Capitulum 13

2 1 0
                                    

Leigh Risha Hawthorn

Alas sais pa lang ng umaga, pero marami ng tao na makikita sa karagatan malapit sa bahay namin ni Aizen. Tulak-tulak ko ang wheelchair ni Aizen habang si Aizen ang tahimik na nakamasid sa malapit nang sumikat na araw.

Kadalasan, sa tuwing tahimik ang pagitan namin ni Aizen ay una akong nagsasalita sa kanya, pero sa pagkakataon na ito ay maging ako, hindi ko alam kung paano ko sisimulan magsalita.

Waah! Kung anu-ano kasing sinasabi ni Dad at nang Lolo ni Aizen eh. Nagpaalam kami na gagala, pero iba ang nasa isipan nila.

Wala namang naging reaksyon si Aizen sa sinabi nila, pero nakakahiya talaga! Hindi dapat nila sinasabi ang mga bagay na 'yon. Paano na lang kung hindi na-gets ni Aizen? Baka magalit pa sa 'kin si Aizen at hindi pa matuloy ang gala namin.

Napapailing na lang tuloy ako sa tuwing naaalala ko ang bagay na 'yon.

One more thing, Dad already knows that I have someone.

Bigla akong tumigil sa pagtulak ng wheelchair ni Aizen nang makakita ako ng tao na nags-surfing mula sa hindi kalayuan.

"Woah! Paano na lang kaya kung magkamali sila, Aizen? Waah! Baka malunod sila."

Kung minsan ay napatatakip na lang ako sa aking mata sa tuwing makikita ko ang malaking alon na nasa likod ng taong nags-surf.

"Tss. Of course, that will never happen. Marunong na ang taong 'yan makiisa sa tubig. He or she will never drawn."

Naguluhan ako sa sinabi ni Aizen kaya hindi ko naiwasang magtanong sa kanya.

"How did you know? Paano kung baguhan lang 'yan at nagsasanay lang? Tsaka paanong nakikiisa, kinakausap ba nila ang tubig?"

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula kay Aizen nang marinig niya ang huli kong sinabi. Maya-maya ay sunod kong narinig sa kanya na tila na nagpipigil na siya ng kanyang tawa.

Waah! May kakaiba na namang nangyayari kay Aizen.

"What are you talking about? What I mean is, dinadama nila ang tubig. I know because... I can surf before too."

Nagulat ako sa narinig ko. Totoo kaya ang sinasabi niya? Ang galing, pero nakadama rin ako ng lungkot para sa kanya dahil ang mga bagay na ginagawa niya noon ay hindi na niya nagagawa ngayon.

Ano kaya ang dahilan kung bakit naaksidente si Aizen noon?

"Hey, if you have no intention to listen in the first place, you can go home now."

Lumingon ako sa direksyon ni Aizen. Naalala ko na gumagala nga pala kami ngayon. Teka, nagsasalita pala si Aizen?

"S-Sorry na, Aizen. Ano ba 'yong sinasabi mo?"

Tiningnan niya ko ng masama at muling umirap sa 'kin.

"I don't repeat my words. Tss."

Nabitawan ko ang wheelchair niya dahil bigla niya itong pinaandar palayo sa akin. Sumimangot ako sa ginawa niya.

"Hintayin mo ko! Sorry na!"

Tumakbo ako palapit sa kanya. Para tuloy akong nanunuyo ng nag-aalburotong bulkan. Waah! Ano kaya ang sinabi ni Aizen? Bakit kasi hindi ko siya pinakinggan kanina.

Hindi pa rin ako kinikibo ni Aizen, pero sabay kaming huminto sa tindahan ng mga beach ball, at sari-sari store. Nagtaka ako kung bakit kami huminto dito.

Gutom kaya si Aizen? O gusto niya lang bumili ng bola?  Bakit naman kaya siya bibili? Maayos na ba ang mga paa niya? Waah! Parang natakot ako bigla sa nais na gawin ni Aizen. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nakapasok sa horror house. Tss."

Lumingon ako kay Aizen na nakatingala na pala sa 'kin. Magkasalubong ang dalawang kilay niya.

"Huh? Horror house? Mukha bang horror house 'to, Aizen?" Hinampas ko ng mahina sa balikat si Aizen at tumawa ako ng malakas. "Aizen, ang galing mo rin pala magbiro. Hindi naman horror house ang lugar na 'to eh. Walang horror house dito sa beach."

"Tss. You acting like a crazy again." Inirapan ako ni Aizen at muli niyang pinagulong ang wheelchair niya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga tao na nasa paligid namin. Pumunta si Aizen sa tindera ng sari-sari store.

Mukha ba kong baliw? Tss. Kung minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Aizen. 

"Miss, one coke and one clover." Kinuha ni Aizen ang pitaka niya sa kanyang bulsan at kumuha ng one hundred pesos dito.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makuha na niya ang coke at clover na binili niya.

"Waah! Ang daya!"

Napaligon sa akin si Aizen dahil sa pagsigaw ko. Sinamaan niya ko ng tingin kaya ngumiti ako sa kanya ng malawak.

"Why are you shouting? Do you love the attention of everyone here?"

Sumimangot ako nang masilayan ko ang hawak niyang cola at clover. Tinuro ko 'yon at saka ko siya tinitigan sa kanyang mga mata.

"Bakit ikaw lang mayro'n niyan? Nasaan ang sa 'kin?"

"What? Bumili ka nang sa 'yo. Hindi naman tayo nagpunta dito para ilibre ka eh."

Sandaling nagsalubong ang aming mga mata dahil nang lumingon siya sa akin, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Libre mo na ko." Bumalik ang malawak kong ngiti sa kanya, pero masama pa rin ang titig niya sa 'kin.

"Bakit naman?"

"Wala akong nadalang pera eh. Gusto mo bigyan mo na lang ako ng clover at coke mo." 

"B-Bakit pati coke?"

"Wala akong inumin, Aizen." Pinalungkot ko ang mukha ko para maawa siya sa 'kin. Baka sakaling tumalab. Hahaha.

"Tss. Fine. Bibilhan na lang kita ng sa 'yo." Humarap siya sa tindera ng sari-sari store at muling bumili ng coke at clover.

"Yehey! Maraming salamat, Aizen."

Sabi ko na nga ba at mabait talaga itong si Aizen eh. Med'yo hindi lang niya pinapahalata. Hahaha.

Inabot ko ang coke at clover. Paborito ko rin kaya ang dalawang 'to. Pagkaabot ko ay ako na ang nagpaandar ng wheelchair ni Aizen. Nagpunta kami malapit sa dagat at doon kami kumain ng pagkain namin.

"N-next time, ikaw naman ang manlilibre sa 'kin."

Natigilan ako sa narinig ko. Ibigsabihin ay may pangalawang pagkatataon pa ang paggala namin?

Sumilay ang ngiti sa labi ko. Lumingon ako sa direksyon ni Aizen at bahagya akong nagulat nang makita ang pamumula ng dalawang tainga.

Maanghang ba ang clover na kinakain niya?

✓ETCIUWhere stories live. Discover now