SPECIAL CHAPTER: 1

7.8K 192 5
                                    

Dahil maraming nagsasabi na bitin daw. Naisipan kong dagdagan ng special chapter ang story ni Sam. Thank you gift ko na din 'to sa inyo at binasa niyo ang sory nila at may bonus pang vote at comments. Super naappreciate ko yun guys. <3

 heto na! nakadedicate din pala sayo to kasi ang tyaga mong mag vote. Salamat

~*

SPECIAL CHAPTER: 1


"Ano na babe? tara na kasi" kanina pa nangungulit ang mokong na 'to at kanina ko pa siya gustong sipain ng mawala na ang magulo sa paligid.

"Babe!"

Ay pucha naman oh.

"Bakit ba babe ka ng babe jan? Tigilan mo nga ako Cedrick. Kinikilabutan ako sa ginagawa mong yan o baka naman gusto mong hindi na kita sagutin jan" pananakot ko sakaniya.

"Sabi ko nga titigil na ko babe Masyado namang mainitin ang ulo mo. Summer na summer at ganiyan pa kainit ang ulo mo" inirapan ko lang siya, konting pangbabadtrip pa at masasapak ko na talaga siya.

Ilang minuto na din kami naghihintay kila Ericka at Jenny at kahit isang text ay wala man lang naliligaw. Balak ba nila akong mabulok kasama ng lalaking 'to?

"Bakit ang tagal naman ata nila?"

"Di ko din alam" sa totoo lang nagugutom na ako, hindi ko naman kasi akalain na ganito pala sila katagal, ayan tuloy hindi na ako nakakain ng tanghalian.

Napatingin ako kay Cedrick nung bigla siyang tumayo at umalis. Kaya kami nagbalak na magkita kita dahil pupuntahan namin si sir Levi at magkakaroon daw ng despidada party.

Ilang sandali pa ay nakabalik na si Cedrick pero ang dalawa ay wala pa din.

"Sam" pag angat ko ng ulo ay nakita kong inaabot sakin ni Cedrick ang sandwhich at tubig. 

"Kung kulang pa, bibilhan ulit kita." pinanliitan ko siya ng mata. In fairness, may plus points siya dahil sa ginawa niya.

"Wala naman bang kapalit to?"

Tumawa siya bago sumagot, "Syempre wala! hahayaan ba naman kitang magutom, kung hindi pa siguro ako bumili eh tumitirik na ang mga mata mo ngayon"

Babatukan ko na sana siya ng biglang dumating ang mga bestfriends ko.

"Ang sweet niyo naman" nakangisi si Ericka samin

"Ericka! buti at dumating na kayo, hindi ko na ata kaya pang magtagal na kasama ang isang 'to"

"Concern na nga sayo tapos ganyan ka pa babe"

"Tse!" nagtawanan ang dalawa at nung aalis na sana kami ay bigla kaming pinigilan ni Jenny.

"Wait lang..."

"May hinihintay ka pa ba Jenny?" tanong ni Ericka, nagtaka din ako kasi ang alam ko ay kami lang apat ang pupunta sa bahay ni sir.

Hindi siya makasagot at nung may biglang tumigil na tricycle sa harap namin ay dun lang nasagot ang mga tanong namin. Nung bumaba siya sa tricycle ay ang laki ng ngisi ko kay Jenny. Improving ang dalawang 'to ah.

"Bakit ganyang ka kung makatingin, Sammy?"

"Wala naman" pinipigilan kong mapatawa dahil sa nagiging reaksyon ngayon ng kaibigan ko pero wala eh ang cute talaga nilang tingnan at bagay na bagay silang dalawa.  Isipin ko pa lang na ang dalawa kong bestfriend ay nagkakamabutihan na ngayon ay parang gusto kong magpaparty dahil sa sobrang saya. Not to mention na first boyfriend siya ni Jenny kung sakali.

Sumakay na din kami ng tricycle at pumunta sa bahay ni sir. Nung nakarating kami dun ay may mga ibang estudyante na din at nung nakita kami ni sir ay lumapit siya samin.

"Buti naman at nakarating kayo" matagal tagal ko na din siyang hindi nakita simula nung nalaman naming nagresign si sir sa di namin malaman na dahilan.

 "Basta ikaw sir, pero saan po ba kayo pupunta?" napakamot muna siya ng ulo bago sumagot sa tanong ni Cedrick.

"Actually, ikakasal na ako at kaya ako nagpaparty ay dahil lilipat na kami papuntang Amerika"

"Talaga sir?" hindi ko maitago ang saya ko, kung sino man ang babaeng papakasalan ni sir ay masasabi kong ang swerte swerte niya dahil bukod sa gwapo na ay sobrang bait pa niya. Nung ipinakilala samin ni sir ang magiging asawa niya ay humanga ako dahil sa sobrang ganda niya. 

Pagkatapos kaming kausapin ni sir ay nagpaalam sakin si Cedrick na pupuntahan niya daw ang ibang mga kaibigan niya na nagkukwentuhan sa labas. Kahit naman hindi sya magpaalam ay puwedeng pwede siyang umalis, mas mabuti nga yun para walang bubuntot buntot sakin. Nakakairita din kami minsan hindi tuloy ako makabuwelo.

Nung bandang hapon na ay nag aya na sila Jenny na umuwi at sinabing sabihan ko si Cedrick para makasabay na samin. Hinanap ko ang lalaking yun sa labas at hindi ko siya nakita, hinanap ko siya sa paligid hanggang sa nakarating ako sa likod ng bahay ni sir. Nakita ko nga siya pero napasimangot ako nung makitang may kasama siyang babae. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis. Ganyan ba ang nanliligaw? pumuporma sa iba habang nakatalikod ako?

Asar!

Lumapit ako sakanila pero hindi nila ko napansin. Mas lalo lang kumunot ang noo ko nung biglang hawakan nung babae ang kamay ni Cedrick. Nag kunwari akong naubo at nung nakita ako ni Cedrick ay nanlaki ang mga mata niya.

"Sam!" tumabi siya sakin pero tinalikuran ko lang siya at nagsimula ng maglakad pabalik. 


Aba, pakialam ko kung mambabae siya? pero nakakainis ah!

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon