FIFTEEN: Showering in The Rain

346 35 0
                                    

Madilim na ang kalangitan, tanging ang ilaw ng mga dumadaang sasakyan nalamang ang nagbibigay liwanag sa daan. Nasa gasoline station kami ngayon, hinihintay ko si Marcus na kargahan ng gasolina ang kaniyang sasakyan. Siniguro niya nang magpakarga para hindi kami mawalan ng gas habang tinatahak ang daan pauwi.

Sa mismong gasoline station, may isang convenience store. Pansin ko ang pag-kulom ng tiyan ko dahil ilang oras na rin kasi nang huli kaming kumain. Kaya nagpaalam muna ako kay Marcus sa tumungo muna roon saglit.

"Marcus, punta lang ako sa convenience store, dun oh... Bibili lang ako ng makakain," saad ko at tinuro ang store.

He just nodded and, "Sige, hintayin mo nalang ako dun," he said.

Pagpasok ko ng store ay binati ako ng cashier, nginitian ko lang siya at naglakad patungo sa mga pagkain.

Nagpunta ako sa beverage area at binuksan ang malaking refrigirator. Kumuha ako ng dalawang Iced coffee, ang isa ay para kay Marcus. Pagkakuha, isinara ko ito at nagtungo sa area na may mga sandwiches. Kumuha rin ako ng sausages at ilang crackers.

Pagkabalik sa cashier, inilapag ko ang mga pinamili ko at hinayaan siyang i-scan ang mga ito.

"I will pay for your bills," a man spoke from my side. Hindi ko siya kilala. Matangkad, moreno at fully built ang katawan.

"Hindi na. Salamat nalang," sambit ko at ngumiti ng pilit.

Habang kinakalkal ko ang wallet sa aking bag, inilabas niya ang wallet sa kaniyang bulsa at kumuha ng pera. Wala na akong nagawa nang iabot niya ang pera sa cashier.

"You are cute... and hot," sabi ng lalaki. Tiningala ko siya at pilit na ngumiti.

"Do you have a boyfriend?" He asked. I felt awkward.

"Yes she has a boyfriend." Bigla nalamang sumulpot ang presensya ni Marcus sa harapan ko. Hinarap niya ang lalaki. Tinignan ko si Marcus at tila hindi maipinta ang expresyon sa kaniyang mukha.

Hinawakan ni Marcus ang bewang ko at idinikit ako sa kaniya.

"I'm her boyfriend. Kaya 'wag kang makalapit-lapit sa girlfriend ko," Marcus' said. Bahagya akong napalunok sa sinabi niya at hindi na nakapag-salita.

"Tsssk. Fine!" Sambit ng lalaki at itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Bye, Miss Beautiful," sabi ng lalaki bago ito umalis. Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Marcus at kinuyom ang kaniyang palad. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

Umatras si Marcus at kinalma ang sarili, habang ang lalaki ay tinahak na ang daan papalabas ng store.
.
.

Nakaupo kami ngayon sa isang bench, sa labas ng convenience store. Ipinatong ko ang hawak kong supot sa upuan at kinuha ang dalawang sandwich. Inabot ko kay marcus ang isa pati ang Iced coffee.  Inilabas ko rin sa supot ang isa pang bote. Sinubukan ko itong buksan pero mahigpit ang pagkakasilyado ng takip nito. Kinuha ni Marcus sa kamay ko ang hawak kong bote at binuksan. Pagkabukas, ibinalik niya sa akin ang bote ng Iced coffee.

Tinignan ko siya pero wala parin siya sa mood. Hanggang ngayon ay galit parin siya.

"G-galit ka ba, Marcus?" tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at nilagok ang hawak niyang Iced coffee.

Napayuko nalamang ako at kinain ang hawak kong sandwich.

"I'm not mad at you," sabi niya. Tiningala ko siya.

"Eh bakit ganyan 'yang itsura mo?"

"I'm mad because you're beautiful," he said.

Believing Lies Where stories live. Discover now