Chapter 15

28.3K 1.4K 853
                                    


Chapter 15

Review

Kumunot ang noo ko. Ano raw? Ako ang Lithium Iron niya? What does that even mean? Ganyan ba bumanat ang mga matatalino?

Napaisip agad ako. Dapat din ba akong bumanat?

Sinabi ko na lang kung ano iyong biglang pumasok sa utak ko. "Ikaw naman ang Carbon Dioxide ko." I said proudly and he suddenly bursted out laughing.

"Do you even know the meaning of Carbon Dioxide?" he asked and continued to laugh. "And that's not even in the periodic table."

I rolled my eyes at him. Hindi na lang i-appreciate, eh!

Pagpasok kinabukasan ay determinado akong galingan sa klase. Panay ang taas ko ng kamay kahit hindi ko naman alam ang sagot.

Bakit ba kasi itong si Misha, alam ata ang lahat?

Sa 2nd class namin ay tumabi ako sa kanya. "Do you have a sharperner?" I asked her.

Agad siyang napatingin sa akin. "Yes, here." she said and handed me an automatic sharpener.

Wala naman akong tatasahan. Tinignan ko lang iyon ng maigi. Bibili ako ng mas maganda rito!

"Thank you..." sabi ko at inabot sa kanya.

"Hindi ka magtatasa?" she asked. She seems really nice. Siya iyong tinatawag na nerd sa class namin.

"Ah... Hindi. Wala pala akong lapis." sabi ko at iwinagayway ang friction pen ko.

Nang mag-lunch time ay mag-isa akong naglakad papunta sa canteen. I miss Paige a lot. Ngayon kasi, halos mag-isa na ako gawin ang lahat ng bagay. Mac is there, pero iba pa rin ang kaibigan na babae.

I wish she is okay now. I heard Kairon has been proven innocent. Tumagos kasi iyong bala sa balikat ni Paige kaya inexamin pa kung saan iyon unang tumama at napatunayan din sa huli na galing iyon sa likuran.

Sigurado ako una pa lang na walang kinalaman si Kai. Imposible lang talaga dahil ang mga tauhan ng Daddy ang may kasalanan. Kaso wala akong magawa. Ni hindi ako makatulong.

I can't even contact Paige. Mac said that Beau confiscated all of her gadgets. I'm not even sure if I'll see her again. Baka rin daw mag-transfer na ang magkapatid.

Kairon on the other hand, will be back at the Academy really soon.

I saw Mac at his table and he immediately waved at me. Agad naman akong pumunta sa kanya.

"What do you want to eat?" he asked me.

He offered to buy me lunch. Saglit pa kaming nagtalo, pero makulit siya kaya pumayag na ako. Sabi ko na lang na ako ang taya next time.

Mackenzee really likes sushi. California Maki is his favorite. Actually, sa kanya ko natutunan kumain no'n. I like it now, too.

Malapit na magtapos ang 1st semester. Bago mag Finals ay magkakaroon ng Academic Week kung saan magkakaroon ng mga Academic Contest... Quiz bee, spelling bee, debate competition, writing competition, at marami pang iba.

Sa klase namin, kailangan ng dalawang representative para lumaban sa Quiz Bee. Automatic na si Misha agad ang isang kasali. Dahil wala si Kairon, Shawn, at Paige na matatalino rin sa klase namin, kailangan pa humanap ng isa.

I roamed my eyes and it seems no one likes to join.

Agad akong nakaisip ng ideya... Why not? Kaya ko naman siguro! Baka maging proud pa sa akin si Kenzee!

Nagtaas ako ng kamay bilang pagpepresinta.

"So, it was settled. Misha and Lia will be the representatives of this class." anang Prof.

Wala namang problema dahil hindi ibigsabihin na nasa isang klase kami ni Misha ay magkakampi na kami. Solo solo kasi ang laban. Tig-dadalawa lang talaga per class ang kinukuhang representatives.

Si Misha ang kinausap ng aming Propesor tungkol sa magiging topics sa quiz bee. They will give us pointers to review.

"So, about saan?" I asked Misha after our class.

"Here." she said and handed me a hand written paper. "Sinulat ko lahat dyan ang sinabi ni Sir."

"Thank you!" sabi ko naman sa kanya.

"Galingan natin! Let's review well." she said and smiled.

Agad naman akong pumunta sa library para balitaan si Mac sa sasalihan ko. Kasali din kasi siya sa quiz bee for Juniors. Ako kasi sa Freshmen pa lang.

"Guess what!" sabi ko at naupo sa tabi niya. As usual, sa Periodical Section.

"What?" he asked curiously.

"Sumali ako sa Quiz Bee!" sabi ko at muntik pang madalok si Mac.

"Really?" nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita ko sa mga salamin niya. Amp!

"Grabe ka naman..." sabi ko at ngumuso.

Natawa naman siya. "I don't mean anything... I'm just surprised. Akala ko sa debate ka sasali."

Iyon talaga dapat ang sasalihan ko, kaso for a change, Quiz Bee na lang. Para na rin mag-review kami ni Mac ng sabay, it's a win-win situation!

Ayoko na rin muna sa debate ngayon, baka asarin pa ako ni Mackenzee na speaker o kaya naman parrot!

Tinulungan ako ni Big Mac na maghanap ng mga libro tungkol sa mga topics na ibinigay ng aming Prof. Iyong iba hindi pa namin napag-aaralan at all.

Nagkanya-kanya na kami sa pag-rereview. Nasa kalagitnaan na ako sa pagbabasa nang bigla akong kinalabit ni Mac. He is reading a thick ass science book.

"If I could rearrange the periodic table, I'd put Uranium and Iodine together." Mac said.

He looks so serious.

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Ah... Malay mo pwede mo ayusin pag naging Scientist ka." sabi ko at panay na naman ang tawa niya. Ano ba?

"Pick-up line ba 'yun?" tanong ko at agad din siyang tumango. "Ba't kasi ganyan mga banat mo! Ginagamitan ng utak!"

Ilang beses pa kaming nagtalo hanggang sa nalaman ko na U & I ang ibig niyang sabihin.

Next time, kakabisaduhin ko na talaga ang periodic table para lang sa kanya.

Nagpatuloy kami sa pag-rereview. I'm taking this seriously. Ngayon lang ako sasali sa Quiz Bee at gusto kong maging proud si Mac sa akin.

Pareho kaming napaangat ng tingin ni Mac nang biglang may tumikhim.

We saw Misha standing in front of us. "Hi! Can I join you guys to review?" aniya sa malimbing na boses.

Bad For YouWhere stories live. Discover now