Pumasok kami sa mall. Yeah! sa mall kami pumunta. akala ko pa naman importante ang pupuntahan namin. Gusto lang pala mag shopping ng dalawang toh. Tapos inistorbo pa nila ang tulog ko.-_-

"Sammy tara dun sa boutique na yun"

Ano pa bang magagawa ko eh kinaladkad nyo na ko? =_=

"Sammy boy mukhang bagay sayo ang isang to!" ^___^

O_O

Nang aasar ba ang isang toh? Eh swinsuit kaya yung hawak nya. Hindi naman swimming ang ipeperform namin. >__<

"Princess ang role mo sa play Sammy kaya kelanagan natin ng mag gowns"-- Ericka

"P-pero matagal pa naman yun Ericka"

"Ano kaba dyan Sammy para nga mapaghandaan na natin. Remember ikaw ang bida kelangan maging maganda ka."

ganun ba talaga yun? (_ _)

 

"Sammy boy kelangan din nating ayusin ang itsura mo"

"Tama si Jenny Sammy. Kelangan mo na ng transformation"

"Wag na kayong mag abala. Ok lang naman sakin ang itsura ko ngayon"

"Hellooo? Nasa 21st century na tayo noh wala kana sa panahon ng lola mo. Hindi na uso ang ganyang itsura at porma. Wag kang magpaka old fashion Sammy. Tingnan mo kami ni Jenny sunod kami lagi sa fashion.

Kayo na =_=

 


Wala na kong nagawa ang kulit kasi nila. Halos lahat ata ng boutique ay napasukan na namin. Ganyan sila. WALANG KAPAGURAN sa pag shoshopping

"Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ko. Maawa naman kayo sa alaga ko sa tyan. Nangangayayat na sya"-_-

Tumingin silang dalawa sakin tapos tiningnan nila ang isat-isa saka ngumiti. HMm. ano nanaman kaya ang iniisip ng dalawang toh?

"Sammy kelangan mong mag diet. Remember ikaw ang bida"

"Wala na kong pakialam kahit ako ang bida basta importante ngayon makakain ako. Gutooomm na ko. " >o<

"Kawawa ka naman Sammy boy. Ok sige kakain na tayo"

Bigla akong nabuhayan sa sinabing yun ni Jenny. I love you Jenny ^.^

 


"Yehey kakain na kami"

"Para kang bata dyan Sammy"

"Wag kana ngang kumontra dyan Ericka, sadyang gutom na talaga ang mga alaga ko"

"Grabe ka Sammy di naman ako kumokontra" -_-

Napatigil naman ako sa pag lalakad ng may nakita ko na parang pamilyar ang mukha. Si Sander ba yun?

"Sammy boy tara na. Sino bang tinitingnan mo dyan?"

"Wala naman" May date siguro ng isang yun kaya sya andito. Akalain nyo yun may nakatagal sa ugali nya, eh ang sungit sungit ng isang yun.

Kumain nga kami sa isang fast food chain. At dahil walang kapaguran ang dalawang nag shopping nanaman sila at syempr kasama ko. Nag kakasundo talaga sila sa maraming bagay especially sa style ng damit. Mukhang nakakahalata na ko sa dalawang to ah. Kaya siguro nila ko sinama para may julalay at tagabitbit ng mga pinamili nila.>o<

"Sammy tara na sa Salon. Kelangan ka ng maayusan"

Oh.no. Salon ba kamo?

 

"Ayoko. Ayokong magpagupit. Wag nyong gagalawin ang buhok ko." >_<

Buhok ni Sammy. See picture on the side>>>>>>>

 

"Ok fine Sammy. DArating din ang time na ipapagupit mo din ang buhok mo na yan"

Wushu. buti na lang

 


Sa wakas pauwi na din kami. TIME CHECK: 5:03pm. Can you believe that almost 9 hours kami sa mall. Napaka shopaholic nila. Bilib na ko sa dalawang yun.

Nang nasa tapat na ko ng bahay may inabot silang paper bags sakin.

"Bye Sammy boy thanks sa pag sama samin sa pag shoshopping. Yan ang regalo namin sayo kasi sinamahan mo kami."

"Salamat din Jenny and Ericka."

"Kita nalang tayo bukas sa school."

"Ingat kayo."

Pag pasok ko sa kwarto agad kong binuksan ang mga paper bags. Di naman ako excited noh? =_=


Puro pampaganda ang laman ng mga paper bags. San ko naman kaya to gagamitin? Di naman ako mahilig sa mga ganito. Yun dalawang yun talaga. Pag bukas ko nung isang paper bag nagulat ako kasi dress ang laman nun at super duper cute nun.

"Hanga talaga ko sa taste ng dalawang yun" ^__^

****

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now