Capitulum 6

4 1 0
                                    

Liegh Risha Hawthorn

Kanina pa ko hindi mapakali sa bahay at palakad-lakad sa harapan nina Mommy at nang kapatid ko. Nakatingin lang sila sa akin at naguguluhan sa kinikilos ko.

"Hala. Paano kaya kung mas lalong hindi na nakagalaw ang ibang parte ng katawan ni Aizen? Waah! Kasalanan ko talaga 'yon eh." Napasapo ako sa aking sariling noo at sandaling huminto sa aking paglalakad.

"Anak, may problema?" Nang hindi na makatiis ay tinanong na ko ni Mommy.

Salubong ang kilay kong lumingon ako sa kanya at isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay isang tanong din ang tinanong ko sa kanya. "Si Daddy po nasaan?"

"Wala siya rito. Umalis siya kasama si Eduardo na nakatira sa kabilang bahay." Tumigil sandali sa pagsasalita si Mommy at tila may inaalala. Maya-maya ay muli siyang lumingon sa akin at saka nagwika. "Oo nga pala. Pinapasabi ng kapit-bahay na 'tin na kung p'wede ka raw bumisita sa kanila at silipin ang apo niyang iniwan."

Tila nanigas bigla ang katawan ko nang marinig ang huling sinabi ni Mommy. Pinapapunta ako roon ng Lolo ng lalakeng 'yon? Hala! Baka may balak na silang gantihan ako!

Parang sumama lalo ang mukha ko nang maalala ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon. May nakita lang akong gagamba. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay mabilis akong kumaripas ng takbo pabalik sa bahay bakasyunan namin. Ni hindi na nga ko nakapagpaalam kay Lolo at hindi ko na nahintay si Daddy. Simula ng araw na 'yon ay hindi pa ako ulit pumunta sa lugar nila. Baka galit pa sa 'kin si Aizen at may gawin din siya sa 'king masama bilang higanti.

Oo nga pala, naalala ko rin 'yong bagay na ginawa niya sa akin doon sa kama. Sa isang walang expression na lalakeng katulad niya, hindi ko lubos akalaing magagawa niya ang bagay na 'yon.

Waah! Bakit umiinit na naman ang mukha ko? Mainit na naman ba?

"Ate? Ate weirdo?"

Nagbalik ang isip ko sa realidad nang pitikin na ko sa noo ng magaling kong kapatid na si Ray. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya. Nagpamewang ako at mas lalo kong pinasama ang aking tingin. Iyong tipo na natatakot talaga siya sa 'kin. Para talaga magtanda na siya. Hahaha.

"Ikaw, ate mo ko kaya-"

"Tss. Eh kung kumilos ka nga parang mas matanda pa ko sa 'yo." Inirapan niya ko bago muling naupo sa sofa na inuupuan niya kanina.

Napaiyak na ko dahil sa ginawa niya. Tumingin ako kay mommy at tinuro ang magaling kong kapatid. "Mom! Si Ray, kapatid ko po ba talaga 'yan?"

Lumingon sa akin si Mommy at nginitian lang niya ko. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

Hehe. Saan kaya kami pupunta ni mommy? Sumulyap ako sa kapatid ko at dinilaan siya. Nang makalabas na kami ni Mommy ay binitiwan niya bigla ang palad ko kaya napakunot ako.

"Leigh, pumunta kana sa kabilang bahay. Baka hinihintay kana ng anak ng may-ari, okay?" Ngumiti pa sa akin si Mommy bago niya ko iniwan sa labas ng bahay na natulala.

Eh?! Pinagtatabuyan na ba ko ni Mommy? Hindi na ba niya ko mahal?

Napasimangot ako sa naisip ko at malungkot na naglakad patungo sa kabilang bahay. Sa aming dalawa ni Ray ay ako siguro ang ampon. Napasinghot ako sa naisip.

Paano kaya kung magpa-DNA test ako sa kanila?

Pero, mas nakakalungkot kung ang lumabas sa resulta ay hindi nila ko anak. Waah!

"What are you doing-"

"Ay, DNA test!"

Napalingon ako sa aking harapan nang marinig ang boses ni Aizen. Naka-poker face siya sa akin habang nakaupo sa kanyang wheel chair. Nag-peace sign ako sa kanya at ngumiti. Nagawi ang tingin ko sa kanyang sikmura at napangiwi ako ng maalala ang bagay na ginawa ko sa kanya.

Sana nakalimutan na niya. . .

"I said what are you doing here? Don't you know that you're not allowed to enter in our place anymore?"

Napakamot ako sa aking ulo habang sinusubukan intindihin ang mga salita na sinabi ni Aizen.

Siguro pinangak talaga ang lalakeng ito sa America. Ang galing niya kasi mag-english eh. Natawa ako sa naisip ko. Hindi siguro kasi mukha siyang koreano. Hahaha.

"Ah, sabi ng Lolo mo ay dito raw muna ako at babantayan kita. Promise, hindi ko na gagawin ulit ang ginawa ko sa 'yo noon." Iniangat ko pa ang aking kanang palad upang manumpa ng tapat sa kanya.

Nakita ko ang pagngiwi ni Aizen dahil siguro naalala niya ang pagsuntok ko sa sikmura niya. Napabuntong hininga ako. Bakit pinaalala mo pa sa kanya, Leigh? Yari na ko nito!

"No. I can handle myself. I will tell to my grandfather that you join me, but you suddenly had a stomache so you hurried back to your house." Walang emosyon pa rin si Aizen habang nakatingin sa direksyon ko kahit na dama ko sa mga titig niya ang pagkainis sa akin.

Waah! Gaano kalala na ba ang nagawa ko sa kanya? Baka malaman ko na lang ay pinakulam na ko ng lalakeng ito.

Umiling-iling ako sa sinabi ni Aizen at sumalungat sa kanyang sinabi.

"Hindi p'wede, Aizen. Ayoko magsinungaling. Masama kaya 'yon. Hindi ka ba na-inform? Tsaka, ang panget ng alibi mo. Baka mamaya niyan ay sumakit nga ang tiyan ko. Waah!" Napahawak na ko sa tiyan ko nang ma-imagine ang sinabi ni Aizen.

Kasalanan niya ito. Baka sumakit talaga ang tiyan ko!

"Tss. I'm alone and I don't want you to enter this place. Go home."

"Hindi nga p'wede eh."

"Go."

Umiling ako ulit sa kanya. Sa paulit-ulit namin na sagutan ay sumuko siya at tinitigan na lamang niya ko sa aking mata ng masama. Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko nang maalala na baka ipakulam na talaga niya ko. Pagkatapos ay pasulyap-sulyap ako sa kinalalagyan ni Aizen.

Huli ko siyang nakita na nakatalikod na sa akin at pumapasok na sa loob ng kanilang bahay habang pinapagulong ang sarili niyang wheelchair.

Kumaripas na lang ako ng takbo upang sundan siya papasok sa loob. Baka kasi pagsarhan na niya ko ng pinto.

Ayoko magka-stomache!


✓ETCIUWhere stories live. Discover now