SPECIAL CHAPTER: 2

9.4K 208 3
                                    

Ilang buwan na ding nanliligaw si Cedrick at heto na nga 4th year students na kami. Ilang beses na din akong kinukulit nila Jenny at Ericka na sagutin na siya dahil deserving naman siya at nag eeffort talaga siya sa lahat ng bagay. Hinahatid niya ako pag uwian at kilala na din siya ng mga magulang ko. Kilala ko na din ang kapatid niya at magulang, kung titingnan nga kami parang kami na pero wala pang title. Hindi naman niya ako pinipressure pero ang mga tao sa paligid namin ang nag pipressure sakin.

Ang unfair diba? iyak nalang.

"Oy Samantha, ano na?"

"Wait lang nag aayos pa ako. Kung mauna kana kaya diba? susunduin mo pa si Jenny"

"Paano ka? baka magalit sakin si Cedrick kapag iniwan kita. Ibinilin ka pa naman niya sakin"

"Ayos lang ako, alam ko naman ang papunta dun. Sige na, matatagalan pa ako" kung hindi lang ako tinanghali ng gising eh di sana kanina pa ako tapos mag ayos. Pero sadyang kahit anong sabihin ko sa sarili ko na hindi ako magpupuyat habang katext si Cedrick ay hindi pa din talaga mawala sa sistema ko ang magpuyat lalo na kapag parehas kaming may load. Nakakatawa nga ang pinaggagagawa ko, hindi naman ako ganito pero kasi ang dami naming napag uusapan at hindi na namin halos namamalayan ang oras.

Hmm, ang weird ko na talaga at siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Nung natapos na akong mag ayos ay nagpaalam na ako kay mama at dumiretso sa tagpuan namin, may bonding kasi ang buong barkada at ginagawa namin ito isang beses sa isang linggo dahil alam namin na kapag nag college na kami ay magkakahiwahiwalay na kami. Pero kung puwede lang na sa isang university lang kami ay gagawin namin para sama sama pa din.

Nung nasa tagpuan na kami ay nakita ko na sila Jenny at Ericka pero si Rexan at Cedrick ay hindi pa daw dumadating. Hindi ako magtataka kung late si Cedrick pero si Rexan? pinauna ko na nga siya para sunduin si Jenny pero bakit wala pa rin siya dito.

"Nakakainis talaga ang panget na yun"

"Easy lang Jenny, papunta na din yun dito"

"Basta! naiinis ako sakaniya!" napapailing-iling na lang ako sa dalawa. Sabi lang naman yan ni Jenny pero pag nagsimula ng maglambing si Rexan sakaniya ay magiging pusong mamon na  siya ulit at saka hindi nila kayang tiisin ang isat-isa.

Ilang sandali pa ay dumating na si Rexan at may dala siyang paper bag at ibinigay 'yun kay Jenny, nagkatinginan kami ni Ericka at napangiti nung nagsimula na ngang magtampo si Jenny at nilalambing na siya ni Rexan.

"Anong oras ba dadating si Cedrick?"

"Hindi ko alam" sagot ko kay Ericka

"Ni hindi ba nagtext sayo? sabi ko naman sayo Sam, sagutin mo na siya para naman alam mo na kung anong pinag gagagawa ng lalaking yun at makokontrol mo siya"

"Ano ba yang sinasabi mo Ericka? ayoko namang diktahan ang mga gagawin niya at ayokong alamin lahat ng ginagawa niya baka pati ang pagpunta ng cr ay sabihin pa niya sakin. Yuck kaya yung ganun."

"Sabi mo lang yan, makita mo kapag naging kayo na maiirita ka kapag hindi man lang siya nagreply sa text mo at saka mas gugustuhin mo ng makasama siya kesa samin" nung pagkasabi nun ni Ericka ay napatingin sila Jenny at Rexan samin.

"Hoy ano yun Sammy? totoo ba yun? kung ganyan lang din naman aba! wag mo ng sagutin ang tukmol na yun"

"Syempre hindi Jenny! at saka hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan natin dahil lang jan noh, hindi pa ko baliw para gawin yun"

"Tingnan na lang natin Sammy" tapos ngumiti ng nakakaloko si Ericka.

Hayyy naman hindi talaga ako ganun promise!

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now