"This is for Lyle, Elysha." I whispered to myself and Lyle's image flashes in my head again and I smiled despite the pain and weakness I felt. Humigpit ang hawak ko sa phone kung nasaan ang larawan naming tatlo nila Henessy, Lyle at ako.

I bit my lower lip as my tears fall. Mabilis kong pinahid iyon at pinagpatuloy na ang pagkain. There's no time for crying right now. It won't save me and solve my problems. Crying is just accepting defeat and I won't let that happen.

Pagkatapos kumain ay bahagyang gumanda ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang namumuong init nang matapos akong maglakad. Malapit lang naman kasi ang susunod na establisyamento na pupuntahan ko kaya para mas makatipid ay naglakad na lang ako. Ayoko ng gumastos kung sasakay pa.

Its an another resto. Ito iyong dati kung inapplayan na mabilis ko ring iniwan dahil sa hindi inaasahang pagbabanta ni Tito dati. Umalis ako rito ng ilang linggo lang ang tinagal.

Lalaki ang humarap sa aking manager. Bago at iba doon sa dating nakilala ko rito.  Noong una ay ngumiti siya at bumati pa sa akin kaya bahagya akong nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa.

"I've been a waitress in a resto for years, Sir." magalang kong sinabi at buo ang tinig para mapatunayan kong kaya ko ang trabahong tatanggapin. Pinasadahan niya ako ng tingin habang nagsasalita. Ni hindi umangat ang tingin ng sagutin ko ang tanong niya. Alam ko na agad ang paraan na tingin na iyon, pero pinili kong huwag pansinin.

Kailangan ko ng trabaho.

"Ganoon ba? Kung ganoon ay sanay ka na pala sa ganitong trabaho Miss Vicencio?" pormal niyang sinabi pero ang mga mata ay wala sa mukha ko. Tumikhim ako at sasagutin na sana siya ng may babaeng nagmamadaling pumasok at bumulong sa kanya.

Nakatingin sa akin ang babae habang bumubulong at ang ngiti ng lalaking manager ay biglang nabura. Bigla akong kinabahan at parang mabubura na ang pag-asa na kani-kanina lang ay unti-unting nabuo sa akin.

"Sorry, Miss. Akala ko ay meron pang bakanteng puwesto pero wala na pala. Kakasabi lang sa akin ng assitant ko na nakuha na pala iyon." sinabi ng lalaking manager at tuluyang nadurog ang binuo kong pag-asa. Nilunok ko na ang pagkabigo na nararamdaman at ang pait na nalalasahan ko sa labi.

Nang-iinsultong tumingin sa akin ang babae bago siya umalis at iwan kaming dalawa.

"Ganoon p-po ba. Aalis na lang po ako. Salamat." tumayo na ako at agad naman akong pinigilan ng lalaking manager.

"Sandali! Kailangan mo talaga ng trabaho hindi ba?" tanong niya at nabuo naman ang kaunting pag-asa sa akin pero mabilis kong pinigilan ang sarili.

"Opo. K-Kailangan ko po talaga."

"Kung ganoon ay may trabaho akong handang ibigay sayo." kumunot ang noo ko. Akala ko ay iyon na ang magbibigay pag-asa sa akin pero nang makita ko kung paanong senswal siyang pumasada ng tingin ay nadurog pa lalo ang natitira kong lakas ng loob.

"Hindi na po. Aalis na po ako." inilang hakbang ko ang pinto pero mabilis niya iyong hinarangan. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Ngumisi siya.

"Handa akong magbayad ng kahit na ano. Doble o triple ikaw ang magsabi. You just need to be with me every night." he sensually said and I closed my eyes tightly. Burning rage is dripping now inside me.

"I'm not the woman you think that will sustain your needs, Sir. I'm not that kind of girl so if you'll excuse me, I still need to find a good work." tumawa ang lalaki. Gusto kong sagutin siya sa kaninang sinabi pero pinigilan ko ang sarili. Wala akong karapatang gawin iyon.

"Tinatanggi mo ngayon? You're doing services right? That's what I heard from your video. C'mon don't act clean. I know your dark secret Miss Vicencio. I can sustain your needs in money for your child while you sustain---"

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now