niya lang talaga alam ang bibilhin niya since hindi naman siya mahilig sa mga ganoong bagay?

Pero what's bothering me is when every time she mentions Mac. Gusto niya ba si Mac?

"Nililigawan ako ni Mac." diretsong sabi ko kay Misha.

If we will be friends for real, she should know ngayon pa lang na hindi na dapat niya pagpantasyahan si Mac kung gusto niya nga ito.

I'm sorry, honey. Mac De Guzman is mine.

"A-ah... Really?" she said. "Kailangan mo sasagutin?"

"Pag nanalo ako sa Quiz Bee." sabi ko na lang.

She should know that I'm really serious for this Quiz Bee. I did not join to play around.

Kaya naman bwisit na bwisit ako kay Stephanie sa sumunod na araw.

"Lia, you should back out habang maaga pa. Baka mapahiya ang klase sa'yo." she said and laughed.

Tignan mo ang tangang 'to.

"Mas mapapahiya kung ikaw ang sasali." sabi ko at lumabas na ng room.

I saw Mac standing outside and a smile immediately formed on my lips. He's really my happy place, you know?

"Kanina ka pa?" I asked him.

"Okay lang." he said.

Kumunot ang noo ko. "Ang layo naman ng sagot mo!" giit ko.

He laughed a little. "Kanina pa 'ko, pero okay lang." Such a soft boy.

Nagpunta na kaming dalawa ni Mac sa library at naupo sa usual table. Nagsimula na akong magbasa nang biglang bumalandra ang mukha ni Misha sa harapan namin.

"Lia... Naiwan mo 'ko. Pero okay lang, hindi ko pala nabanggit na sasabay ako ulit." sabi niya sa malambing na tono tapos ay naupo na. Ayos na ayos siya ngayon.

Hindi kita naiwan. Iniwan talaga kita. I'm not comfortable anymore. May kakaiba kasi. I just can't quite pin point.

Nagkatinginan na lang kami ni Mac. I know he's not comfortable either.

"Mac, sinamahan ako ni Lia and Andy sa mall. I got contact lenses... B-bagay ba sa'kin?" she asked Mac and my jaw just dropped.

Ano ba 'yan? Seryoso ba? Pati 'yan itatanong pa?

Bumaling ako kay Mac. Ibinaba niya ang libro at tumingin kay Misha.

"Hindi bagay sa'yo." he said and I choked. "May binabagayan lang ang ganyang kulay."

Napatingin agad ako kay Misha. She looks really hurt about it. Sobrang harsh naman kasi ni Mac!

"G-ganoon ba... Bibili na lang ulit ako. Ano kayang bagay sa'kin?" tanong pa ulit ni Misha.

"Kahit ano. 'Wag lang 'yan." Mac said and got back to reading.

To be honest, medyo naawa ako kay Misha.... Alam mo naman kasi 'tong si Mac. Tahimik 'to, pero pag nagsalita, wasak ang buong pagkatao mo. Mac being Mac.

Nagpaalam na si Misha sa amin. Mauuna na raw siya.

"I know you don't like her pero hindi mo naman siya kailangang laitin ng gano'n..." sabi ko kay Mac nang makaalis na si Misha.

"Hindi ko siya nilait. Dinescribed ko lang." sagot pa ni Mac.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, eh!

Hinawakan ni Mackenzee ang isang kamay ko kaya naman agad akong napatingin sa kanya. He looks so serious now.

"Do you know why am I like this? That girl doesn't look sincere towards you. At ayoko na hindi sila sincere na makipagkaibigan sa'yo. You're too precious for that..." sabi ni Mac at agad nanlambot ang puso ko.

Bad For YouWhere stories live. Discover now