Chapter 9

96 2 0
                                    

Chapter 9


Days passed nang hindi kami nagpapansinan ni Aiden. What's his problem? Ganon na pala ang panliligaw ngayon tss. Sabagay hindi rin naman clear na nanliligaw talaga siya. Baka naturn off?

Pero lagi ko siyang naaabutan rito sa bahay kasama sina Abuelo at Kuya. Buti pa ang Lolo ko pinapansin! Ligawan niya nalang kaya si Abuelo! Joke. Kasalanan ko rin naman kasi.

I like you his ass. Nakakain ba yon? Kailangan ko ng effort hindi puro salita! Anong mapapala ko sa ganon?

Whatever Aiden. I think you're an asshole.
Paasa ka.

Nandito ako ngayon sa mall magisa at naghahanap ng supplies ko for my scale model.

Tinignan ko ang aking checklist. Mayroon na akong mga foamboard at paint. Kulang nalang ng paperclay. I scanned the shelves and there I saw it! Sakto isa nalang ang natitira.


Kaya pala hindi ko mahanap hanap at nasa tuktok pala siya! Tsk. Luminga linga ako sa paligid para sana humingi ng tulong sa mga sales lady pero wala.

I tried to reach it pero hindi ko talaga kaya. You can do this Luna! Patunayan mo na hindi mo kailangan ng kahit sino because you're a strong independent woman who doesn't need any man.

Masyado atang halata na bitter ka, Astrid Luna. Whatever nababaliw na ata ako.



I tiptoed my feet and tried to reach it again. Masyado siyang malayo at hindi ko talaga abot. I'm kind of tall pero ang tataas ng shelves dito. Yung totoo? Sino nagdesign ng store na ito!? Hindi man lang inisip ang mga taong kagaya ko!

May nakita naman akong kamay na umabot ng paperclay. Fudge! Akin na yun eh! Hindi ko lang makuha!

"Here." Huh? Tinignan ko ang lalaking kumuha ng kailangan ko.

"You're cute! I got it for you. I noticed you were having a hard time so I decided to help." He chuckled. Ang gwapo. I noticed how much taller he is to me. He looks familiar.

"T-thanks!" Nahihiya ako sakanya. Ang pogi kasi!

"Hey wait!" Napatigil naman ako sa paglalakad nang tinawag niya ako.

"You're name is Luna right?" Napakunot ang noo ko roon. How did he know me?

"Yes. Have we met before?" I tilt my head in confusion.

"I just saw your nameplate." Ah. Hindi ko pa nga pala natatanggal yung id ko. Lalakad na sana ako ng hawakan niya ang aking braso.

"Grimaldi?" He got my attention from saying my family's name. Sa name plate ko tanging Astrid Luna G. lang ang nakalagay roon. Kaya paano niya alam?

"Do I know you? Sorry ha I'm kind of in a rush kasi." Gutom na gutom na ako jusko naman kuyang gwapo! Sumaglit lang naman kasi ako sa mall para dito.

"I guess you don't remember me." Napataas ang kilay ko roon. Remember? So magkakilala nga kami? Kung mayroon man akong ganto kagwapong kaibigan noon ay sana boyfriend ko na siya ngayon. Charot.

"Sorry I really can't remember but uhmm may I know your name?" Napahawak naman siya sa batok niya at parang nahihiya.

"Javier Santiago. Does it ring a bell?"

"Santiago? The furniture company?" Sagot ko naman.

"Yes." Tango tango niyang sabi. I am still confused. Hindi ko talaga matandaan. Walang pumapasok sa isip ko dahil narin sa gutom!

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon