Malaya Ka Na

18 1 0
                                    

Hawak ko na ang kaniyang kamay
Nakapasok na ako sa kaniyang buhay
Masarap sa pakiramdam na ako'y kaniyang minahal
Hiniling na ang oras ay bumagal
Binulong ko sa kaniya ang pangakong walang iwanan
Hinaplos ko ang kaniyang mukha na puno ng kalungkutan
Mainit naluha ang pumatak sa aking pisngi
Matamis ako na sa kaniya ay ngumiti
Pinakawalan ang malalim na hininga
Naglakbay ang aking kamay sa kaniyang maamong mukha
Hinalikan ang kaniyang noo kasabayan ng pag patak ng mga luha
Ika'y aking bibitawan na
Mahal, malaya kana

Salitang Itinutugma(Short Poems)Where stories live. Discover now