Chapter 6

13.9K 338 8
                                    

 ~*

Chapter 6

Last period? Done!

"Yes uwian na" heto ang pinakapaborito kong parte sa lahat sumunod lang ang break. Hehe

Nilapitan ko sila Ericka at Jenny na busy sa pag aayos ng mga sarili nila, "sabay na tayong umuwi" tumango lang sila

"Baka andun na ang service ko, dalian mo na nga Jenny sa pag aayos dyan, wala ka namang pinapagandahan pero kun todo ka sa paglipstick dyan" paninermon ni Ericka pero sinimangutan lang siya ni Jenny. NBSB kasi yang si Jenny kaya siguro tinamaan sa sinabi ni Ericka

"Ikaw na lumalovelife" napatingin ako kay Ericka, bakit hindi man lang nagkukwento 'to

"Hoy wala ah!"

"Fine!" sabay tago ng mga pampaganda ni Jenny sa bag. Tatayo na sana kami ng biglang may pumasok at halos mapangiwi kaming tatlo sa malakas na pagsigaw niya.

"Sam!!!"

Ay anak ng tokwa

"Kelangan ba talagang sumigaw? Hindi po ako bingi at pwede ba kutong lupa wag mo kong matawag tawag na Sam, hindi tayo close noh alam mo naman 'yun diba?"

"Kunyari kapa diyan Sam, pero nagustuhan mo din naman 'yung ginawa natin kanina"

 Pakiramdam ko namumula na ako ngayon sa sinabi ni Cedrick at sa mga oras na 'to ay gusto ko siyang sakalin dahil sa pagpapaalala pa sakin sa nangyari sa stock room.

Lumapit siya samin at grabe lang kung makangiti, para bang hindi na siya sisikatan pa ng araw "Gusto mong sabay na lang tayong umuwi?"

 "Ano?! In your Dreams!" sabay belat

Hindi ko alam ang nasa isip nila Ericka at Jenny dahil kanina pa sila tahimik na para bang wala silang balak na paalisin ang lalaking 'to kahit alam nila na may atraso siya sakin pwera na lang kung nakakaisip na naman ng kalokohan ang dalawang 'to

"Bakit hindi ka na lang pumayag Sam?" tiningnan ko ng masama si Ericka

"Oo nga naman kesa mag ingay pa kayo diyan. Nasa likuran niyo lang naman kami para kung sakaling itanan ka ni Cedrick ay may susuporta pa sainyo"

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!"

Asar ah

 Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa lalaking 'to, madaldal din siya pero nakakainis ang kadaldalan niya ah puro non-sense ang mga lumalabas sa bibig niya sayang lang at wala akong dalang masking tape para takpan ang bibig niya

"Andito na ang service ko una na ko sainyo" nagbabye na kami kay Ericka at sumunod na din nag paalam si Jenny pero bago siya tuluyang sumakay ay lumapit muna siya sakin at binulungan ako


"Enjoy lang kayo ah, Magdate kayo kung saan niyo gusto" sabay kindat. Kinilabutan ako sa narinig ko

"Pano ba 'yan Sam tayo nalang ang naiwan, gusto mong mamasyal?"

"Gusto ko na umuwi! Asa ka namang sasama ko sayo"

"Maaga pa naman eh, sige na" gusto kong masuka nung bigla siyang nag pout at nag puppy dog eyes pa. Kadiri

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo, masama ba 'yun"

Oo masama lalo na kung ikaw ang makikipagkaibigan, buti sana kung iba wag lang ikaw, Kutong lupa!

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon