39: Hate that I LOVE YOU

Start from the beginning
                                    




Umupo ako sa gilid ng kalsada. Wala namang tao eh kaya walang magkakamaling sabihan akong baliw o nawawala..



All of a sudden, napatingin ako sa kalangitan.





Ang daming mga bituin. Ngunit may iisang bituin na nakakuha ng atensyon ko.






"Ikaw na bituin ka.. Diba ikaw si Polaris? Diba ikaw si Daniel? Diba ikaw yung dapat na laging nagbabantay sa akin?! Pero anong ginawa mo.. Binigo mo ako. Pinaasa mo ako sa mga pangako mong hindi naman pala kayang panindigan ng isang katulad mo! Bwisit ka. Naiinis ako sayo. Naaasar ako sayo! Alam mo ba kung bakit? Kasi kahit sobra mo na kong sinaktan ng ganito... Mahal na mahal pa rin kita...."





Patuloy parin sa pagkinang yung bituin na yun na in-assume kong Polaris. Sabi kasi nun ni DJ, isa ito sa pinakamakinang na star.


Eto nnaman eh.. DJ nnaman ako ng DJ! Galit ako sa kanya dba?





"Pero DJ.. Gusto ko lang sana kaninang malaman mo na kahit na anong mangyari, hindi kita makakalimutan. Gusto kong sabihin sayo na alagaan mo yang sarili mo. Wag kang magpapabaya. Dahil wala na akong mag-aalaga sayo. Yang puso mo ha! Dapat kapag nagkita na uli tayo, isang masigla at palaban na DJ na uli ang makita ko. Gusto kong sabihin lahat sayo yan kanina pero hindi ako nabigyan ng chance. Umalis ka na kasi bigla eh..."





Haha! Natutuwa ako sa sarili ko. Napaka-dramatic na ng buhay ko!!






"Kaya ikaw na POLARIS ka. Kahit ikaw lang. Wag mo kong iiwan ha?! Dahil ikaw ang magpapaalala sakin na minsan sa buhay ko, naging masaya ako.. Okay?"




Para akong tanga na kinakausap yung star na yun. Ewan ko.. Feeling ko kasi, si DJ na rin yung kinakausap ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh.. Kung bakit kahit anong pilit ko sa sarili ko na GALIT AKO SAKANYA, hindi ko magawa.






May nakita akong uling sa gilid ko. Naisip kong kunin yun at magsulat sa sementadong kalsada na kinauupuan ko ngayon...















"I HATE THAT I LOVE YOU SO"











Isinulat ko yan with feelings. Parang yan yung house of representative ng nararamdaman ko ngayon.




Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko man lang magawang magalit sa kanya. At yun ang kinaiinisan ko.






Nakayuko pa rin ako. At tsaka ako uli nagsalita ng mag-isa...


"Oh, star! Ikaw ang saksi sa mga nangyayari sakin ngayon ha? Ikaw ang nakarinig sa lahat ng sinabi ko. Ikaw ang nakakita sa isinulat ko ngayon dito sa semento. Kaya sana, wag mo kong iiwan ha?"






Tumingala ako sa langit para tignan si Polaris.











Nasan na siya?!





Nasan na yung star na pinaka-makinang sa lahat na kausap ko kanina?!








Hayyyy. Nagsimula nnaman akong malungkot. At tumulo muli ang aking mga luha. Pinunas ko iyon pero agad agad ding may pumapalit na bago.






"Siguro, talagang ganito na ang tadhana ko. Siguro, tuluyan na talagang nawala sakin si DJ.. At siguro, eto na rin yung sign para ibaon sa limot ang lahat. Siguro, oras na para kalimutan si DJ...."





Humiga ako sa gilid ng kalsada. Pagod na rin kasi ako sa kakaiyak at sa kakaisip...






Nakatulog ako nang may mga bakas na luha sa aking mukha.






***









*pip pip*

*pip pip*







Nagulantang ako sa gulat nang may narinig akong busina ng isang sasakyan. Naistorbo pa yung pagtulog ko dahil sa lakas ng ilaw na nanggagaling sa sasakyan na yun.





"Kath?! Kath?! Diyos ko, anong nangyari sayo? Bakit ka andito?", si Joyce at si Kris na agad lumapit sakin at itinayo ako.




"Oo nga Kath. Bakit andito ka sa lugar na to?", tanong ni Kris.



"Nasan si DJ?", dagdag pa niya.




"Si DJ? Wala na. Iniwan na niya ako..", oh, mag-uumpisa nanamang tumulo ang mga luha ko.



"H-ha? Anong nangyari?"


Matagal akong hindi nakapagsalita. Ayokong ungkatin nnaman ang lahat. Masasaktan lang ako ulit.





"Joyce.. Kris... Gusto ko ng umuwi"


------------------------------------------------


Ano say niyo sa chapter na to? ;))) VoMment!!!

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now