Capitulum 11

2 1 0
                                    

Jyle Aizen Martins

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Hindi ko alam kung anong oras na ng umaga, pero wala pa rin akong gana bumangon at mag-almusal.

Why do I need to go in the kitchen if I have to see that woman before I reach my destination?

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko nang bumangon ako. Ngayon ko lang napansin na parang habang natagal ay mas lalong lumalawak ang hindi ko maigalaw sa aking katawan.

Nakasama yata ang pagkulong ko lagi sa kuwarto ko. Kailangan ko yata mag-excercise para maigalaw ko unti-onti ang katawan ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang harapin ang babae 'yon. Pakiramdam ko ay may masasabi lang ako ng hindi maganda kapag hinarap ko siya.

Umayos ako ng pagkakaupo nang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto. Bumungad sa akin si Lolo dala ang isang maliit na tray na naglalaman ng pagkain ko para sa umaga.

"Good morning." Naglakad siya papalapit sa akin at inalapag ang dalang tray sa harapan ko.

"Hindi ka pa ba lalabas? Kailangan mong makalanghap ng sariwang-"

"No, thanks. I'm not in the mood to get out."

Hindi ko sinabayan ang pagtitig sa akin ni Lolo. Nanatili ang paningin ko sa bintana ng aking kuwarto.

I do not want to see my grand father's eyes because I might fall to his words easily and I can't do that. He knows how much worth the castle to me and that woman broke it easily? Tsk.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lolo sa aking tabi.

"Aizen, inaayos niya ang nasira niya araw-araw ng walang pahinga. Don't you think that she's worth it to receive your forgiveness?"

Kaya ayaw kong lumabas eh. Ayaw kong lumabas dahil baka may masabi akong hindi ko rin gustong sabihin.

I look at my grand father's eyes with so much anger. Right now, I don't think that I can control myself right.

"You know more than anyone else how much worth that castle to me! That thing... that thing is the only memories I have with my parents before. That thing is the only evidence that I have a happy family before."

Kaya ayaw kong lumabas. Ayaw ko rin mabanggit sa harapan ng babaeng 'yon ang tungkol sa pamilya ko. Lagi kong nakikita ang nakangiti niyang mata at ayaw kong tingnan niya ko na parang naaawa kapag nalaman niya ang tungkol sa pamilya ko.

Tsk. I really hate that woman.

"Aizen, you need to find your new happiness too because you are still a human being. Leave with the present. You never know that you lose something now until it was already gone. The vacation is almost over. Keep that in your mind."

Hindi ko mas'yadong naunawaan ang sinabi ni Lolo. Sa una ay gusto kong magalit sa sinabi niya, pero gusto ko munang ipaliwanag niya ang sinabi.

I was about to say something, but my grand father left me alone already.

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hindi ko talaga naintindihan ang sinabi niya.

Gusto niya bang kalimutan ko ang masayang alaala ng pamilya ko o gusto niya lang na mag-move on na ko at ipagpatuloy ang buhay ko sa ganitong kondisyon?

Isa pa, ngayon ko lang din nalaman at namalayan. Malapit na nga pala ang bakasyon. Malapit na rin mawala sa paningin ko ang babaeng 'yon.

Hinawakan ko ang aking baba at nag-isip ng malalim. Nadako ang aking kamay sa aking labi at nagsalubong ang dalawang kilay ko nang malaman na nakasimangot pa pala ko.

Bakit? Bakit ako nakasimangot sa isang magandang balita ni Lolo? Tss.

Parang hindi ko na rin tuloy maintindihan ang sarili ko. Epekto ba 'to ng sakit ko o nang gamot na iniinom ko?

Sinimulan ko nang kainin ang dala sa akin ni Lolo. Baka nagugutom lang ako kaya ganito ang kinikilos ng katawan ko. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong ihatid sa kusina ang tray.

Yeah. I decided to get out, but I don't think that I will talk to her if ever we cross our path to the hallway.

Dahan-Dahan kong ginalaw ang kalahati ng katawan ko at buong lakas na umupo sa aking wheelchair. Nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon, pero parang nasanay na lang ako sa hirap.

Mahigit isang oras din ang lumipas bago ako natapos makaupo sa aking wheelchair.

I usually ask for help to my grandfather, but I don't want to ask right now.

Nagpahinga lang ako ng ilang minuto bago ako lumabas ng aking kuwarto bitbit ang tray na nasa lap ko. Pinapaandar ko ang wheelchair gamit ang kanan kong kamay.

Huminto ako malapit sa sala para hanapin sana si Lolo dahil habang papalapit ako sa kusina ay tila nanghihina rin ang katawan ko sa pag-iisip na makikita ko ang babaeng 'yon. Kaya lang ay hindi ko nakita si Lolo.

Saan kaya siya? Saan kaya siya nagpunta?

Bumuntong hininga ako ng malalim at saka pinagulong ulit ang aking wheelchair. Wala akong ibang choice kundi pumunta sa kusina ng mag-isa. Hindi ko nga maintindihan na habang papalapit ako ay tila bumibilis din ng husto ang puso ko.

What's wrong with me? This is the first time that I felt this feeling. Tsk.

Nang marating ko na ang kinalalagyan ng castle card ay natigilan ako sa pagpapagulong ng wheelchair ko.

Hindi ko malaman kung matutuwa o mas lalo lang akong maiinis sa kanya.

This is not the castle card that my parents and I made before. It was different, but it was more beautiful than before.

Maliit lang ang castle na ginawa niya at sa likod nito ay may magandang painting. A painting of a happy family. Hindi mas'yadong kagandahan ang suot ng pamilya, pero napakalawak ng ngiti nila sa isa't-isa.

Lumapit ako sa painting at castle para mas makita ko ito ng malapitan. Sa tabi ng castle ay natutulog ang babae na ngayon ko na lang nakita. Natutulog siya na parang may ginhawa siyang nadama.

"Aizen, don't forget to smile. Okay?"

She is a sleep talk woman. Tss.

Gano'n pa man ay may sumilay na ngiti sa labi ko nang hindi ko namamalayan.

"Thank you, Leigh Risha."

Hindi ako nakalayo agad nang bigla na lang dumilat ang kanyang mga mata at nagkatitigan kaming dalawa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili na lang akong tahimik.

"Did you really smile?" gulat na tanong niya sa 'kin.

Tss. Hindi pa pala nawawala ang ngiti sa labi ko. What's the big deal, anyway?

"Waah! Nakangiti ka kasi balak mo na kong patayin habang natutulog no? Huwag!"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sunod niyang sinabi. Nakalimutan kong baliw nga pala ang babaeng kaharap ko. Tsk.

✓ETCIUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon