8. Play PART 3

7.8K 205 14
                                    

Sam's POV


"Parang...nagkakagusto na ata ako kay Sander."

Ilang segundo rin kaming nanahimik. 

Masama ba ko? alam kong mali ito lalo na't boyfriend siya ng bestfriend ko. Pero hindi ko mapigilan. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na to, nakatingin lang si Cedrick sakin at hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"Sam!" napalingon ako sa lalaking tumawag sakin, "anong ginagawa niyo dito?"

"Ah, wala Rexan" pero parang hindi niya ko pinapaniwalaan

"May ginawa ba sayo ang lalaking to? Sabi ko naman sayo nung una pa lang. Hindi ako boto sa panliligaw ng lalaking to"

Pinapatigil ko si Rexan sa pagsasalita pero dirediretso lang lumabas sa bibig niya ang mga salitang yun. 

Bakit ngayon pa Rexan!

Tahimik lang si Cedrick pero nakita kong humigpit ang pagkakayukom ng kamay niya. May lalo akong naguguilty.

"Sam, sabi--"

"Rexan!" sabay tahimik niya, "magkikita kayo ni Jenny, diba?"

Pagkasabi ko nung ay saka niya naalala na may ibang lakad pala siya.

"Oh siya, good luck sa play niyo mamaya. Manunuod ako" aalis na sana siya ng binaling niya ulit ang tingin niya kay Cedrick, "malaman ko lang na pinaiyak mo si Sam, humanda ka sakin"

Pagkaalis ni Rexan ay tumalikod na si Cedrick ang nagsimulang maglakad. Sobrang nagiguilty ako sa ginawa ko sakaniya. Pero, atleast hindi ko na siya masasaktan pa lalo.

Bumalik na din ako sa room at nakita kong abala ang lahat sa pag aayos para sa play. Lumapit sakin sila Jenny at Ericka at nagtanong.

"San ka ba galing? kanina ka pa namin hinahanap. Hindi ba kayo nagkita ni Cedrick? akala ko pa naman hahanapin ka niya kasi bigla siyang umalis kanina."

"Hindi ko siya nakita" pagsisinungaling ko

"Oh ayun si Cedrick" sigaw ni Ericka

Bigla akong nagkunwaring may ginagawa. Sana lang hindi mahalata nung dalawa ang mga kinikilos ko.


--

Nasa back stage na kami ngayon at alam kong kinakabahan ang bawat isa samin. Pero sinusigurado ng class president pati na rin ni Ericka na hindi kami kakabahan pag scene na namin. Sumilip ako sa kurtina at nakita ko na maraming tao, mas lalo tuloy akong kinabahan at napatingin ako sa gawi kung saan nakaupo si Rexan.

Wosh! kaya ko to!

Simula kaninang tanghali nung sinabi ko kay Cedrick yung nararamdaman ko ay hindi na niya ako gaanong pinapansin.

"Sam ready kana? Kaya mo yan!" tumango ako sabay hingang malalim

Nung nasigurado na ni Ericka na okay na ako ay pinuntahan niya si Sander. Mas lalo akong nilamon ng konsensya ko. Bakit ba kasi traydor ang puso. 

I'm so sorry Ericka


Nung natapos na yung scene bago ang scene namin ni Sander ay para bang gusto ko ng mag back out. Akala ko okay na ako pero mas lalo ata akong kinabahan ngayon. Ilang sandali pa ay pinatay na ang ilaw at rinig na rinig namin ang hiyawan ng audience.

"Kaya mo yan Sammy" pag momotivate sakin ni Jenny

Ilang sandali pa ay naglakad na kami papuntang stage. Nung nasa gitna na kami ay bumukas ang mga ilaw at malakas na hiyawan ang tumambad samin. 

Nagsimula ng kumanta si Sander at ako naman ay nagsimula na ring umarte. Ilang sandali pa ay yung scene na kung saan ay lalapit na siya sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang kamay ko at para bang na kuryente ako. Sa scene na 'to ay magtatapat siya sakin, habang kumakanta siya ay ramdam ko ang kaba. Hindi na nga ako masyadong makahinga kasi pakiramdam ko ay nasasakal ako.

Rinig na rinig ko ang hiyawan sa loob ng auditorium pero mas malakas ang tibok ng puso ko ngayon kesa sa hiyawan ng mga tao sa harap ko. Bigla kong naalala na pagkatapos ng scene na to ay scene naman namin ni Cedrick.

Anong gagawin ko? Nagsisimula na akong magpanic.

Muling namatay ang ilaw na senyales na tapos na ang scene namin ni Sander at habang papunta ako sa backstage ay may biglang humatak sakin at dinala ako sa dressing room. Kami lang ang nasa loob at kinakabahan ako kasi parang may kung ano sa mata niya.

"Sam" 

Umiiyak ba siya?

"Cedrick?"

"Mahal mo na ba siya?" hindi ko alam ang isasagot ko, "boyfriend siya ng bestfriend mo! hindi mo ba iniisip ang mangyayari kung sakaling malaman to ni Ericka?" 

Napapikit na lang ako sa sinabi niya. Alam ko! Pero hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Alam kong magagalit sakin si Ericka, kaya naiinis ako sa sarili ko dahil nangyari ang di dapat mangyari.

Kung pwede lang sana mabago tong nararamdaman ko

"Tama na Cedrick!" hindi ko na napigilan na taasan siya ng boses. Wala rin namang patutunguhan ang usapan to kaya naglakad na ako pabalik sa stage.

Kung nung dati na nerd pa lang ako ay hindi ko nararanasan ang ganito, na kahit walang pumapansin sakin ay okay lang basta kasama ko lang sila Jenny at Ericka. Pero simula nung dumating si Sander at nahulog ako sa kaniya ay nagsimula na din na gumulo ang dating normal na kong buhay.

Nung naglalakad na ako pabalik ay may biglang tumakip sa bibig ko at ilang sandali pa ay nahilo na ako. Pero bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang sinabi ng lalaki.


"Pagbabayaran na ni Sander ang atraso niya satin."


__

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now