THIRTY: Hubad na Katotohanan ni Marcus

139 42 4
                                    

"I'm serious. Y-you don't have to sleep here, Marcus," ang sabi ko nang makababa ako sa kaniyang motorsiklo. Tinanggal niya ang kaniyang helmet at humarap sa akin.

"Wala akong gagawing masama sa'yo babe. Nagbibiro lang ako kanina. I'm going to sleep here kasi kailangan niyo ng kasama. Wala ang mom mo diba? At dalawa lang kayo ni Sofie ang nandito, kasama yung mga katulong niyo."

"Eh ano naman? O-okay lang talaga kami Marcus. And nakalimutan mo na ba, na sa subdivision kami nakatira? Wala naman sigurong magtatangkang pumasok na iba dito sa bahay."

"Please," he begged, with his pleading face.

"No," I answered simply.

"Yes," he said.

I rolled my eyes and spoke to him, " Tch. Pero wala kang isusuot na damit. Locked ang kwarto ni dad."

"Meron ako," sabi niya at sabay na binuksan ang kaniyang bag. Bumungad roon ang mga nakatuping damit at uniporme.

"Seryoso ka ba, Marcus? Pinaghandaan mo talaga 'to?"

"Mmm... yes? I really miss you, kasi ilang araw tayong hindi nagkasama, so I grab this opportunity na makasama ka. At kailangan niyo rin ng kasama sa bahay ni Sofie, kahit na sa subdivision pa kayo nakatira."

"Tch," I muttered.

"Kuya Marcus?" Sofie yelled as she got out of the gate.

"Hey little princess," said Marcus and leaned down to talk with sofie.

"Tara po sa loob kuya Marcus. Nagluto po si Yaya ng maraming foods kaya if you don't mind po, you can eat here sa house," saad ni Sofie bago niya hilain si Marcus papasok ng bahay. Wala na akong nagawa at sinundan ko nalang silang dalawa at pumanhik na rin papasok.

"How was the school, Sofie?" Tanong ni Marcus kay Sofie, na ngayon ay nilalantakan ang pagkain sa kaniyang plato.

Nginuya ni Sofie ang pagkain sa bibig bago nagsalita, " School was fine po, and look, I have a star po," aniya at inilahad ang star na nasa pulsuhan niya. " Nagrecite po kasi ako kanina sa klase and nasagutan ko po yung math sa board that's why she gave me a star."

"Wow! Ang galing naman ng baby namin. Siguradong matutuwa si mom and dad niyan," wika ko at nginitian siya ng malapad.

"Ang galing naman ng little princess. Cute na nga, matalino pa. Mana sa ate," saad ni Marcus, sabay tingin sa akin.

Nginitian lang siya ni Sofie bago ulit bumalik sa pagkain.

*Phone ringing*

Habang kumakain, nabaling ang atensyon ko sa aking cellphone na kasalukuyang nag ri-ring. Ganun rin si Marcus at Sofie na napatingin rin sa cellphone ko.

Mom's calling

I answered the call and turned on the camera to see her face. Iniharap ko ang cellpone sa aming tatlo nang bumungad ang mukha ni mommy.

"Hi mommy!" Pambungad na sabi ni Sofie at kumaway pa.

"Hi baby. Kamusta kayo ng ate?" Tanong ni mommy. Malapad ang ngiti ni mommy, pero hindi ko maikukubli ang pag-aalala na nararamdaman niya. Hindi ko pinakita kay mom na nag-aalala rin ako at nalulungkot, kaya pinilit ko ring ngumiti para pagaanin ang loob niya.

Believing Lies Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang