Chapter 14

29.4K 1.6K 1K
                                    


Chapter 14

Life

Butterflies are all over my stomach. At hindi na iyon nawala hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising, I'm just so proud of myself. Ang yabang ko dahil gusto na ako ni Mac ngayon, wala nang percent percent. Full blast!

Akalain mo nga naman? Si Luke Mackenzee 'yun!

Sa huling klase namin, nag-extend ang Prof ng 15 minutes para tapusin ang discussion.

Habang nag-didiscuss si Prof ay biglang nagtilian ang karamihan sa mga kaklase ko. Agad din naman silang sinuway ni Prof. Ano bang meron?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mackenzee sa labas ng room. Oh my God!

Nandito ba siya para sunduin ako?

"Anong ginagawa ni Mac De Guzman sa labas?" bulong-bulungan sa klase.

"Si Stephanie lang naman ang Flamma sa klaseng 'to. Is he courting her?" Mahabagin!

Anong kalapastanganan 'yan? Anong Stephanie? Ako lang 'to, si Aurelia Gwyneth.

"There's a rumor that he likes Misha... Lagi silang nakikitang magkasama sa library."

What the hell?!

Misha? As in Misha Cervantes, Terra, the smartest girl in our class? Oh damn it!

Agad akong napalingon doon sa mga nag-chichikahang Aqua sa likod ko. "Where did that rumor come from?" I asked. Naningkit ang mga mata ko.

"The AB Students are talking about it. Nakikita raw lagi ang dalawa sa Special Room doon sa library." sabi no'ng isa.

Kumunot ang noo ko. I wasn't even aware that Terras are allowed in that room!

"How credible is that rumor?" I asked the three girls.

"Doon sa kung gusto ni Mac si Misha, we're not really sure. Pero roon sa nakikita sila sa library, sure na sure, girl!" sabi no'ng isa.

Agad akong napatingin kay Misha... Habang inosente siyang nagsusulat ng notes ay ginagarutay ko na siya sa utak ko.

Yes, she looks pretty with that shiny black hair just above her shoulders, thick brows and thin lips but whatever!

And Mackenzee! Argh! How dare him? This is a blatant disrespect! Ako sa Periodical Section niya lang dinadala, si Misha sa Special Room?!

Pagka-dismissed sa amin ng Propesor ay agad akong lumabas. Dire-diretso lang at nagpanggap na hindi nakita si Mac. Bahala siya riyan! Nagtatampo ako!

"Hey..." he called and ran towards me.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kahit nasa gilid ko lang siya ngayon ay hindi ko siya pinapansin.

Nagmana rin pala kay Beau! Babaero!

Akala ko pa naman libro lang ang kaagaw ko sa Mackenzee na 'yan!

"Why are you avoiding me? Are you mad?" tanong niya pero hindi ko siya pinapansin.

"I've waited for you because–"

"Ah, talaga. Ako ang inaantay mo? Akala ko si Misha, eh." I said and rolled my eyes at him.

He laughed and it made me angrier. "What's funny?" I asked him.

"And where did you get that chismis, huh?" he said and still freaking laughing! I hate him!

"Lagi kayong nakikita ng mga AB Students na magkasama sa Special Room!!" I said out loud. "Tapos ako hanggang sa Periodical Section lang? Whatever, two timer!"

Bad For YouWhere stories live. Discover now