Chapter 38

16 3 1
                                    


Kercleen's POV

Ang sakit sakit ilang minuto na lang aalis na kami. Hindi ko na makikita pang muli si Palong. Siguro pinagtagpo lang kami hindi tinadhana.

"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 69B to New York. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you." pahayag nang isang flight attendant sa speaker.

This is it pakbet na talaga! Goodbye Philippines, hello New York.

"Gaga ano dinadrama mo dyan eh magboboarding na tayo ilang sandali." saad ni Kristina. Kahit kailan talaga walang hiya to. Napakainggitera. Palibhasa tatandang dalaga hahahaha.

Tinignan ko ang paligid, mamimiss ko talaga ang Pilipinas. Ang mansiyon ng mga Hamilton. Si amang hari. Ang prinsipeng masungit na si Raizen. Ang bruhang si Skylar. Ang dalawang kambal na pogi. At higit sa lahat si Palong. Ang mga chismosa kong kapit bahay. Hay. Ano ba to, hindi pa kami nakakaalis pero I'm missing home na agad. Hayaan mo, pagkabalik ko dito ikaw na ang maglalaway sa akin Palong.

"This is the final boarding call for passengers Liwayway Powers, and Bellatrix Kendria Hamilton booked on flight 69B to New York City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Liwayway Powers and Bellatrix Kendria Hamilton. Thank you." pagtawag na sa kanila.

Nasaan na ba kasi sila? Nagpaalam muna ako na lalabas upang matignan ko sila. Ayun nga sila nasa entrance pa lang sila ng boarding. Kaya pinuntahan ko agad sila.

"Baks halika na!" sigaw ni Liwayway kay Bellatrix na wala sa sarili.

Hihilahin na sana siya ni Liwayway para luminya kasi boarding na namin, pero binawi niya ang kanyang kamay at umiling.

"Baks, I-I'm sorry. Hindi ko kayang iwanan si Gio." saad ni Bellatrix at umiling. Nanlaki naman ang mga mata namin ng tumakbo siya palabas. Kaya sinundan na namin siya ni Liwayway. Tsk supportive kami eh. Sina Kristina, Donna, at Emy na lang ang pumuntang New York. Mga ambisyosang frog yun eh. Hahahahaha.

Bellatrix's POV

Hindi ko kaya. Hinding hindi ko kakayanin na iwanan si Gio sa ganitong sitwasyon. Kaya tinawagan ko agad si kuya Raizen.

"K-kuyaa?" naiiyak kong tanong ng sinagot na niya ang tawag ko.

"Sunshine ano? Susunduin ba kita diyan? Natauhan ka na ba?" sunod sunod na tanong ni kuya. Kaya mas naiyak na talaga ako.

"K-kuya - .." may sasabihin pa sana ako pero agad na naman siyang sumabat bwiset talaga to panira ng moment.

"Ano na sunshine?! Sabihin mo na kasi malaki kana. Nangongo ka na rin ba ha? Nako ayokong may kapatid na ngongo." saad na naman ya.

"Kuya kasi pwede - .." Bwiset sumabat na naman.

"Pwedeng ano sunshine?! Tsk ano ba naduduwag ka ba? Epekto ba yan ng pagbubuntis? Nako nako masama yan." saad na naman niya. Bakit ba itong siraulo kong kuya ang tinawagan ko. Bwiset hindi na talaga ako nakatiis at sinigawan ko na siya.

"Will you fucking shut up for a minute?! Let me talk first wag kang sabat ng sabat! Sunduin mo ako dito sa airport ngayon din as fast as you can. I'll be expecting you in 5 minutes." mariing saad ko. At humalakhak na naman siya sa kabilang linya.

"Gotcha!" Panggugulat ng walang hiya kong kuya galing sa likod. Hinampas ko na siya ng sling bag ko.

"A-aray! Aray! Ano ba! Kuya mo ako kaya hindi mo ako dapat sinasaktan!" pikon na sigaw niya.

TWIST OF FATEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz