Chapter 17

92 2 0
                                    

Chapter 17

I am looking outside the airplane's window as we wait for our plane to take off. Tumingin ako sa katabi ko and noticed how calm he is. Habang ako nanginginig nanaman!

The weather is not so great tonight. Ang dilim tapos umuulan pa. I am scared of the rain especially the lightning and thunder.
They bring out the worst in me. Buti hindi nacancel ang flight.

Aiden felt how distracted I am kaya hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Scared?" He softly asked while rubbing my hand with his thumb. It somehow soothes me.

"Yes. But you're here now." I smiled. Pangalawang beses na ata akong pinapakalma ni Aiden tuwing natatakot ako sa ulan.

"I told you. I will take care of you. Hindi kita papabayaan." Pagkasabi niya non ay hinawakan niya ang bewang ko ng mahigpit na parang pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kasecure kapag kasama siya. Napangiti naman ako roon.

After almost two hours ay nakarating rin kami dito sa aming tutuluyan na hotel. Nakakapagod rin ang byahe kahit papaano.
Medyo mainit pero naka jumpsuit lang naman ako at naka lugay.

Nagbabayad pa si Aiden sa front desk kaya I decided to find a seat first. Habang naglalakad papunta sa lobby ay nagulat ako sa batang nakabunggo sakin.

"S-sorry." She quietly said. I lowered down my height para makapantay ko siya. I smiled. Nakita ko kung paano nagtutubig ang kanyang mga mata. Inayos ayos ko naman ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at napangiti.

"It's okay. Are you lost?" Tanong ko habang hawak ang kanyang balikat. This girl is so cute! Siguro ay nasa two years old palang siya.

"O-opo." Nakakatakot ba ako? Bakit feeling ko takot na takot siya sakin. Lord, bakit ganto? Lagi nalang!

"Okay baby. Ate will help you. Can you tell me your name first?" Tanong ko ng may ngiti sa mukha. Ang ganda ng lahi ng batang to infairness!

"Jessica Sa-" The little girl wasn't able to finish what she was about to say because of a man's voice calling her. Napakunot naman ang noo ko.

"Jessy!" Sabay kaming napalingon sa lalaking naglalakad papunta samin. Kaano ano niya ang batang to? It looks like Javi was shocked to see her with me. Kanina pa ba nawawala si Jessica? I shrugged.

"Luna! Nandito ka pala. Sorry sa abala!" Yun lang ang sinabi niya pagkatapos ay mabilisang binuhat ang bata at pumasok sa elevator. He was shaking.

I felt someone snaking their arms on my waist. I look at my left and saw Aiden with his mataray aura! Hinawakan ko naman ang kanyang noo at tinanggal ang pagkakunot non. I smiled

"What?" Taas kilay niyang tanong sakin. Tignan mo may regla pa ata ngayon!

"Red day mo?" I laughed. Binitawan niya ang paghawak sakin at pinitik lang ang noo ko.

"Nagseselos ako." Mahina niyang sabi bago ako iwanan at dumiretso sa elevator.

Wow! Bago iyon ah! Nagsasabi na siya kaagad. Iyan siguro ang nadudulot ng may label. I chuckled.

"Bakit ka nagseselos ha?" Kulit ko sakanya. I poked his tummy pero wala akong makapang tummy. Hmm abs!

"You said he's your first crush." I scoffed. An g bata bata ko pa noon ano namang alam ko sa crush crush na yan! Masyado pang maaga para sa mga love love dapat puro aral aral lang. Pero ngayon puro Aiden Aiden na. Chos.

"And so? Past is past na no!" Sabi ko sakanya para hindi na siya lalo magaalala.
Wala naman na akong pakielam sa Santiago na iyon to be honest.

"Right. Ako na kasi yung future mo."

Napatitig ako sa pintuan ng elevator dahil sa gulat. I can see our reflection on it. Ang sarap burahin ng ngisi niya! Day one palang namin dito sa Palawan pero parang ang sarap isako ni Aiden at itapon sa dagat. Pero dapat kasama ako.

Napailing-iling nalang ako sa naisip. Nauna akong lumabas ng elevator pero napatigil rin sa paglalakad dahil hindi ko alam kung saan yung room ko.

Hinawakan niya lang ang kamay ko habang hawak hawak niya ang dalawa naming maliit na maleta sa kabila.

He stopped at room 0713. Connecting rooms kaya ang kinuha niya? Bakit isa lang yung card niyang dala?

"Let's fix our things first before we sleep." He said. Tuluyan na akong nakapasok sa suite na kinuha niya pero parang napako ang paa ko.

Nakita ko pa siyang tinatanggal ang kanyang mga sapatos habang nakaupo sa paanan ng kama.

"Something wrong babe?" Yung totoo? My forehead furrowed.

"Is this your room?" Tanong ko muna dahil baka assuming lang ako.

"What room? This is ours." Sabi niya habang busy nagaayos ng gamit. Napataas ang kilay ko sa gulat.

"Hoy! Anong OURS ang sinasabi mo? Where's my own room!? I promised Dad na hindi tayo magtatabi!" Nilibot ko ang paningin at nakitang iisa lang talaga ang kama. Pwede naman humingi ng extra bed diba? Bahala siya magtiis doon.

"Babe! Really!? This is our monthsary celebration. Hindi mo talaga ako pagbibigyan?" He asked at nagpuppy eyes pa! Napasapo ako sa noo. We made out and all pero dapat hanggang doon nalang iyon! We should set some boundaries.

"Don't make this hard for us! Humingi kana ng extra bed!" Sabi ko habang dala dala ang pamalit at pumasok sa cr.

Narinig ko pa ang paulit ulit niyang katok pero hindi ko siya pinansin hanggang sa nag give up na ata. I giggled. Not now, Aiden. Gusto ko pang grumaduate.

"Sinasabi ko sayo Luna! I am harmless!" Bungad niya sakin pagkalabas ko ng banyo. Binato ko sakanya ang towel galing sa buhok ko at tumalon sa kama.

"Ang lambot ng kama grabe!" Pang-aasar ko sakanya. Natatawa ako sa itsura niya ngayon! Parang batang inagawan ng lollipop! He's wearing his simple pajamas tapos nakaslouch sa extra bed na nakatingin lang ng seryoso sa akin. Ang laki niyang tignan at parang hindi siya kasya sa kama niya. I feel bad.

"Mas malambot yung labi ko, Luna." He smirked. I was dumbfounded by his words.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pasado alas diyes na ata pero hindi padin ako makatulog dahil naririnig parin ng utak ko yung mga sinabi ni Aiden.

Tinignan ko siya at nakitang mahimbing na ng tulog. Arghh! Kanina ko pa sinusubukan matulog pero hindi ko talaga kaya. Magugulo ko na yung bedsheet dahil sa sobrang likot ko!

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Where stories live. Discover now