Chapter 2

25.1K 464 10
                                    


~*

SAMANTHA

Maaga akong gumising ngayong araw dahil trip kong mag jogging bago pumasok ng eskwelahan, tutal kailangan ko din 'to para pumayat dahil napansin ni Jenny kahapon na tumaba ako. Hayy ewan, bakit ko ba hindi naisip na gawing libangan 'to nung bakasyon ayan tuloy nagpapapawis ako ngayon para lang mabawasan ang timbang ko


Sa park ako pumunta at nung halos kalahating kilometro na ang natatakbo ko ay umupo muna ako sa isang bench para magpahinga. Bigla namang pumasok sa isip ko si sir Levi, hihi makikita ko na naman siya mamaya. Libre naman ang magpantasya kaya naman pinagpantasyahan ko muna ang gwapo naming teacher at natigil lang iyon nung may narinig akong talbog ng bola. Hinanap ko ang pinaggalingan nun at napadpad ako sa isang basketball court at nakita ko ang isang lalaki na mag isang naglalaro. Halos mapahanga niya ako dahil sa galing niyang mag shoot ng bola, halos three points nga ang laging ginagawa niya.

Galing talaga!

Siguro varsity ang isang yan, mukhang kaedad ko lang din at infairness gwapo din siya pero wala ng tatalo kay sir Levi dahil siya talaga ang pinaka gwapo sa lahat ng mga lalaking nakikita ng mga mata ko. Hehe, may favoritism eh

"Hanggang kelan ka ba dyan magtatago?"

Nahuli niya agad akong nakatingin sakaniya? astig naman ng isang 'to hindi kaya may mata sa likod niya?

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at hinarap siya, tutal naman nakita niya na ako kaya wala ng dahilan para patago ko siyang tingnan. Magmumukha lang akong tanga sa ginagawa ko.

"H-Hi" syete! bakit ako nabulol? baka sabihin nito kinakabahan ako ngayon na kausap ko na siya. Asa naman!

"Bakit nag tatago ka? kamuntikan pa kitang mapagkamalang multo. tsk!"

"Hindi ako multo"

"Nakakatakot kasi yang itsura mo" sabi niya. Aba! kung mamintas ang isang to kala mo kung sinong gwapo

"Maputi ka lang uy!" sagot ko

"May sinasabi ka?"

"Bingi ka pala eh" sinimangutan niya ako at ang ginawa ko lang ay benelatan siya.

"Siguro isa ka sa mga stalker ko noh?"

"Ano?!" ang kapal talaga ng apog ng isang 'to, maturuan nga ng leksiyon.

Kinuha ko 'yung orange juice na binili ko sa di kalayuang bending machine at WHOOAAA! ASTALAVISTA!. Binuhusan ko ng orange juice ang damit niya na nasa bench

"Ops, hala biglang natapon"

"Hoy babae anong ginawa mo sa damit ko?! alam mo bang mahal yan?"

"Paki ko kung mahal yan, ang yabang mo kasi!"

Tumakbo na ako at iniwan na ang lalaking 'yun. Buti nga sakaniya, dapat alam niyang magpigil ng kayabangan niya ng hindi siya nasasampolan

xxxx

Kamuntikan pa kong malate, kung hindi siguro ko umalis agad kanina ay hindi na ako makakapag attendance. Nakakainis talaga ang lalaking 'yun sana nga lang ay hindi ko na ulit yun makita. Kapag naiisip ko ang kamalditahan ko kanina ay napapangiti ako ng malapad.

"Sammy bakit nakangiti kana naman dyan?" tanong ni Ericka

"Hala baka baliw na ang kaibigan natin " singit naman ni Jenny. Ang dalawang 'to talaga hindi naman alam ang dahilan ng pagngiti ko ay ganun na lang kung makapag conclude.

"Wag nga kayong OA, may naalala lang ako"

"Sino na naman yan? ikaw ah hindi kana nag kukwento samin. Ang daya mo talaga Sammy boy" may pahampas hampas pa si Jenny na nalalaman at dahil nga masyado silang makulit at lumalabas na ang pagkasadista ng kaibigan ko ay wala na akong nagawa kundi ang ikwento ang nangyari kanina at ngiting tagumpay na naman ako.

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now