"P-promise mo....M-mag promise ka" saad nito.

"O-oo promise ko" at sa sandaling iyon ay gumuho na naman ang mundo ni Sienna.

Bumalik na naman sa ala-ala niya ang nangyari nung limang taon na ang nakakaraan. Kitang kita niya ang walang buhay na kaibigan na ngayon ay ganoon din. Matapos silang mag pinky promise sa isa't isa ay doon na ito nalagutan ng hininga.

Iyak naman ng iyak si Sienna habang yakap yakap ang katawan nito. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Halos madurog ang puso niya sa tindi ng sakit nito. Ito na naman ang pangalawang nawala ito sa kanya at sa pagkakataong ito alam na niyang hindi na ito muling babalik sa kanya upang paghigantihan siya.

"Ange......ANGELIQUE!!!!!" nagsusumamong sigaw niya habang napakatindi ng sakit.

"Well, well, well. Nakakalungkot na pangyayari. Ako'y nakikiramay" hindi alam ni Sienna kung may sinseredad ba sa mga boses ni Lathea. "Pasensya na. Hindi ko naman alam na haharang siya at magpapakabayani. Ikinalulungkot ko ang nangyari" natawa naman siya sa sinabi nito.

"Pasensya? Hindi alam? Nagpakabayani?" may halong sarkasmong saad ni Sienna sabay tinignan niya ito ng walang buhay.

"Oooh scary. Look Matt, Sienna is scary" nang-aasar na saad nito habang si Matt ay iniinda ang sakit na ginawa ni Sienna dito.

"Hindi ko alam kung bakit ginanito niyo kami. Kung bakit nandamay kayo ng inisenteng tao. Kung bakit masaya kayong nakakakita ng nahihirapang tao" saad niya sabay dahan dahang inihiga si Angelique sa sahig at sabay tumayo siya. "Basta ang alam ko lang. Gusto ko ng matapos ito"

"Talaga? Kami din eh. Hinihintay na lang namin tumumba ang dalawang iyon" sabay turo nito kanila Mikhail dahilan para mapalingon din siya.

Subalit na bigla siya sa nakita niya. Puro dugo na ang damit nito maging ang kalahating mukha at hingal na hingal na ito. Tila ay napagod na rin ito dahil sa dami ng napapatumba. Ngunit mas lalong dumami ang nakakalaban nito.

"Ang sama mo! Napakasama mo! Wala kang puso! Wala kayong puso! Paano niyo nakakaya ang mga ito?! Paano niyo masisikmura ang.....ang mga nakikita niyo?! Mas masahol pa kayo sa hayop. Buti pa ang hayop kahit papaano may puso samantalang kayo wala! Wala kayong puso!" singhal niya kay Lathea na hindi naman nito ininda.

"Because I born with this" sapat ng sagot iyon para makaramdam ng awa si Sienna.

Ito na naman siya. Ito na naman ang malambot niyang puso.

"Pinalaki kaming ganito, Sienna. Maging si Mikhail ganito rin lumaki" saad nito sabay napangalumbaba sa bakal na nakaharang upang hindi sila mahulog sa baba.

Natameme naman si Sienna sa sinabi nito. Marahil ang mundong kinalakhan nila Lathea ay iba sa mundong kinalakhan niya. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Mikahil sa kanya.

Ngunit bakit? Bakit kailangang maging ganito ang pagpapalaki sa kanila? Bakit?. Napuno naman ng katanungan ang isip niya dahilan para masyadong mawala siya sa sarili.

Naging daan naman iyon upang atakihin siya ni Lathea. Napaaray siya at bumagsak sa semento ng sipain siya nito sa hita at hampasin sa noo dahilan para umagos ang dugo noon.

"Masyado ka kasing nagpapaniwala kaya ayan ang napala mo. Haytsss, ang dali mong lokohin Sienna" sabay tawa nito.

Nainis naman siya sa ginawa nito. Kaya kahit medyo nahihilo siya at masakit ang hita niya tumayo siya at nilabanan ito. Hinawakan niya ang buhok nito sabay hinila patungo sa tuhod niya dahilan para pumutok ang ilong at labi nito.

Hindi pa na kontento si Sienna bagkus ay pwersahan niyang hinila ang buhok nito pasubsob sa semento at walang awang kinaladkad iyon. Nang hindi pa siya makontento, inangat niya ito gamit lang ang buhok nito at sabay pinagsisipa sa sikmura.

Hindi naman nakalaban sa kanya si Lathea at halos hindi na makilala ito dahil sa sugat sa mukha. Ngunit natigilam si Sienna ng mapansing balewala lang ang ginawa niya.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Where stories live. Discover now