Capitulum 15

3 1 0
                                    

Leigh Risha Hawthorn

"Dad, p'wede bang maiwan na lang ako dito sa bahay?"

Lumingon ako sa direksiyon ni Dad, pero hindi pa rin ako tumayo sa hinihigaan ko.

Bukod sa tinatamad ako, biglang bumabalik sa alaala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Aizen ilang araw pa ang lang ang nakakalipas.

Pinigilan kong sumigaw at pumadyak sa harapan ni Dad dahil baka isipin niya ay nababalik na ko.

Baka itapon niya ko agad sa mental hospital!

"Namumula ang mukha mo. May sakit ka ba kaya ayaw mong pumunta?" Lumapit sa 'kin si Dad at kinapa ang mukha ko gamit ang kanang palad niya.

Iiwas pa sana ako para magkaroon ako ng reason na hindi pumunta, pero hindi ako nakailag sa kamay ni Dad. Mas'yado kasing mabilis. Daig pa yata niya si Flash.

"Wala ka namang sakit. You're just lazy. Come on. Get up or else, you're grounded for a day." Kumindat sa akin si Dad at lumabas na ng aking kuwarto.

Bumuntong hininga ako ng malalim.

Waah! Bakit kasi kailangan pa naming pumunta sa katapat naming bahay? Hindi kaya sinumbong ako ni Aizen sa Lolo niya dahil nadampian ko ng halik ang labi niya? First kiss niya kaya 'yon?

Teka! Bakit siya magsusumbong? Hindi naman ako ng nauna. Siya kaya ang humalik sa 'kin!

Nag-init bigla ang dalawang pisngi ko. Naguguluhan kasi ako sa kinilos ni Aizen. Hanggang ngayon ay wala akong maisip na maaaring reason para halikan niya ko.

Hindi kaya dahil lang 'yon sa fireworks?

Napangiti ako dahil sa sarili kong naisip. Baka dahil nga lang doon 'yon.

Humikab ako at nag-unat ng dalawang kamay. Tumayo na ko dahil nararamdaman ko na ang araw na dumadampi sa aking balat mula sa glass sliding window na nasa aking kanan.

Makapag-ayos na nga dahil nabanggit sa 'kin ni Dad na magkakaroon daw ng pagsasalo ang buong pamilya namin sa bahay ng Lolo Aizen.

Hindi nabanggit ni Dad sa akin ang dahilan ng pagsasalo-salo, pero siguro ay itatanong ko na lang mamaya ang tungkol doon.

Nagtungo ako sa aking sariling banyo at ginawa ang morning routine ko.

Nakanta pa ko habang naliligo. Bigla akong naging good mood dahil naisip ko bigla ang mga pagkain na kakainin namin sa pagsasalo-salo. Tiyak na nagluto ng masarap sina Dad at Mom or ang Lolo ni Aizen.

Si Aizen kaya ay marunong magluto?

Pagkatapos kong maligo at magsipilyo ay nagbihis na ko agad ng susuotin kong damit. Isang maikling denim short lang at v-neck t-shirt na kulay white ang sinuot ko dahil napakainit ng panahon at ayaw kong pagpawisan ng husto buong maghapon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ko sa firsf floor. Naabutan ko ang buong pamilya na nakahanda sa pag-alis. Nang maramdaman nila ang presensiya ko ay sabay-sabay silang lumingon sa 'kin.

Tumakbo ako palapit sa kanila.

"Mom, Dad, at Ray! Nawalan na ba kayo ng alaala? May isang anak at kapatid pa kayo. Nakikita n'yo pa ba ko? Huwag n'yo kong iiwan!" Yumakap ako kay Mom at umiyak.

Bumitaw lang ako sa kay Mom nang maramdaman ko ang pagbatok niya sa ulo ko. Med'yo masakit. Bakit parang galit si Mom?

"Kulang ka na naman yata sa tulog kaya kung anu-ano na namang sinasabi mo. Halika na at aalis na tayo," komento ni Mom sa sinabi ko.

Napakamot ako sa aking ulo at tumigil ako sa pag-iyak. Akala ko talaga ay totoo na ang nasa isipan ko.

Sinalubong kami ng Lolo ni Aizen pagkapunta namin sa kanila. Nakangiti akong nagmano dito at agad naman niya itong sinuklian ng isang ngiti.

"Good morning po."

"Good morning din, Leigh. Good morning sa inyo. Pumasok kayo."

Pagkamano ni Ray kay Lolo ay nauna na siyang pumasok ng bahay habang busy sa kaniyang hawak na tablet.

Ano na naman kayang ginagawa ng kapatid kong 'yon?

Pumasok kaming lahat sa loob at dumiretso sa kusina kung nasaan nakahain ang mga pagkain.

Nagulat pa ko dahil sa sobrang daming pagkain na nakita ko, si Aizen ay tahimik lang na humihigop ng kape sa gilid.

Hindi siya nag-abalang lumingon sa direksiyon namin, pero batid kong naramdaman niya ang presensiya namin dahil bigla siyang tumigil sa pag-inom ng kape.

Parang may kung anong naramdaman ang puso ko at parang nakaramdam ako ng pagka-ilang nang hindi ko alam kung bakit.

May sakit na rin kaya ang puso ko kaya ganito ang nararamdaman ko?

Umiling ako sa naisip. Baka nagugutom lang ako. Hahaha.

"Maupo kayo." Unang umupo si Lolo sa tabi ni Aizen.

Sumunod sina Mom at Dad. Umupo sila sa katapat na upuan nina Aizen at Lolo. Pagkatapos ay pareho kaming tumabi ni Rhay sa magulang namin.

"Mas'yadong madaming pagkain ang hinanda mo. Tiyak na hindi rin ito mauubos agad," komento ni Dad pagkaupo niya.

"Huwag kang mag-alala. Sinadya ko ito dahil hindi ko naman alam ang paboritong pagkain n'yo. Kumain na lang tayo." Ngumiti si Lolo kay Dad at nauna na siyang kumain.

Kumuha siya ng kanin at ginataang hipon na nasa harapan lang niya.

Nagulat pa ko dahil umagang-umaga ay ito ang kakainin niya. Hindi kaya masama sa kalusugan niya?

Hala! Gusto na yata magpakamatay ni Lolo!

Tumayo ako at inagaw ang sandok kay Lolo. Nag-aalala ko siyang tinitigan.

"Lolo, ano po 'yang ginagawa mo?"

Nagtataka niya kong tinitigan, pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko namalayan na sa akin na pala nakatingin ang lahat at pare-parehong nagtataka ang mukha nila dahil sa ginawa ko.

Napakamot ako sa aking batok dahil Saka ko lang naunawaan ang ginawa ko.

"Ah, pinigilan ko lang po si Lolo dahil baka gusto na niya mamatay kaya gusto niyang kumain ng hipon sa umaga."

Umiling at huminga ng malalim si Mom pagkatapos marinig ang paliwanag ko. Si Dad naman ay ngumiti lang sa 'kin. Si Rhay ay narinig kong nagpipigil ng kaniyang tawa habang patuloy sa kaniyang pagkain ng kanin at hatdog. Si Aizen naman ay malawak na nakangiti sa 'kin, pero nang makita niya kong nakatingin ako sa kaniya ay bumalik sa expressionless ang mukha niya.

O-okay?

Bakit parang may lumundag na kung ano sa sistema ko nang makita ko ang ngiti ni Aizen?

Siya kaya ang magbibigay sakit sa 'kin?

✓ETCIUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora