EIGHTEEN: The Icecream, The Guard and The Doorknob

291 32 5
                                    


Riley's POV

"Umasa ako na may pag-asa pa na mabuo yung pamilya namin, pero ngayon, kailangan ko na sigurong maniwala na wala na akong magagawa," Marcus said, inclining his head down.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin o gawin nang ikwento niya sa akin ang nangyari. Bakas sa mukha niya ang lungkot at galit na pilit niyang nilalabanan. I pity him for having a broken family. Hindi ko lubos na maintindihan ang nararamdaman niya, pero alam kong masakit iyon para sa kaniya.

"Everything will be alright." Hinawakan ko ang likuran niya at nginitian siya, para kahit paano ay mapagaan ang loob niya.

Tinignan niya ako at ngumiti ng pilit.

"Ayos lang ako, Riley. 'Wag ka nang mag-alala sa akin," he lied, and smiled as if it was nothing.  But I know him, He's not saying the truth at pilit niyang tinatago ang nararamdaman niya.

"Seriously, I'm perfectly fine," sabi niya. Inilagay niya ang dalawang daliri niya sa gilid ng labi niya at binuka ito ng malapad. Binuka niya ang labi niya at ngumiti ng napakalapad. Napangiti naman ako sa ginawa niya. I adore him for trying to be fine, and for trying to smile even if he's falling apart inside.

Nginitian ko nalamang siya pabalik at sinusubukang pagaanin ang loob niya.

"Marcus," pagtawag ko sa kaniya.

"Mmm?" He hum in response.

"Can I have your bag?"

"Bakit?" Tanong niya.

"Basta akin na," sabi ko at iniabot naman niya ang bag niya.

Binuksan ko ito at kinuha ang resealable na plastic bag sa loob. Laman ng plastic ang benda at ilang panggamot. Naalala ko, ito yung ginamit ni Marcus para gamutin yung mga galos ko noong araw na sinaktan ako nila Alyssa.

"Meron ka parin pala nito?" Tanong ko sa kaniya at inilahad ang resealable na plastic.

Tumango lamang siya at ngumiti.

Binuksan ko ang plastic at kinuha ang mga panglinis at panggamot ng sugat.

Nilagyan ko ng antibiotic oitment ang hawak kong bulak at iniabot ang kamay ni Marcus. Iniharap ko sa akin ang bukong ng kamay niya at nilinis ang namumula niyang sugat. 

"You are good at it," sabi niya. Tumingala ako at tinignan siya.

"Ikaw rin naman. Natatandaan mo pa ba yung ginamot mo rin ako nun?" tanong ko.

He nodded. "Yes, natatandaan ko pa. Pati yung paghagulgol mo.  You cried like a baby," he said.

I gave him a sullen glance at nag-pout sa sinabi niya. Nahiya tuloy ako sa itsura ko noon.

"But you are kinda cute back then," he added.

Hindi ko alam at napangiti ako ng bahagya. Yumuko nalamang ako at tinuloy ang paggagamot sa sugat niya.

Pagkatapos siyang bendahan ay nilinis ko rin ang pasa niya sa mukha. Napapailang naman siya sa sakit nang idampi ko ang bulak sa mukha niya.

"Thank you, Riley," tugon niya nang matapos kong gamutin ang sugat niya.

Ibinalik ko ang mga gamot at panlinis sa kaniyang bag at iniabot iyon sa kaniya.

"Wala 'yun. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo eh. Tinulungan mo rin ako nun, kaya patas na tayo ngayon," sabi ko at nginitian siya.

"Marcus," pagtawag ko sa kaniya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.

"Mmm?" He said in response.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon