Lumaban

26 1 0
                                    

Mga matang malungkot
Sa isipan ay may takot
Luha ay tatakas
Nakalimutan ang bukas
Sinasakop ng dilim
Nakatingin sa matalim
Kamatayan ay lumalapit
Ayaw na makaramdam ng sakit
Susubukang labanan
Pero tila'y bumabalik na naman
Ang kasiyahang pandalian
Kalungkutan na pang matagalan
Hirap na kalabanin ang isipan
Kinukulong ang sarili sa nakaraan
Kapit sa liwanag
Kung gustong makaligtas
May nag aabang pa na bukas
Nag uumpisa ka palang malayo pa ang wakas

Salitang Itinutugma(Short Poems)Место, где живут истории. Откройте их для себя