Chapter 34

80 2 0
                                    

Chapter 34




Sa haba ng byahe ay halos buong araw na kaming nasa daan. Thankfully, we ended up arriving before midnight. Ang tagal kasi namin magstop-over.




Nandito kami sa hotel ngayon para magcheck-in. Wala na akong lakas pa makipag-usap sa receptionist kaya si Yna nalang ang pinakiusapan ko.




After a while, we got our room cards and went up. Naligo lang ako saglit at nagpalit ng mas komportableng damit. White sweatpants and a racerback white crop top lang.




Nagpatong narin ako ng cardigan dahil balak kong lumabas at makipagkita kay Adam. Siya ang representative ng family nila Jax. If you noticed, my friends and I were the ones who built this organization. Simula nung magsecond sem sa Spain ay naisipan namin itong gawin.




Sumilip silip pa muna ako sa peephole dahil katapat lang ng kwarto ko ang kay Aiden. I sighed. Buong buhay ko na ba siyang iiwasan?




"Adam!" I called. Nakita ko siya sa lobby nag-iintay.




"Ate ang tagal mo! Nag-iintay na si Sister doon!" Binatukan ko siya. "Tawagin mo pa akong Ate, iiwan kita sa bahay ampunan."




He's just three months younger than me! Ang saya saya nila kapag pinagtritrip-an ako! Magpinsan talaga sila ni Jax. Tsk.




"Keys!" He said. Inirapan ko nalang siya at nilagpasan. "Pikon!"




"Ikaw mag-drive." Sabi ko at sumakay sa passenger seat. Wala naman siyang sinabi at nagdrive nalang.




Halos nandoon kami sa orphanage ng dalawang oras. Hindi kasi ako makakatulog hanggat hindi ko naaayos yung mga kailangan para bukas. Mas maganda na yung handa.




Kaya naman pagka-balik ng hotel ay nakatulog ka agad ako.




"Ate Luna!" Napangiti ako nang sumalubong sakin si Aya. She's the youngest among the children in the orphanage kaya mas close siya sa akin.




"Aya! Tumangkad ka ah!" The first time I saw her, she was very tiny! She was one year old that time. "Buhat!" I giggled.




"Nako kang bata ka! Kakarating lang ng Ate mo, nagpapakarga ka kaagad!" Mukhang natakot naman siya sa sinabi ni Sister.




"Ayos lang po. Na-miss ko din po 'tong bulilit!" I smiled while looking at Aya. Napatingin ako sa likod niya at nakita si Aiden na nanonood sa amin. I gestured him to come here.




"Ay jusme! Kay gwapong bata naman nito, Luna! Siya ba yung nobyo mo dati?!" Ha? Hindi naman ako makasagot dahil sa gulat. Mukhang naramdaman iyon ni Aiden at siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya.




"Aiden James Morgan po. Adela's twin brother." Ngumiti siya at nakipagkamay.




"S-siya nga." Bulong ni Sister na narinig ko.




This feels so awkward. Masyado kasi kaming madaldal ni Adela rito kaya alam na alam nila yung buhay namin!




"Ate Luna! Hug! Hug!" My cheeks went up when I saw Enzo. Ang buhat ko naman ay nagpapadyak na.




"Nauna ako! Shoo! Alis kana, Enzo!" Instead of being frustrated, I smiled.




"Aya, call him Kuya, okay?" I softly said.




"Ayan kasi! Ate Luna, lagi niya akong inaaway! Mas love mo daw siya kesa sakin." Pagmamaktol ng isa. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Aiden sa likod.




Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon