Napangiti naman ako.

"Well, I'm surprised. So, hanggang kelan kayo dito?"

She looked at me and smile widely.

"Actually, I have another surprise for you"

"What is it?"

"Dito na ulit kami for good and I enrolled in your school, Lis. So, madalas na tayong magkikita"

Lumapad naman yung ngiti ko sa sinabi niya. Siyempre masaya ko na may bestfriend is back. Namiss ko rin yung mga kakulitan namin noon.

"Wow that's great! Okay, yun para palagi na tayong magkikita" nakangiting sabi ko.

"That's basically the reason why I enrolled her in your school Lis. Siyempre matagal kaming nawala dito sa Pinas at baka mahirapang mag adjust tong si Snow pero dahil nandun ka alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko" sabi naman ni Uncle Max.

"Oo naman Uncle! Makakaasa kayo sakin. Akong bahala sa kanya. Sisiguraduhin kong makakapagadjust agad siya" I said while nodding my head and smiling at her.












"So, ano palang course ang kinuha mo?" tanong ko kay Snow na ngayon ay kasabay ko sa kotse ko papasok ng university.

Pinasabay ko na siya sakin nung nalaman kong hindi pa pala nakakabili si Uncle Max ng kotse para sa kanya. So, I offered my car na lang para di naman nakakahiya. Besides, sa iisang university lang den naman ang tungo namin eh.

Tumingin naman siya sakin bago siya sumagot.

"Pre Law" nakangiting sagot niya.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Last time I knew hindi niya gustong mag law eh.

"What happened to Culinary? Diba yun yung gusto mo? Diba pangarap mong magkaroon ng chain of restaurants na sarili mo tas culinary school? Bat nag law ka?" usisa ko.

Kahit na matagal kaming di nagkita at nagkausap hindi naman yun naging dahilan para ma- awkward kami sa isa't isa. Parang katulad pa rin ng dati, we can say whatever we want sa isa't isa, parang walang pinagbago kaya nakakatuwa.

Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita. Parang alam ko na kung anong sasabihin niya.

"Well, obviously Dad wants me to took up Law para ako yung magmamanage ng law firm namin pagka graduate ko, I mean pag nakapasa ko ng bar" she said then chuckled.

Tumatawa siya pero halata ko namang hindi ito yung gusto niya. Halata ko namang hindi siya masaya.

"Why didn't you tell Uncle Max, malay mo maintindihan ka naman niya na wala kang interes sa law at law firm niyo" sabi ko while taking a quick glance at her bago ako muling tumingin sa daan.

I heard her chuckle once again. Nakatingin lang den siya sa daan habang nagsasalita.

"Sa tingin mo hindi ko ginawa yan? Of course I tried telling him that Lisa pero walang nangyari. I'm an only child kaya wala akong ibang aasahan na magmanage ng firm kundi ako. Pero okay lang. Tanggap ko naman na" nakangiti niyang sabi.

"Well that sucks!"

Tumingin siya sakin at tumawa.

"Ikaw, anong course ba kinuha mo?"

"Engineering"

"So, I assumed kaya ka nag engineering dahil ikaw den magmamanage ng firm niyo when you graduate? Tama ba ko?" tanong niya ng may nakakalokong ngiti.

Bad Chick [COMPLETED]Where stories live. Discover now