Akaw Ang Salita

12 2 0
                                    

Ito ako,hawak ang aking panulat at papel
Nakadungaw sa bintana at nakatingin sa kalangitang na nag kukulay kahel
Sumusulat ng mga pangungusap na ang dulo'y tinutugma
Inahahalintulad sa kahit saan ang taong paksa
Ikaw, Oo ikaw na aking sinisinta
Inahahalintulad kita sa isang pluma
Pag hawak na ang isipan ay nag iiba
Ang pakiramdam ay nag babago ang timpla
At sa papel isusulat ang mga salita
Pag hawak na ng kamay, puso at isip nag kakaisa
Nakakasulat ako ng isang magandang tula
At dahil iyon sa'yo inaangkin kong ginoo
Ikaw ang nag papalabas ng mga salita sa tahimik kung mundo

Salitang Itinutugma(Short Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon