♡ChApTeR~29♡ (INTRAMS)

Start from the beginning
                                    

Napalingon kami sa pinto.. andun na silang lahat.. at alam kung narinig nila ang napag usapan namin

"Kung yun lang ang tanging makakapag pagaan ng kalooban mo.. gawin mo.. wag mo lang sobrahan" unag usal ni Simon..

Tumango lang si Mckenzie

"Napatawad muna pala sila eh..." tanging sambit naman ni Felex "peeo bakit ang sama pa ng tingin mo kanina sa kanila?" Tugon nya kasabay ng tanong

"Hindi ko maiwasan eh.." umiling si Mckenzie "hindi ko alam kung paano namuo ulit ang galit ko nang makita ko sila at ginaganahan akong sumuntok pag nakikita ko sila"

"Eh?" Yun lang ang nasabi ko

"Totoo..lalo nang sipain ako ng lalaking yun kanina... halos mamilipit ako sa sakit dahil sa lakas ng yun at hindi ko napigilan ang sarili kung ibalibag siya.. nahiya ako saking ginawa kanina dahil sobrang rami pala ng taong nandoon at isinisigaw na ang pangalan ko...para kasing kaming tatlo lang nila Sheena ang nandoon at parang kahoy lang ang kalaban ko... kahoy na pinagpra praktisan ko" mahabang sabi nya... hindi ko alam pero panay iling lang siya ...

"Madaya ang luko" ani ni Jack..

"Hindi lang makasuntok eh mang sisipa na ulul amputa" naiinis na sabi ni Felex

"Hey!" Saway ni Ethan sa sinabi nyang badword

Hindi ko pa narinig si Ethan na magsalita ng masama at hindi nya talaga sanay na nakarinig ng ganoong salita.. makadiyos ata tsk!

"Paano mo pala nabalibag yung lukong yun? Eh ang laki laki ng katawan tas mas matangkad pa kay Sean?" Sambit ni Felex

Ngumiwi si Mckenzie

"May nagtuturo... tinuturuan nya ako ng martial arts.. at iyong pagbabalibag ang napagtripan ko.. kaya yun ang paborito kung moves... hindi narin ako nakakadalaw sa matandang iyon..ang lahat ng nalalaman ko ay sa kanya ko lang natutunan at madali ko lang natutunan yun sa maliit na panahon" nangiti pa siya habang parang iniisip ang nakaraan

"Si Sean ay marunong ring makipag bakbakan.. lolo nya naman ang nagturo sa kanya nun.. marami yang alam" sobramg daldal talaga ni Felex tsk!

"Ganoon ba?." Nakangiti na si Mckenzie sa ngayun...

May ibinatong bagay si Sean na agad namang sinalo ni Mckenzie

Isang selpon.. selpon ni Sean

Napatingin si Mckenzie sa phone at tinignan nya yun.. nagulat sya at napaglapat ang kanyang mga labi.. at nagugulat na tumingala kay Sean

"Ipaliwanag mo kung bakit mo nasabi yan" seryuso si Sean

Halos lahat ng araw naman eh. Seryuso yan.. hindi pa nga yan ngumingiti tsk! Ang guwapo guwapo never namang ngumiti...

"Wrongsend yan" dagliang sagot ni Mckenzie

"At kanino mo naman dapat na isend ang ganyang salita?" Tanong ulit ni Sean

"Basta Xsend" iniiwas ni Mckenzie ang mukha nya sa kaharap nya ng si Sean

"Your'e lying" usal ni Sean at yumuko ito papalapit sa mukha ni Mckenzie natigilan ang lahat at katahimikan ang namutawi sa room

"No.. i'm not" hindi lumilingon si Mckenzie kay Sean kahit kaharap nya naman ito...

"Pede ba! Sagutin mo nalang yung tanong ko"

"Wrongsend nga eh.. wala ako sa sarili ng sabihin ko yan" itinuro nya pa ang phone na hawak nya

"Talaga?" Parang hindi pareng kumbinsido si Sean at nagpamulsa ito

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now