Kaibigan Na Kinalimutan

32 1 0
                                    

Ating balikan ang nakaraan
Ng tayo'y masaya pa at nag bibiruan
Ang mga kwentong walang katapusan
Pag tayo'y nasa tambayan

Aking kaibigan ating balikan
Ako na yata ay iyong nakalimutan
Taon palang ang lumipas
Pag kakaibigan natin ay agad na nag wakas

Mag kikita tayo sa daan
Akin kitang nginingitian
Ang mga mata'y nag tatama
Walang emosyon akong nakikita

Sakit ay umuukit sa aking puso
Ang ating pangakong nag laho
Walang iwanan
Ngunit ako'y iyong kinalimutan

Salitang Itinutugma(Short Poems)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz