Ang Makata

13 1 0
                                    

Matatawag ka nga bang magaling na makata kung walang emosyon mong isinusulat ang iyong akda?
Matatawag ka nga bang makata kung ang mga akda mo ay hindi mo gawa?
Matatawag ka nga bang makata kung mabilis kang sumuko sa sandatahan ng mga salita?
Matatawag ka nga bang makata?

Maubusan man ng tinta ang panulat;
Hindi titigil mag bigay ng mga salitang sa mga mata ng iba'y mag papamulat.
Ang totoong makata, kahit na sinabing huminto na siya sa larangan ng pag susulat ng tula;
Ay na sa kaniya pa rin ang tagla'y nagaling ng pag likha ng mga matatalinhagang mga salita.

Ang makatang linagyan ng emosyon ang bawat salita ng kan'yang likha;
Wari'y pag nag babasa ka ng akda ng makata kayo ay iisa.
Makatang hindi lang linalagyan ang kaniyang tula ng mga tugma at matatlinhaga;
Hinahaluan niya rin ng emosyon na lalo pang sa madla ay nagpapahanga.

'wag mag isip na maging magaling ka 'agad;
Nasa proseso tayo ng pag unlad.
Magpursigi ka lang at iyong maabutan;
Ang magaling na makatang iyong hinahangaan.

Salitang Itinutugma(Short Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon