Chapter 16

27.3K 1.5K 984
                                    


Chapter 16

Friend

"We should review together, Lia. Let's help each other out!" dagdag pa ni Misha.

"Sure. Why not?" sabi ko naman.

Dahil nga naman magkaklase kami at parehong kasali sa Quiz Bee ay pumayag na lang din ako. Ang rude din naman kasi kung tumanggi ako, 'di ba?

Tahimik lang si Mac sa gilid ko.

The next day, Misha sat beside me during our 1st class.

"Hi! Review ulit mamaya?" she asked.

Tumango naman ako. "Sige."

Mukha namang okay si Misha. Hindi lang siguro ako natuwa roon sa ideyang na-lilink siya kay Mac. But it's all good now. Mac cleared it already.

Agad ko namang sinagot ang phone ko nang mag-ring iyon. It was Andy.

"Hello, Ands?" pagsagot ko sa tawag.

"Baks! May student na darating mamaya ha. Ikaw na ang bahala. Ang dami ko kasing gagawin, naloloka na ako. Super thank you!" aniya.

"Oo naman. Bago ba? Need pang i-tour?" tanong ko.

Wala nang sumagot sa kabilang linya dahil binaba na pala ni Andy. Aba ang galing! At sino naman kaya iyong student na 'yun? 'Di bali, tatawagan ko na lang ulit si Ands mamaya. Busy ang batla. Sumali kasi siya sa debate, marami raw siyang ipinaglalaban.

Nang mag-lunch time, nagulat ako nang tawagin ako ni Misha. "Sabay na tayo? Wala rin kasi akong nakakasabay."

Napatango na lang ako. Okay lang naman siguro kay Mac? Ang hirap naman kasing tumanggi lalo pa't sinabi niyang wala siyang nakakasabay. Parang hindi maganda kung tumanggi ako.

"CR lang muna ako." sabi ko at sinamahan naman ako ni Misha.

Hindi ko alam kung bakit ako nata-touch na may kasama ako sa CR. Simula kasi no'ng nawala si Paige, wala na rin akong naging close sa klase.

Habang nasa salamin kami ay napatingin ako sa eye glasses niya. Ang kapal no'n kaya rin siguro siya nasasabihan na nerd. "Nakapag-try ka na bang mag-contact lens? Feeling ko mas bagay sayo." sabi ko.

Napakamot siya ng ulo. "Hindi kasi ako marunong sa mga ganu'n, eh." aniya.

I smiled at her. "Next time, punta tayong GA Mall. Samahan kitang tumingin ng contact lenses." sabi ko pa.

She'll look different without the glasses. Mas lilitaw ang ganda niya. Masaya naman siyang tumango sa akin.

I really miss to have a girl friend.

Napaisip ako, baka pwede naman din kaming maging close ni Misha? Aaminin ko, hindi maganda ang unang impresyon ko sa kanya. Pero wala naman na 'yun...

I'd be the happiest kung magkakaroon ulit ako ng close friend na babae.

I'm happy with Mac, pero kasi hindi ko naman siya mahahatak sa CR ng girls para trintasan ako ng buhok o kaya hiraman siya ng blush on.

If Paige was here, sigurado akong kaming dalawa ang sasama kay Misha.

Pumunta na kami sa canteen. Mac was a little surprised when he saw Misha with me.

"Hi, Mac." Misha said.

"Uh, hi." sabi naman ni Mac. Tamad talaga siyang kumausap ng iba, eh, ano?

Tahimik lang kami habang kumakain. Hindi naman din kami makapagharutan ni Mac dahil kaharap namin si Misha. Pero siguro we'll get used to it soon.

"Boyfriend mo ba si Mac?" Misha asked. Kakatapos lang ng klase at papunta na kami ngayon sa library. Sasabay ulit siyang mag-review.

Mabilis akong umiling. "Hindi, ah..." giit ko. Hindi pa, pero malapit na!

Pagdating namin sa library ay agad din kaming nagpunta sa usual spot namin ni Mac.

Nakita ko na agad si Mac & Cheese na nagbabasa roon sa usual table namin. Sana naman 'wag muna niya ako banatan ng pang matalino ngayon! Hindi ko pa nakakabisado 'yung periodic table, eh!

Lalapit na ako roon sa table ni Mac nang bigla akong inunahan ni Misha.

"Mac..." she called and sat beside him. "Review time!"

"That's Lia's chair." Mac said and he suddenly looks pissed.

Napauwang ang labi ko roon sa sinabi niya.

Nakatingin lang si Misha sa akin tila nag-aantay ng sasabihin ko.

Umiling agad ako. "N-no... It's okay. I can sit here." sabi ko at umupo na lang sa harapan nila.

Marami akong binabasa ngayon. Ang dami kasing pointers to review para roon sa Quiz Bee, tapos ang iba ay hindi pa namin na-tatackle sa klase.

Pag hindi ako mag-review, wala akong masasagot!

"Mac, do you know about the active and passive voice?" Misha asked.

"Yeah..." bored na sagot ni Mac. Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Parang na-drained bigla ang energy niya.

"Pwede mo ba akong turuan?" tanong pa ni Misha.

Hindi ko alam kung bakit bigla na akong binabagabag. First, the chair. And now this...

I shrugged of my thoughts. Baka mali ang iniisip ko. Hindi dapat ako mang-judge.

"How about you, Li? Alam mo na 'to? Turuan kita." pagbaling ni Mac sa akin.

Umiling ako. "Hindi na. Hindi naman siya kasama sa pointers, eh." sabi ko.

"Ah... Oo, hindi kasama. Nag-aadvance lesson kasi ako." si Misha naman. "Can you teach me, Mac?"

"Tuturo rin naman 'yan ng Prof n'yo." sagot pa ni Mac tapos ay bumalik na ulit siya sa pagbabasa. Naiwang tulala si Misha.

Bad For YouWhere stories live. Discover now