15. Things getting clear

6.3K 194 4
                                    

Sander's POV


Simula nung nalaman ko ang ginawa ni Ericka kay Samantha ay napagdesisyunan kong hiwalayan siya. Alam kong hindi madali ang naging desisyon kong yun para kay Ericka pero wala na talaga kong ibang maisip na paraan para maging maayos ang lahat, tutal naman ako ang nagpalala ng sitwasyon na to.

Nung malapit na ko sa bahay ay di ko inaasahan ang biglang pagsuntok sakin ng isang lalaki. Hindi ko yun napaghandaan kaya napaupo ako sa sahig.

"G*go ka Sander!!" pinunasan ko ang gilid ng bibig ko dahil may konting dugong lumabas, "alam mo ba ang pinaggagagawa mo?!"

Naiinis na ko sakaniya, wala naman siyang ibang alam kundi ang sisihin ako sa mga ginagawa ko, bakit hindi niya sisihin ang sarili niya dahil wala man lang siyang magawa para tulungan ang babaeng gusto niya

"Akala ko hindi mo sasaktan si Sam pero g*go ka talaga Sander, sinira mo pa ang pagkakaibigan nila Ericka at Sam!"

Naririndi na ko sa mga naririnig ko sa taong to kaya tumayo na ako at sinuntok din siya. Napaupo din siya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kaniya.

"Wala kang alam Cedrick"

Tumalikod na ko at nung hahakbang na ako palayo ay narinig ko ang mga salitang nagpaudyok pa lalo na sisihin ang sarili ko.

"Alam mo bang minahal ka talaga niya? oo nga't nagpaubaya ako kahit masakit basta makita lang siyang masaya. Ginawa kong layuan siya pero anong ginawa mo? di ko akalain na ikaw pa mismo ang mananakit sakaniya."

Sa pagkakataong to ay gusto kong saktan ag sarili ko.

Lumapit si Cedrick at hinigit niya ang kwelyo ko at kita ko sa mga mata niya ang galit. Hinayaan ko siyang suntukin ulit ako. Masakit ang bawat suntok na natatanggap ko sakaniya pero hindi ko siya ginantihan, hinayaan ko lang siya na gawin iyon.

Ang tanga ko na saktan ang dalawang babae ng dahil lang sa maling desisyon

"Kailan ka ba magpapaka-lalaki Sander?" dinilat ko ng dahan dahan ang mga mata ko, pareho na kaming nakahiga ngayon sa kalsada.

"Simula ngayon ay gagawin ko na ang tama" narinig ko siyang ngumisi ng mahina

"Hinintay mo lang pala na mabugbog kita bago mo mapag-isipan ang bagay na yan. Tandaan mo Sander hindi ko na hahayaang masaktan mo pa ulit si Sam. Tama na ang isang beses dahil nagpakatanga ako noon pero ngayon haharap ka muna sa kamao ko bago mo siya masaktan."

Tumayo siya at inilahad ang kamay niya para tulungan akong makatayo.

"Pano ba yan mukhang hindi ka makakapasok bukas, ako na lang ang magpapaliwanag sa mga teacher natin na binugbog kita kaya hindi ka nakapasok"

"Sira ulo."


"Seryoso ako Sander, simula ngayon hindi ko na hahayaan na masaktan mo ulit si Sam. Ganun ko siya kamahal, ayoko na ulit masayang ang chance na to para protektahan siya"



__

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now