Capitulum 3

8 3 0
                                    


Leigh Risha Hawthorn

Hinihingal akong napaupo sa isang malaking sofa habang hawak-hawak ang aking dibdib. Lumingon ako kina Mommy at sa kapatid ko.

"Mom, may manika talagang gumagalaw sa kabilang bahay. Hindi ako nagloloko," seryoso ko pang wika sa kanila at tinitigan sila ng seryoso.

Nakaramdam ako ng kung anong kaba ng muling maalala ang histura ng manika na nakita ko.

"Ang ganda niyang manika, pero gumagalaw siya." Napapailing ako sa naisip.

"Nako, ate Leigh. Napaparanoid kana naman ba?"

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko dahil sa sinabi niya, pero pagkalaan ay ngumiti rin ako sa kanya at tumawa ng malakas. Naguluhan naman silang lahat sa naging asal ko.

"Anong sabi mo, Ray? Napaparanoid ako? Kailan ba ko naparanoid? Hahaha. Kung anu-ano talaga 'yang pinagsasabi mo." Hinawakan ko na ang tiyan ko dahil sa sakit sa aking kakatawa.

Nanliit ang mata ng kapatid ko at mukhang may sasabihin pa sana siya, pero biglang dumating si Daddy bitbit pa ang isang paint brush at isang bucket ng pintura habang nakatingin sa direksyon ko. Ngumiti pa siya sa akin ng magsalubong ang aming mga mata.

"Let's go?" Yan lang ang mga katagang lumabas sa bibig ni Daddy, pero agad ko na siyang naunawaan.

Abot hanggang tainga tuloy ang ngiti ko ng ako ay tumayo at sumunod kay Daddy palabas sa tinutuluyan naming bahay-bakasyunan. Samantala, napapailing naman sina Mommy at Ray ng makita ang ngiti naming dalawa ni Daddy.

Dumiretso na kami sa labas ng bahay patungo sa malaking canvas na nasa tapat ng pintuan.

Daddy and I loves painting so much. Sa bagay na 'to kami nagkakasundo ni Daddy. Sina Ray at Mommy naman ay parehong hilig ang pagluluto. Funny isn't it? Kaya naman mas close talaga kami ni Daddy kaysa kay Mommy. Bata pa lamang ako ay nanonood na ko lagi sa pagpipinta ni Daddy. Kung minsan nga ay sumasali pa siya sa mga contest at nanalo. Kaya lang, naging hobby nalang niya ang pagguhit ngayon dahil mas'yado na siyang busy sa kanyang trabaho. Kung minsan ay gumuguhit kaming dalawa para bonding namin.

"So, anong gusto mong iguhit na 'tin ngayon ha?" My dad get the palette beside him and started to blend its color. I do the same using my own pallete.

Pansamantala akong nag-isip ng magandang iguguhit, pero biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ng manika na nakita ko kanina. Kinabahan na naman ako ng magbalik sa alaala ko ang nangyari kanina, pero hindi ko namalayan ang ngiti na gumuhit sa aking labi ng magzoom-in pa sa alaala ko ang maamo niyang mukha. Parang picture lang. Hahaha.

"Alam ko na, Dad! Hindi ano kundi sino ang iguguhit na 'tin ngayon. Ayaw kasi maniwala nina Mommy at Ray sa manika na sinasabi ko kaya 'yon nalang ang iguhit na 'tin ngayon." Lumingon ako kay Daddy at nahuli ko siyang may kakaibang ngiti.

"Ano bang histura ng manika na sinasabi mo, anak?" nakangiti pang tanong niya sa akin.

"Sandali, Dad. Iguguhit ko muna siya." Kinuha ko ang isang lapis na nasa tabi ng bucket na dala ni Daddy kanina.

Ang kaninang hindi ko maiwanang ngiti ay biglang naglaho. Inilaan ko ang buong focus ko sa pagguhit habang inaalala ang pagmumukha ng manika na nakita ko kanina. Lumipas ang ilang minuto bako ko natapos ang pagguhit ko sa canvas.

Bumuntong hininga ako ng malalim at nakangiti humarap sa katabi kong si Daddy.

"That's the boy doll, Daddy. Beautiful, isn't it?"

Hindi sumagot sa akin si Daddy at nanatili lamang siyang tulala sa iginuhit ko.

"Bakit, Dad? May problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Kakaiba na kasi ang titig niya sa iginuhit ko.

"Nak, that boy. . ." Humarap siya sa akin at tinitigan ako.

Napakunot-noo na ko sa naging asal niya.

"He's awesome and beautiful indeed." Ngumiti ng may pagkamangha sa akin si Daddy at tinap ang likod ko. "You're really good at this. Good job, Leigh Risha."

Napangiti ako sa pinahiwatig ni Daddy. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. Akala ko nakita na niya 'yung manika sa likuran ko. Hahaha.

"Tss. That's not really good especially if you don't have permission to someone that you use to be a model."

Bigla yatang nanigas ang buo kong katawan ng may marinig akong boses mula sa aking likuran. Mas lalo pa kong nakaramdam ng kaba ng makita ko ang paglaki ng mga mata ni Daddy habang nakatingin sa likuran ko.

"D-D-D-Dad. . ." Hinampas ko ng bahagya ang dibdib ko para maging normal ang daloy ng dugo sa aking sistema at nang mawala ang takot na nararamdaman ko ngayon.

Patuloy man ang matinding kabog ng aking dibdib ay dahan-dahan pa rin akong humarap sa aking likuran para malaman kung tama ang hinala ko. Nang makaharap ako ay mariin kong ipinikit ang aking dalawang mata at nagbilang hanggang tatlo bago muling dumilat.

Napaatras ako ng isang hakbang ng makita ang lalakeng manika na nakasakay sa wheelchair sa aking harapan.

"D-D-D-Dad, n-nagsasalita ang m-manika." Hindi ko nagawang lumingon kay Daddy dahil natuon naman ang atensyon ko sa kasama ng manika.

May nakatayong matandang lalake sa likuran ng manika at nakangiti ito sa akin.

"L-Lolo, kayo po ba may-ari ng manika na 'yan?" tanong ko doon sa matandang lalake na nakatayo sa likuran ng manika.

Teka, sandali. May balak bang ipamana ng lolo ang manika sa akin dahil matanda na siya? Kaya ba siya nandito ngayon sa tapat ng bahay namin?

"Ah, Lolo. Pasensiya na, pero hindi po kasi ako mahilig sa manika lalo na sa manikang nagsasalita. Sa iba mo nalang po siya ipamigay. Huwag na po sa akin kasi baka maging si Anabelle pa siya tuwing gabi." Muli akong nakaramdam ng kilabot dahil sa naisip.

Nanliit 'yung mata ng manika sa sinabi ko habang si Lolo naman ay napahalakhak ng malakas dahil sa sinabi ko.

"Hija, siya nga pala si Jyle Aizen Martins at ako ang Lolo niya. Hindi siya manika katulad ng iniisip mo." Muling tumuwa si Lolo sa akin at nginitian ako.

Eh?! Hindi siya manika?

✓ETCIUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu