"Paanong hindi?! Eh nakakaasar ka! Kapag ako nainis na talaga ako sayo nang tuluyan puputulan ko nang mga ulo ang mga alaga mo isa isa!" sigaw ko na ikinaputla nang buong mukha niya. Nakailang lunok pa siya.
Tsk takot rin naman pala.

"Ikaw naman sunshine, pwede mo kaya akong bugbugin alam ko namang ganyan ka lang talagang maglambing kay kuya eh. Kaya halika na puntahan na natin love mo." saad ni kuya at agad na inakbayan ako.

"Akala namin bukas pa kayo matatapos sa pagbabangayan." Walang pasensyang saad ni Liwayway. Umirap naman siya.

"Shut up!" sabay na sigaw namin ni kuya. Tinignan siya namin ng masama ni kuya. Kaya napalunok naman siya.

"Nakakatakot talaga kapag isang Hamilton ang magalit. Jusko." saad ni Kercleen tila takot na takot na.

That's right, mess with anyone but not with a Hamilton. Or else you'll experience hell. Especially with Bellatrix Kendria Hamilton. I'm not as good as Queen. Not as soft as King. I can do better that kuya Raizen. I can brutally kill someone better than him. But if there's one Hamilton you should be afraid of that's not me. But Skylar. That manipulative witch.

Claymore's POV

I'm drowning myself in the bathtub, nang sunod na sunod na tawag ang aking natanggap. Hinayaan ko na ang nakakarinding tunog na paulit ulit na tumatawag. Hindi ba niya alam na kapag dinistorbo niya ang reyna ay maaari siyang mapahamak? Umabot pa ako nang dalawang oras sa bathtub. Atsaka naisipang mag ayos na.

"Donna 75 missed calls." basa ko sa screen ng cellphone ko. Ano kaya ang ichichismis nito.

"What do you need?" bungad ko sa kabilang linya.

"Madame! Aalis na po kami gusto ko lang ipaalam hehe." saad ni Donna sa kabilang linya. Napataas naman ang kilay ko.

"Give the phone to Bellatrix, I'll talk to her." saad ko. Napabuntong hininga naman siya sa kabilang linya.

"Madame tulog po siya. Alam niyo naman na ayaw na ayaw niyang ginigising siya." saad niya. Kaya ako naman ang napabuntong hininga. Alright. Binaba ko na dahil wala namang kwenta ang pag uusap na yun.  Pumunta na akong Hamilton Empire at nandoon nga naman ang hari ko. Ang pogi pogi talaga. Bagay na bagay sa ganda ko.

"Hi hon, did you heard what happened?" bungad na tanong sa akin ni Kairon. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit? What happened?" tanong ko sa kanya agad  ko naman nakita ang kanyang makulamlam na mata na punong puno nang kalungkutan.

"Gio De Silva got into car accident earlier. He's in critical condition up to now." mahinang pahayag niya. Tila nanlambot naman ako sa aking mga narinig.  Mabuti na lang at nasalo ako ni Kairon.

"W-what?" yan lang ang natanong ko dahil nangangapa rin ako nang mga salita na sasabihin.

"Yes hon, you heard it right. He got into car accident. Pinaharurot niya ang sasakyan dahil gusto niyang maabutan si Bellatrix before her flight. Pero may tumawid na aso, kaya imbis na mabangga ang aso iniliko niya at siya naman ang nabangga." pahayag ni Kairon.

"How stupid! Mas pinili niyang iligtas ang aso kaysa sa buhay niya. Magagampanan ba ng asong yun ang pagiging asawa at ama kay Bellatrix at sa apo natin?!" pagalit kong saad pilit na tinatabunan ang konsensyang umuusbong sa akin.

"Hon, maybe he has his reasons. For now rest for a while. We'll visit him to know his condition. I'll just finish my paper works." saad ni Kairon. Kaya nanghihina naman akong napaupo sa couch.

Hindi. Hindi mo to kasalanan Claymore, ginawa mo lang kung ano ang sa tingin mong tama. Kasalanan yun ni Gio dahil tanga siya. Hindi mo naman siya inutusan na iligtas ang aso kaysa sa buhay niya. Kaya wala kang kasalanan.

TWIST OF FATEDär berättelser lever. Upptäck nu