7. Hurtful Reality

7.5K 216 23
                                    

Cedrick's POV


Abala yung buong klase sa play mamaya kaya hindi magkanda ugaga ang class president namin pati na rin si Ericka sa pag aayos ng mga props. 

"Hoy Cedrick, si Sammy boy?" tanong ni Jenny na halatang badtrip.

"Hindi ko pa siya nakikita simula pa nung lunch, akala ko kasama niyo?"

"Anong klaseng manliligaw ka? Naku, baka masulot siya ng iba pag lagi kang ganyan" 

Hindi mangyayari yun, hindi ako papayag na mapunta lang sa kung sinu-sino si Sam.

Tumayo ako at lumabas ng room para hanapin si Sam. Isang linggo ko na din siyang nililigawan at sa tingin ko naman ay may pag-asa ako.

Habang naglalakad lakad ako para hanapin si Sam ay may narinig ako sa di kalayuan, "Hindi ko rin alam kung sino may gawa nun"

"Bakit bigla siyang hinatak ni Sander? Sila ba? pero ang alam ko nililigawan siya ni Cedrick." napatingin ako sa dalawang nag uusap 

Nilapitan ko sila at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat ng bigla akong sumulpot sa harap nila.

"Nasaan sila?"

"Nasa may field" 

Agad akong tumakbo at nakita ko silang dalawa. Sa mga oras na to alam kong nagseselos ako. Ayokong makita si Sam kasama ang ibang lalaki lalo na ang Sander na yun. 

"Samantha, pwede pa naman di ba?" rinig kong sabi ni Sander habang hawak niya ang mga balikat ni Sam na nakasandal sa pader, "..alam kong may nararamdaman ka sa kaniya pero sana.."

"S-sander..."

Nagseselos ako ng sobra, Akin lang si Sam!

Dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ay lumabas na ako at nagpakita sakanila.  Halatang nagulat sila pareho at ng nakalapit ako sa kanila ay hinawakan ko agad sa braso ni Sam at hinila papalayo kay Sander. Kung dati, lahat ng gusto ni Sander ay nakukuha niya pwes iba na ngayon kahit gusto niya si Sam ay hindi ako papayag na mapunta siya sa kaniya.

"Teka, Cedrick..." hila-hila ko pa rin siya, hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin basta ang gusto ko lang ay malayo siya sa lalaking yun.

"Masakit na Cedrick!" napahinto siya at pati ako ay napahinto na din. Nagulat ako nung nakita ko siyang umiiyak kaya agad ko siyang niyakap.

"I'm so sorry, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Nagseselos ako tuwing nakikita ko kayong magkasama"

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko.

"Cedrick, please, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. I'm so sorry..."

Anong ibig niyang sabihin? Masyado ko bang pinipilit ang sarili ko sakaniya? 


"Parang...nagkakagusto na ata ako kay Sander."


__

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon