W#1: 33

2.9K 40 7
                                    

Nagising si Sienna sa hindi pamilyar na lugar. Nagpalinga linga siya sa paligid ngunit medyo malabo ang nakikita niya. May mga bultong tao siyang nakikita ngunit hindi niya mapangalanan ito. Medyo malaki din ang paligid at kahoy ang pader nito hindi semento.

"N-nasan ako? A-anong lugar 'to? S-sino kayo?" parang bangag niyang saad sa mga ito dahil malabo pa rin ang nakikita niya.

Isabay na rin ang hindi niya marinig ang mga sinasabi ng mga ito. Nakikita lang niya ito kahit malabo ang bukas ng bibig nito. Binasa niya ito ngunit isa lang ang bigkas ng mga bibig nito.

"Sienna!!!" napabalikwas naman siya ng bangon at habol ang hininga.

Pinalibot naman niya ang kanyang paningin at napagtanto niyang isa sa mga taong nasa loob ay ang ama niya.


"Finally, your awake my princess" nakahingang maluwag na saad ng ama niya sabay niyakap siya.

Niyakap niya rin ito at nakahinga rin siya ng maluwag ng makitang ligtas ang ama niya. Matapos magyakapan isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang nasa loob pero laking gulat niya ng mapagtantong isa rin si Orlando ang nandoon.

"P-papa, anong ginagawa ng taong yan dito?" naguguluhan niyang tanong dahil wala man lang ni isang sugat o nakatali ang matanda.

"Anak......let me explain" saad ng kanyang ama ng makita ang galit sa mga mata ni Sienna.

"Magpapaliwanag ka talaga sa akin papa! Bakit? Bakit nandito siya at buhay pa yan?!" nagpupuyos sa galit na saad niya dito.

Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon buhay pa ito. Lalo na sa mga bagay na ginawa sa kanya nito. Sa buhay na kinuha nito sa kanya.

"Ikaw.....mamamatay tao ka! Hayop ka! Pinatay mo ang mama ko pati ang anak ko! Sinaktan mo ang papa ko! Tapos ngayon buhay at na hinga ka pa din?! Dapat sayo mamatay!" nagpupuyos sa galit niyang saad habang tumutulo ang malilinaw niyang luha.

Ang lakas ng tibok ng puso ni Sienna hindi dahil sa tuwa kundi sa galit na nararamdaman niya ngayon. Bumalik kasi sa alala niya ang lahat ng pinaggagagawa ni Orlando sa kanya.

"Anak....my princess huminahon ka. Hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat" mahinahong saad ng ama niya habang hawak hawak ang dalawa niyang kamay.

Hindi naman siya kumibo bagkus masama niyang tinignan si Orlando. Siguro kung nakamamatay lang ang masamang tingin kanina pa ito nakabulagta.

"Anak, listen to me. Pakinggan mo muna ako anak" nagsusumamong saad ng kanyang ama.

"Hayaan mo siya, Lorenzo. Naiintindihan ko ang anak mo kung bakit siya nagkakaganyan. Miss Sienna, patawad. Patawad sa mga nagawa ko. Patawarin mo ako. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako hihingi ng tawad" saad ni Orlando sabay yumukod sa kanya na ikinatawa niya.

"Patawad? Seryoso ka jan? Patawad! Ang taong tulad mo ba ay deserve patawarin? Pinapatawa mo ba ako?" walang buhay niyang saad habang patuloy na umaagos ang kanyang luha.

Siguro sa lumipas na araw walang oras na hindi siya umiiyak o nasasaktan ng ganito. Palagi na lang kasi siyang nakukulong sa sakit at pagkamuhi.

"Anak, makinig ka muna sa akin" sabi ng kanyang ama sabay pinunasan ang luha niya dahilan para mapatingin siya dito.

Tinignan niya ito sa walang buhay na mga mata at hindi niya alam kung bakit sobrang sakit ng nararamdaman niya dahil sa emosyong nakikita niya sa kanyang ama.

Alam ni Sienna kung gaano ka gusto nitong pag higantihan si Orlando pero hindi niya maintindihan kung bakit magkasama ang dalawa.

"Anak, alam kong nabibigla ka sa mga nangyayari pero sana....Sana pakinggan mo ang mga sasabihin ko. Anak, diba palagi kita tinatanong kung nagtitiwala ka sakin?" litanya nito sabay hinawakan siya sa kamay at pinagsama iyon.

"Ano ba ang........tungkol doon, papa?" tanong niya dito "Kasi sa totoo lang pa, sa totoo lang umpisa pa lang wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari" saad niya sabay inalis ang kamay ng ama sa kamay niya at siya na mismo ang nagpunas sa sariling luha.

"Alam ko anak. Alam ko, pero alam ko din at alam kong mauunawaan mo ang lahat. Basta, basta makinig ka sa mga sasabihin ko sayo" malumanay na saad ng kanyang ama.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang